Rylie 1
RYLIE'S POV
I was four years old that time pero alam ko na at aware na ako sa mga nangyayari sa paligid ko. Mom and Dad always fight because of Tita Yngrid. Yaya told me that Tita Yngrid is Daddy's other woman.
Sa murang edad at pag iisip ko nun nakapagtanim na ako ng galit sa kanya. Tita Yngrid almost ruined our family.
"Ipagpapalit mo kame ng anak mo sa babaeng yon Louie?! she's nothing but a b***h! a home wrecker!" Daddy slap my mom's face. Tumakbo ako palapit sa kanya and cover my little body to protect her from Dad.
"How many times do I have to tell you that she's not a slut? Celine! she's way better than you are!" Sabi niya saka niya iniwan si Mommy. Pinunasan ko yung mga luha sa mata niya. I don't want to see mommy cry. She's the prettiest girl for me and seeing her cry makes me sad. Para din akong maiiyak.
"Rylie... Ang Daddy mo.." She hugged me and cried again. Wala pa akong alam sa mga nangyayari nung mga panahong yun, basta ang alam ko lang kailangan kong yakapin ng mahigpit si Mommy. Sinabayan ko siyang umiyak.
Lumipas ang ilang araw na ganun parin sila. Away ng away. Madalas kaming umaalis ni Yaya sa bahay para maglaro sa playground pero pagbalik namin,wala na dun si Daddy at umiiyak naman si Mommy.
Until one day naaksidente si Daddy. Hindi ko alam kung bakit basta madaming dugo.. Natutulog si Daddy sa kulay puting kwarto, hindi siya gumigising at palagi pading umiiyak si Mommy kahit hindi na siya inaaway ni Daddy. Palagi siyang kinakausap ni Mommy. Ang sabi daw kase nung mamang nakaputi, naririnig ni Daddy ang sinasabi ni Mommy kahit natutulog siya.
"Louie.. please.. Wake up, gu-gumising ka lang.. ibi-ibibigay ko yung kalayaang gusto mo.." Umiiyak na sabi ni Mommy kay Daddy. Hawak hawak niya pa yung kamay ni Daddy at hinahalikan yun. Naaawa ako kay Mommy. Gusto ko din umiyak dahil umiiyak siya pero sabi ni Tito Iñigo, big boy na daw ako. And big boys don't cry.
Nagising ako at nakita kong nakatulog na si Mommy sa tabi ni Daddy. Kinuha ko yung kumot na nilagay niya sakin at ipinatong ko yun sa balikat niya. Mahal na mahal ko si Mommy. Ayaw ko siyang makitang malungkot, ayaw ko siyang makitang umiiyak. Hinalikan ko yung forehead niya bago ako pumunta sa kabilang side nung kama ni Daddy.
"Daddy.. sabi nung mamang naka white, naririnig mo daw ako kahit tulog ka.. Can you please wake up for me? Naaawa na ako kay Mommy eh. I Don't want to see her cry.. lagi nalang siyang umiiyak habang kausap ka niya kahit hindi mo naman siya sinasagot.. Please daddy.. wake up.. I promise i'll be a good boy. Hindi na po ako magiging makulit.." Sana marinig ni Daddy yung sinabi ko sa kanya. Pag gumising siya pangako magiging mabait na talaga ako.
Nahiga ako sa may chest ni Daddy. Sabi ni Mommy may sugat daw si Daddy sa tummy kaya iniwasan ko yun na mabangga. I wrap my arms around him. Gusto kong marinig yung heartbeat niya.
The next morning nagising ako na may humahaplos sa buhok ko. Kinusot ko yung mga mata ko bago ko inangat yung mga mata ko ang found Daddy smiling and staring at me. Napatingin din ako kay Mommy na nakatayo sa gilid pero umiiyak pa din.
"Daddy! Narinig mo yung sinabi ko sayo kagabe kaya ka nagising? I promise i'll be a good boy! Hindi na ako mang aaway!" Nginitian ako ni Daddy. "Mommy? Why are you crying? Gising na si Daddy diba dapat happy ka na?"
Tumulo na naman yung luha ni Mommy Celine pero nakangiti na siya. Nung hapon na yun dumating sila Tito Liam, Tito Toby, Tita Brad, Tito Stephen at Tito Iñigo sa kwarto ni Daddy. They patted my hair nung nalaman nila na ako yung dahilan ng paggising ni Daddy. I'm so proud of myself. Para akong si Superman. Sinave ko si Daddy.
Masaya silang lahat maliban kay Mommy. Nilapitan ko siya and ask her what's wrong pero nginitian lang niya ako.
Nakauwi na kami sa bahay kasama si Daddy. Sabi ng doctor pwede na daw siyang umuwi but Mommy started packing our things. Tinanong ko siya kung magbabakasyon kami sabi niya dun muna daw kami kila Lolo titira at hindi namin kasama si Daddy.
Sinong mag aalaga sa kanya kung aalis kame? Pinilit ko si Mommy na isama namin si Daddy pero nagalit lang siya sakin.
Ayaw kong galit sakin si Mommy. I love her so much.
Matagal kami nagstay kila Lolo. Palagi akong dinadalaw ni Daddy dun pero hindi naman siya nagtatagal.
"Daddy, kelan kami babalik ni Mommy sa bahay?" I once asked him. Pinat niya lang yung balikat ko.
"I need your mom's forgiveness muna anak.." Hindi ko alam kung anong Ibig sabihin ni Daddy dun. Mommy's forgiveness? May kasalanan ba si Daddy kay Mommy?
Dumating yung Christmas, New Year pati birthday ko na dumadalaw lang si Daddy.
"Hindi ko alam Louie.. Pero ang sakit eh. Hanggang ngayon masakit parin. Ang sakit sakit malaman na pagkatapos kong ibigay sayo ang lahat. Hindi padin pala sapat." Narinig kong nag uusap sila Mommy at Daddy sa labas nun.
"Celine.. patawarin mo na ako.. Nagsisisi na ako." Umiiyak na sabi ni Daddy.
"Sabihin mo nga Louie.. Minahal mo ba si Yngrid kaya kaya mo kaming Ipagpalit sa kanya?" Yumuko si Daddy sa tanong na yun ni mommy.
"Yes.."
Sa tagal ng magkahiwalay nila Mommy ngayon lang nagiging malinaw sa akin kung bakit.
It's Tita Yngrid's fault.
Nagkabalikan sila Mommy at Daddy pero yung galit sa murang edad ko hindi nawala. Kahit nagkaroon na ako ng isa pang kapatid na si Caleb, kahit naging asawa na ni Tito Liam si Tita Yngrid hindi nawala yung galit at takot sa dibdib ko.
Galit kase hanggang ngayon madalas pa ring mag away sila Mommy at Daddy tungkol sa kanya at takot na baka agawin ni Tita Yngrid si Daddy samin.
Nanganak si Tita Yngrid, baby girl na pinangalanan nilang Amaia Yrina. She's adorable. She looks like an angel. Lahat sila tuwang tuwa sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nakaramdam ako ng kakaiba. Parang biglang nanikip ang dibdib ko. I hate her the moment she opened her eyes, smiled and stared at me.
May kaagaw na naman ako sa atensyon ni Daddy. I hate her. I really hate her. I hate Amaia Yrina Dela Merced Guevara.
------------