FIVE

2092 Words
----- "Miss ko na si Amaia," Natigilan ako sa pagpasok sa sala nung narinig ko si Brielle. Kausap niya si Caleb na nakaupo dun sa sofa. Nasa apartment kami. Galing ako sa basement para tapusin yung painting na isang linggo ko ng ginagawa kong Eirene pero hindi ko naman matapos tapos. "Miss ko na din siya." Narinig kong sagot ni Caleb. "Baby tara! Mall tayo!" "Psh.. Tigilan mo nga ako Caleb. Wala dito si Aia, hindi mo kailangang umarte." Nakasimangot na sabi ni Brielle. "Porke wala na si Aia, bawal na 'ko maging sweet sayo?" Sinilip ko silang dalawa. Ipinatong ni Caleb yung kamay niya sa balikat ni Brielle pero siniko siya nito sa tiyan. "Oo Caleb kaya tigil tigilan mo 'ko! Masasaktan ka sakin!" Napailing na lang ako. Dalawang araw palang wala si Amaia sa Pilipinas, ganun nalang sila kung hanapin siya. At sakin pa talaga nila tinatanong kung kamusta si Amaia, as if naman may pakialam ako dun. "Rylie," naalis ako sa pagkakasandal sa may pader nung narinig ko si Xander, anak ni Tito Toby. "Anong ginagawa mo diyan?" "Natutulog. Natutulog ako ng nakatayo." Pabalang na sagot ko. Kita ng nakasandal eh, nagtatanong pa. Nakangisi siyang tumabi sakin, sumandal din siya sa may pader kagaya ko. "Miss ko na si Aia," Naiinis ako. f**k! Wala na ba akong ibang maririnig kundi yung pangalan niya? Lahat sila gustong gusto si Amaia. Si Daddy, si Mommy, sila Tito pati sila Xander, Caleb, pati yung kambal gusto siya. "Ikaw ba? 'Di mo siya namimiss?" Pang asar na tanong nito. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. "Bakit ko naman siya mamimiss e, laking tuwa ko nga na wala na siya dito." Xander snorted. Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Talaga lang ha?" "Oo naman! 'Pag tumagal pa si Amaia dito, baka pikutin ako 'nun! Di ko ata kakayaning makasama siya sa isang bahay!" Lalong lumawak ang ngiti ni Xander sa sinabi ko. "Ang defensive mo Rylie Eliazar. Halatang halata ka." "Halata ka diyan! Pinagsasasabi mo?" Napaka defensive ba ng dating ko? Totoo lang naman yung sinasabi ko. Ayoko kay Amaia period. "Why do you like Amaia?" Tanong ko sa kanya. "Why do you hate her?" He backfired. "Alam mo, hindi kita maintindihan.. Hindi naman mainit ang ulo mo kila Ainsley at Marcus, lalo na kay Pia pero bakit kay Aia galit na galit ka?" Bakit nga ba? Ewan ko. Pag nakikita ko siya kumukulo yung dugo ko. "I hate her aggressiveness. Pinipilit niya yung sarili sa taong ayaw sa kanya." "That's not the point Bro, bakit ba ayaw mo sa kanya?" "Nasagot ko na diba?!" Umiling sa akin si Xander. "Hindi naman 'yun ang totoong sagot eh. Alam mo Rylie, you can lie to us. Pwede mong sabihing galit ka kay Aia at mapapaniwala mo kame pero hindi mo maloloko ang sarili mo. Why are you pretending that you hate her? You actually like her." Mayabang na sabi ni Xander. "Teka lang Loverboy, hindi porke may girlfriend ka ibig sabihin expert ka na at alam mo na ang lahat, Hindi ko nga-" "Kuya Rylie!!" Tumakbo si Pia palapit samin ni Xander kaya hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Itinaas niya yung dalawang kamay niya para magpabuhat sakin kaya kinarga ko siya. "Piaya naman.. Ang laki mo na, nagpapakarga ka pa." Natatawang sabi ko. "Kuya Rylie, miss ko na si Ate Aia." Sabi ni Pia habang nakahilig sa balikat ko. Xander laugh beside me, binigyan ko siya ng death glare pero hindi naman siya nagpatinag. "Ano namang kinalaman ko sa pagka miss mo sa ate mo?" Ang rude nung tanong ko kay Pia pero kung hindi ko naman kase gagawin yun, aasarin kang ako ni Xander. "Sabi kase ni Ate Aia, pag namiss ko daw siya, I-hug daw kita." Napasipol si Xander sa sinabi ni Pia. "Ibang klase talaga si Amaia, lakas ng tama sa'yo ah.." Tinapik ni Xander yung balikat ko. "Nga pala, tapos mo na ba 'yung mga painting mo para dun sa exhibit next month?" Pag iiba niya. Ibinaba ko si Pia at sinabihan siyang puntahan nalang sila Caleb sa loob. "Isa nalang yung tinatapos ko." I took a deep breath. "I'm finding it hard to finish that particular piece. Parang nakukulangan ako." Sabi ko nalang sa kanya. Tapos ko na actually yun pero parang hindi ako satisfied sa gawa ko. "Yung Eirene?" Tanong niya. Nag nod ako. "Paano mo matatapos si 'Goddess of Peace' kung wala kang inspirasyon?" He said with an I-know-something smile. Napailing ako. Kahit ganyan yan si Xander, matino naman yan minsan kausap eh. "Si Alea ang inspirasyon ko sa painting na 'yun!" Seryosong sabi ko. "Kung si Alea ang inspirasyon mo, bakit hanggang ngayon hindi ka pa tapos? Inayos niya yung damit niya bago siya tumayo ng tuwid. "Alis na nga ako, nakaka bobo ka kausap, baka mahawa ako. 'Di ko na alam kung anong tawag sayo." Nag umpisa na siyang maglakad palayo when he stop on track. "There's a thin line between love and hate. Pag isipan mong maigi yan Rylie, dahil may mga taong handang gawin ang lahat mapunta lang sila sa katayuan mo. At may mga taong handang saluhin si Amaia, kung talagang bibitawan mo." Sabi niya ng nakatalikod sa akin. He never gave me a chance to answer dahil lumakad na din siya palayo ng tuluyan. "Ate Aia!!!" Hindi pa nga ako nakaka recover sa sinabi ni Xander, pangalan na naman niya yung narinig ko. Sinilip ko si Pia na nakaupo sa gitna nila Caleb at Brielle habang hawak yung Iphone nung kapatid ko. Siguro kausap nila sa Skype si Aia. "Miss na kita.." Naluluhang sabi ni Pia. Dapat umalis na ako dun eh, wala naman akong mapapala sa pakikinig ng pakikipag usap nila kay Aia pero ayaw na naman gumalaw nung mga paa ko. Palagi nalang ganito kapag- "Miss na din kita bunso,Ginawa mo ba yung sinabi ko sayo?" Tumango si Pia sa tanong ng ate niya. "Ni-hug ko na si Kuya Rylie gaya ng sabi mo sakin Ate Aia.. Pero hindi naman effective eh, miss padin kita." So sinabi pala talaga ni Amaia kay Pia na yakapin ako kapag nami miss niya yung ate niya. "Ako din Aia, miss na kita. Balik ka na? Sunduin ka namin sa airport." "Brielle, apat na taon lang naman eh, saka pwede padin naman tayong araw araw mag usap, may f*******: at twitter naman. Before you know it, andyan na ulit ako." Natawa pa si Aia sa huling sinabi niya pero narinig ko yung lungkot dun. So apat na taon palang walang Amaia sa buhay ko? Nice. "Isa pa, magpapasa ako ng college application sa UC bukas kaya gustuhin ko mang tumakas, malabong mangyari 'yon!" "Paninindigan mo na talagang diyan mag aral? Ang dami nang naghahanap sayo. Teka! Anong meron sa inyo ni Vince?" 'Vince? Yung Class valedictorian nila? Anong meron sa kanila ni Amaia?!' "Ano namang meron samin? Baka crush niya ako dahil maganda ako kaya niya ako hinahanap." "Medyo mayabang ka Amaia." Nakairap na sagot ni Caleb. "Caleb, para sa akin din naman 'to eh. Kayo na din yung nagsabi na nagsasawa na kayo sa kagagahan ko, ayan.. I'm doing my best to move on. Suportahan niyo nalang ako. Saka oy Caleb! Alagaan mo si Pia saka si Brielle ha?!" Caleb snorted. "As if naman may choice ako? Haha.." Pilit na tawa ni Caleb. "Basta mag ingat ka diyan ha?" "Kayo din, mag ingat diyan.. Atsaka, gusto ko pagbalik ko,girlfriend mo na si Brielle ha!" Nakita kong ngumuso si Brielle sa sinabi ni Aia. Hindi ko siya maintindihan, dati ganun nalang kung habol habulin niya si Caleb, ngayon parang napipilitan nalang siya. "Baby bunso, miss na din kita. I hug mo naman ako kay Rylie.. pwede? Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na miss ko na siya kaya ikaw nalang ha?" Hindi ko alam kung bakit pero, I found myself smiling. 'Nitwit ka talaga Aia..' "Bessy, pumaparaan ka talaga eh, 'noh? Akala ko ba mag mo move on ka na? Eh ano yan?" Naka ingos na sabi ni Brielle. "Bess, hindi madaling magmove on.. wala pa nga ako sa stage one, 'di naman kase minamadali yan, but at least i'm starting." Nakikinita kong naka ngiti si Aia ngayon kahit 'di ko siya nakikita. "Pano? Tulog na 'ko. Maaga pa kame ni Daddy bukas," "Sige Bess, ingat ka diyan.. Goodnight. I lo-" Pinatay na ni Caleb yung iPhone niya bago pa man matapos yung sinasabi ni Brielle. "Bastos ka talaga Caleb!" "Gusto mong mabuko ni Aia?" Natahimik si Brielle sa tanong na yun ni Caleb. Umalis na ako sa pader na kinasasandalan ko bago pa man sumagot si Brielle. Bakit gustong gusto nila si Amaia? Bakit galit na galit ka sa kanya? Napapailing na lang ako. Nababaliw na din ata, kinakausap ko na yung sarili ko. Nagpunta nalang ulit ako sa basement. Tinitigan ko si Eirene, my Goddess if Peace. Isang babaeng nakatalikod at nakatanaw sa buwan. She's my interpretation of Peace. Maganda na 'yung nagawa ko pero may kulang talaga eh. "Paano mo matatapos si 'Goddess of Peace' kung wala kang inspirasyon?" Paulit ulit sa utak ko yung sinabi ni Xander kanina. 'Si Alea ang inspirasyon mo Rylie. Wag kang mag isip ng kung ano ano.' Kinuha ko yung paint brush ko pero wala talaga akong maisip na idadagdag sa painting. I took a deep breath, close my eyes and start thinking. 'Happy thoughts..' An image of her smiling appeared, at bigla nalang akong nagkaroon ng idea. --------- "Babe.." "Hmmm?" Hinawakan ni Alea yung braso ko saka siya humilig sa balikat ko. Nasa bahay niya kame pero wala dito yung utak ko. "You're idling. Kanina pa ako nagsasalita dito." Naka pout na sabi niya. "Iniisip mo siya 'no?" "Si Amaia? Bakit ba lahat kayo sinasabing iniisip ko siya?" Humiwalay sakin si Alea at tumitig sakin. "Wala akong binanggit na pangalan Rylie." Natigilan ako sa sinabi niya. "Alam mo Rylie, I may have a bad reputation in X.U pero hindi ako manhid at hindi ako magbubulag bulagan just to get what I want. Alam ko naman kung bakit mo ako niligawan eh, kamukha ko siya, pareho kami ng body figure plus the mere fact na classmate ko siya, may dahilan ka para pumunta sa room namin na hindi mahahalatang siya talaga yung gusto mong makita.." "Alea-" "Sshhh.. Listen Rylie, kung magsisinungaling ka pa sakin at sabihing mahal mo ako at ide deny mo yung totoo dahil lang iniisip mong masasaktan ako, then don't. If this would help, hindi naman kita mahal eh. Gusto ko lang yung fame na nakakabit sa pangalan mo." ------ "Kuya Rylie!" Sinalubong ako ni Pia habang papasok sa bahay. Ako na yung bumuhat sa kanya at yumakap ng mahigpit sa kanya. "Miss ko na si Ate.." Lalo kong hinigpitan 'yung yakap ko sa kanya. "Nasa loob sila Mommy at Daddy. 'Lika na!" Natigilan ako sa sinabi ni Pia. Nasa Pilipinas na pala si Tito Liam? Nagpahatak nalang ako kay Pia papasok ng bahay, andun nga sila Tito. Actually kompleto sila dun. "Ma," humalik ako sa pisngi ni Mommy Celine. "Ano pong meron?" "Wala naman, dumating kase ang Tito Liam mo e." Tahimik lang ako habang nag uusap sila. Puros si Amaia padin lang naman ang pinag uusapan e. They're really fond of her. "Rylie, kamusta yung mga arts mo para sa exhibit?" Biglang tanong ni Tito Stephen. "Okay naman po," Tipid na sagot ko. "Took him two weeks para tapusin si Eirene." Natatawang sabi ni Xander. Tinignan ko siya ng masama sabay saludo sa kanya. Tito Liam look at me. Intently. Oh great! Ano na namang ginawa ko? "Daddy, kelan uuwi si Ate Aia?" Umiwas ng tingin sakin si Tito Liam saka niya sinagot si Pia. "Matagal pa hon, Ate Aia needs to learn her lessons." Nagpunta ako sa may garden namin, katapat nung kwarto ni Aia yung garden ang this is my favorite spot. Nakakabuo ako ng ideas just by looking at this place. Napaka peaceful. Parang si Eirene. "Rylie.." "Tito Liam," Bakit ba in-expect ko ng pupuntahan niya ako dito? Lumakad siya papunta sa akin at tumingala siya dun sa kwarto ni Aia. "I miss my daughter so much but she needs a lesson. Ayokong-" "Tito Liam, hindi ko po nakakalimutan yung pinag usapan natin at wala ho akong balak sirain yung ipinangako ko sa inyo." Tito Liam sighed. "Sana nga Rylie. Makakalimutan ka din ng anak ko. Matalino si Aia, medyo may pagka ano lang pero may tiwala ako sa kanya. She'll get over you." -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD