----------- "Ano ba Zylie?!" Naiinis na talaga ako, ano pa bang prove ang gusto niyang gawin ko? Sumama na nga ako nung nag bar sila eh. "Ang sabi ko, I prove mo na wala na ka talagang nararamdaman para kay Rylie. Hindi ko sinabing isnabin at irapan mo siya hanggang sa mamatay siya. Duh?" She popped the bubble gum inside her mouth. "Nakakadiri ka! Umalis ka nga dito." Binato ko sa kanya yung unan kong hello kitty pero ibinato niya lang yun sakin pabalik. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko." Nakasimangot na sabi niya. "Urgh.. Fine! What do you want?" Inis na tanong ko sa kanya. "I'll dare you.." "What dare?" "Patunayan mo ngang wala ka nang feelings kay Rylie.." "How?!" Naiinis na ko. Maanong sabihin nalang kung anong gustong sabihin hindi yung binibitin