FOUR

2065 Words
------ "Daddy.. please? Hindi ko na uulitin yung ginawa ko.." Limang araw na kaming nakabalik from Tito Iñigo's resort and it's been five days, five days ko na din kino convince na wag akong ipadala sa America. "Amaia napag usapan na natin 'to and i'm not having a change of heart. Hindi mo ba alam kung gaano kalaking kahihiyan ang dinala mo sa pamilyang 'to?" Napayuko ako. Ilang beses pa bang ipapamukha ni Daddy Liam na isang malaking katangahan ang ginawa ko? "Last chance Dad.." Halos lumuhod na ako sa harapan niya. Daddy took a deep breath. "No Amaia, you have to learn it the hard way.." Napaiyak nalang ako ng husto. Wala na talagang makakapagpa bago ng desisyon niya. He is the most understanding, loving and caring father anyone could ever dream of pero pag nagkakamali kame, lumalabas yung pagiging disciplinarian niya. Tumabi sa akin si Daddy. He drop his arm around my shoulder and pull me closer to him. "Anak para sayo din naman yung gagawin ko eh." Malumanay na sabi niya. "Pero Dad.. Mahal ko si Rylie.." He patted my hair the way he always do kapag malungkot ako. "Aia, you're only fifteen for Christ sake!, you still don't know what love means." Of course I do! Alam ko ang ibig sabihin ng salitang Love. Hindi naman ako kinikilig ng ganito kapag si Caleb o si Xander o si Klein o si Lukas o kahit na sino pang lalaki ang kasama ko eh. I wanted to tell him but I just kept my mouth shut. "Sisirain ka lang ng pagmamahal mong yan kay Rylie." Mali si Daddy dito eh. Kelan pa nakasira ng tao ang Love? "Liam," Tumingin si Daddy Kay Mommy Yngrid. "Ako nalang ang kakausap sa dalaga natin. She needs someone who can understand her, not a father that will pinpoint her mistakes." Nakapa meywang na sabi ni Mommy. "She doesn't need a mother that will tolerate her." Matigas na sabi ni Dad. Tinaasan siya ng kilay ni Mommy. 'Oh great! Pati ba sila mag aaway pa ng dahil lang sa akin?' "So anong ibig mong sabihin Liam? Ku-kunsintehin ko yang anak mo?!" "Wala akong sinasabing ganyan Yngrid! What I'm trying to say is babae ka at malambot ang puso mo!" Mommy narrow her eyes on Dad. "Out Liam." Nakipag titigan si Daddy kay Mommy pero sa huli, siya padin naman ang natalo. Tinanggal niya yung kamay niya sa may balikat ko saka niya ako hinalikan sa pisngi. Tumayo siya at tumigil sa harapan ni Mommy. Akala ko mag aaway sila pero hindi ko nalang naiwasang ngumiti kahit punong puno ng luha ang mga mata ko nung hinalikan ni Daddy si Mommy sabay sabi ng I love you bago siya lumabas. Gusto ko ng lalaking kasing sweet ni Daddy Liam pero gusto ko din yung pagiging cold ni Rylie. I want him hot and I want him cold. Si Mommy Yngrid yung pumalit dun sa pwesto ni Daddy. She hold my hands and squeeze it. "Amaia anak, kamusta?" Si Mommy napaka bait niya. Mula noon suportado nila ni Tita Celine na gusto ko yung anak niya. Ayaw niya sa mga babaeng dinadala ni Rylie kaya alam kong hindi pabor si Mommy sa pag alis ko. "Mom.. I don't want to leave.. Please? Kausapin mo naman po si Daddy oh.." Mukha na talaga akong desperada. I've never been this desperate in my entire life. "Aia, nakikinig sakin ang Daddy mo, palagi kaming nagtatalo when it comes to you pero sa puntong ito, dear sang ayon ako sa desisyon ng Daddy mo. Don't hate us Anak, we only want what's best for you.." "Mom! Is it really wrong for me to love Rylie? Diba sabi mo nun pag nagmamahal, nasasaktan, nagiging tanga? Diba ganun din naman yung nangyari sa inyo bago kayo nagpakasal ni Daddy? Diba minsan din sa buhay niyo may ginawa kayong bagay na alam mong pagsisisihan mo pero ginawa mo padin?" I don't want to, pero nung mga oras na yun, pati kay Mommy galit ako. I feel betrayed. Akala ko pa naman maiintindihan niya ako kase minsan sa buhay niya, may mga bagay din siyang ginawa dahil lang nagmahal siya. "Aia kaya nga pinipigilan kita eh. I want you to make your own mistakes and learn from it. Wag mong gayahin yung mga pagkakamali ko. Walang Liam na sasalo sayo kapag sobrang hulog ka na. Magkaiba tayo ng destiny, Maybe I found my rainbow after the storm or my happy ending but it doesn't mean makikita mo din yung sayo. I want you to be happy anak," "No mommy! Ayaw mong maging masaya ako! Sinasabi mo lang yan dahil hindi mo matanggap na hindi si Tito Louie yung nakatuluyan mo kaya ayaw mo din na si Rylie yung mapunta sakin! Hindi ka naging masaya kay Tito Louie kaya ayaw mo ding maging masaya ako kay Rylie kase selfish ka Mom! Ang selfish mo!" Hinila ko yung mga kamay ko kay mommy. At sa pangalawang pagkakataon sa loob ng isang linggo, nasampal na naman ako. Nasaktan ko si Mommy sa mga salitang binitiwan ko pero mas masakit yung nararamdaman ko. They don't want me to be happy. Lahat sila ayaw akong maging masaya! "Kung pagiging selfish ang tawag mo dahil ginagawa namin ang lahat para hindi ka masaktan then go! Selfish na kami kung selfish pero Amaia, wag mong gagamitin yung nakaraan namin ng Tito Louie mo para lang makuha ang gusto mo! Para lang magmukhang tama ang mga ginagawa mo. You don't know what happened. You don't know half of it! Naging tanga ako nun but it doesn't give you the right to be stupid! Nasaktan ako at ayaw kong maranasan mo yung ganung klaseng sakit kase mahal kita! If I can take the pain away gagawin ko pero paano ko gagawin yun kung yung simpleng pag iwas lang hindi mo pa kayang sundin?!" Umiiyak na sabi ni Mommy. "Dito ka lang Amaia Yrina, you're not allowed to go outside hangga't hindi malinaw ang isip mo." Iniwan ako ni Mommy sa kwarto. Galit na silang lahat sakin. I let them all down. Pero hindi naman kase nila ako naiintindihan e. Wala silang alam sa nararamdaman ko. 'Pag sa States ako nag Aral, I'll be isolated. Mawawalan ako ng kaibigan, mawawala si Rylie sakin. Kapag hinayaan ko sila daddy na magdesisyon para sa sarili ko, paano naman ako? I won't let them plan my future for me. Kung masasaktan ako, edi masaktan na. Hindi naman dapat laging masaya kapag nagmamahal diba? Kapag nagmahal ka, nasaktan ka, matututo ka. ----- "Rylie.." Ibinaba niya yung brush na hawak niya. Nagpa paint siya sa canvas, tama ang hula ko na nasa lumang apartment siya, yung apartment nila Daddy nung college pa sila, ginawa na kaseng parang club house yun eh. "What do you want brat?" Sagot niya. Ni hindi nga siya lumingon sa akin eh. "Hindi naman ako brat eh!" Nakaingos na sabi ko. "Hindi ka nga lang pala brat, immature pa." Nakita kong umangat yung gilid nung mga labi niya saka ipinagpatuloy yung pina paint niya. "Hindi din ako immature!" I said while stomping my feet. "Yeah right. Nakapa mature mo para pumasok sa kwarto ko ng nakahubad. Alam mo bang pinagbantaan ni Tito Liam ang buhay ko? Oras na malaman niya daw na may ginawa ako sayo, malalagot ako sa kanya?" Naglakas loob akong lumapit sa kanya at tignan yung ginagawa niya. "Sino yan?" Isang babaeng nakatalikod kase yung obra niya. Pencil palang yung ginamit niya pero detalyado na dun na babae yung ipipinta niya. "Ako ba yan?" Enthusiast na tanong ko. Ako nalang kase ang hindi niya pa nagagawan ng ganyan eh. "Asa ka pa.. Si Alea yan." Tipid na sagot niya. Para naman akong sinampal dun sa sinabi niya. Ayaw tanggapin ng sistema ko na si Alea ang bagong model niya dahil kamukha ko yun pag nakatalikod. Pati yung haba ng buhok ko kuhang kuha niya. But then, magkasing haba kami ng buhok ni Alea. "Ipapadala ako nila Daddy sa States.." Natigilan siya sa pagpipinta at bumuntong hininga siya bago niya ipinag patuloy yung ginagawa niya. "Kung pumunta ka lang dito para magpa alam sakin, fine. Bon voyage. Happy safe trip." "Uhmm Rylie kase.. hindi naman ako nagpunta dito para magpa alam sayo eh.. Nagpunta ako dito para.. Uhmm para pigilan mo ako." Nakayukong sabi ko. Nahihiya ako pero eto nalang talaga yung nag iisang paraan para makumbinse ko sila daddy na wag akong ipatapon sa America. I just need to prove them na mahal din ako ni Rylie. "And why would i do that?" Taas kilay na tanong niya sakin. Lumunok ako ng ilang beses sabay ngatngat sa kuko ko. Ganito akokapag kinakabahan eh. "Ka-kase mahal mo ko, because you care.." Please Rylie, sabihin mo lang na mahal mo din ako, handa kong labagin yung utos ni Daddy. "Nitwit." Napatingin ako sa kanya nung bigla siyang tumawa ng malakas. "Sino namang nagbigay sayo ng idea na mahal kita? Amaia ilang beses ko bang sasabihin sayo? Ang magustuhan ka nga, hindi ko magawa.. Mahalin ka pa kaya?" Tatawa tawang sabi niya pa. Ang sakit sakit ng dibdib ko nung mga oras na yun. I just wanted- I wished na sana biglang bumukas yung lupa at kainin nalang ako. "Hindi totoo yan Rylie! Sinasabi mo lang yan kase galit ka kay Mommy dahil sa nangyari sa kanila ng daddy mo pero alam ko! Nararamdaman ko! Mahal mo ako!" Hindi naman kase lingid sa kaalaman namin yung nakaraan ni Mommy at ni Tito Louie kaya alam kong galit lang din sa akin si Rylie dahil dun. Nalaglag yung brush na hawak niya and he grab my arms. "Oo galit ako kay Tita Yngrid dahil sa ginawa niya sa pamilya ko. Ayaw ko sa pagiging desperada mo and the mere fact na kamukha mo ang mommy mo! 'Wag mo ng ipag pilitan ang sarili mo sakin dahil nagmumukha ka ng tanga. Parehas ka lang ni Tita Yngrid! Sisirain mo lang din ang buhay ko!" He push me. Hindi ko na napigilan yung pag iyak. Kahit anong pag iimpit yung gawin ko,may lumalabas pading tunog, kahit gaano ko pa pigilang umiyak, mas lalo lang akong sinisinok. "Umalis ka na Amaia. I don't wanna see you ever again." "Kung ba-- Kung hindi si Mommy Yngrid ang naging mommy ko, may posibilidad ba na.. Na mahalin mo din ako?" That would be my last resort. Kung sasabihin niyang oo, handa akong talikuran sila Mommy makasama lang siya. "I need a woman, not a childish, immature brat. Kahit hindi pa si Tita Yngrid yung maging ina mo, kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan." Bumuntong hininga siya sabay hilot nung noo niya. "Umalis ka na please. Wag na wag ka ng magpapakita sakin. Ayaw na kitang makita. If ever makasalubong mo ako, deadmahin ko nalang ako, ikaw na lang ang umiwas dahil pag ako naman ang nakakita sayo, ill do the same. Don't talk to me again." Umalis siya at iniwan akong umiiyak dun kasama yung pini paint niyang larawan. Halos hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakatayo dun, ang alam ko lang manhid na manhid na yung mga paa ko sa pagkakatayo. Tama si Tita Lizzie eh. Ang dami kong pwedeng manahin kay Mommy, pagiging martir pa ata yung namana ko. Pinunasan ko yung pisngi ko, mabigat na yung talukap ng mga mata ko, epekto ng ilang oras na atang pag Iyak ko. Inayos ko yung sarili ko bago ako nag umpisang maglakad. Tama si Daddy, sisirain lang ako ng pagmamahal ko kay Rylie. Naabutan ko si Daddy sa tapat ng sasakyan niyamg nasa tapat pa mismo nung apartment. "Dad.. Daddy!" Humagulgol ako habang nananakbo palapit kay Daddy. He embraced me, si Daddy lang yung kayang magmahal sa akin ng totoo. Si Daddy lang yung handang tanggapin ulit ako sa kabila ng mga pagkakamali ko. Si Daddy lang. "Dad.. I'm sorry.." sumisigok na sabi ko. He hug me tighter. Sa kanya ako nakakuha ng lakas. Sa dami ng nangyari, ang pamilya ko lang yung naging constant sakin. Ang laking tanga ko lang na naisipan kong ipagpalit sila para lang sa isang lalaki. "Pa-payag na ako dad.. I want to stay with Lolo and Lola.." Naramdaman ko yung pagbuntong hininga ni Daddy. Para siyang nawalan ng mabigat na pasanin sa balikat niya. "Nice sweetheart, I'll have your passport in no time." --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD