Hinila nila Ainsley at Marcus yung apat na bisita ko palayo para makapag usap kami ni Tito Stephen tungkol sa ipapagawa niya sakin. "Gusto ko kaseng ipa renovate yung mansyon ko sa isla and I want you, Aia to supervise the renovation for me." Masayang masaya ako sa sinasabi ni Tito Stephen although hindi ko pa- or wala pa atang nakakapunta sa islang pagmamay ari ni Tito Stephen, alam kong maganda yun base sa personality ni Tita Eina. Ngayon palang nakikini kinita ko na kung ano anong designs ang gagamitin ko dun. "May mga specific designs na po ba kayong gustong gawin dun sa bahay para maisama ko sa plans?" I'm grinning like an idiot. Pasensya naman, masayang masaya lang talaga ako. "It depends on Tita Eina and Steffi, alam mo namang wala akong alam sa mga ganyang bagay, pero I trust