Nakauwi na siya sa kanilang mansyon nang maalala ni Dean ang nangyari ngayong araw. Kasalukuyan siyang nakaupo sa library niya sa kanilang bahay nang maalala ang mukha ng magandang babae.
Naagaw ang pansin ni Dean nang isang babaeng tumatakbo mula sa loob ng mall. Nasa parking lot siya ng mall at kasalukuyang hinihintay niya ang pinsang babae na umungot nang shopping sa kanya. Medyo maluwag naman ang schedule niya kaya pinagbigyan niya ito. Hindi lamang siya sumama sa loob at hinintay na lamang ito sa loob ng kanyang sasakyan. Ayaw niyang bubuntot-buntot sa likuran nito habang bitbit ang mga pinamili nito. Dahil nagmumukha siyang alalay ng pinsan kung nagkataon.
Beatrice is the only princess in their clan, at masiyado itong spoiled sa kanilang magpinsan. Pinsan niya ito sa side ng kanyang Daddy.
Namukhaan niya ang babaeng tumatakbo. Sino ba naman ang hindi nakakilala sa isang sikat na fashion icon ng bansa maging abroad din. Iniidolo din ito ni Beatrice kaya halos alam na niya ang buong detalye ng pagkatao nito dahil ito lamang ang bukambibig ng pinsan sa tuwing magkasama sila.
Sandrine Hernandez. Idagdag pang anak mayaman ito dahil ang ama nito ay nagmamy-ari ng isang shipping company, operating all over the world. At kilalang-kilala niya si Julio Hernandez. Pero ang mga ganoong uri ng babae ay hindi niya type. Ito 'yung tipong mapangmata at masiyadong spoiled at nakukuha ang ano mang gustuhin sa isang pitik lamang ng daliri. Mas gugustuhin niya parin iyong simple lang, mapagmahal at maalaga sa pamilya. Kagaya ng mommy niya at mga tiyahin.
Napamura si Dean nang makita ang marahas na paghablot ng isang lalaking humahabol dito. Kilala rin niya ang lalaki anak ito ng isang Congressman at kung hindi siya magkakamali isa itong doctor. Again paano niya hindi makilala ang mga ito kung ang dalawang ito ang laman ng society pages noong pumutok ang balitang officially dating na ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit hinahabol ito ng lalaki, at sigurado siyang hindi simpleng away magkasintahan lang ang namamagitan sa dalawa, base sa nakikita niyang galit sa mga mata ng lalaki.
Malakas niya ring naipukpok ang kamao sa manibela ng kanyang sasakyan nang makita niyang napangiwi sa sakit ang dalaga dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso. Pain has written all over her pretty face. Napakaganda nito, lalong lumitaw ang ganda nito dahil wala ni katiting kolorete ang mukha nito ngayon.
Hindi niya alam ang pinagmulan nang gulo, but he can’t afford to just sit there and watch them while the bastard hurt the fragile woman. Hindi maintindihan ni Dean kung bakit pakiramdam niya it’s his obligation to protect her. Binuksan niya ang sasakyan at nakita niya ang relief sa mukha ng babae at tila pinahihiwatig nang mukha nitong tulungan niya ito. At hindi niya palampasin ang ganitong sitwasyon. At alam niya sino man sa mga pinsan niya ang makakita nito ngayon, hindi rin nila ito mapapalampas nang ganoon lamang. How many times had him and his four cousins had big trouble, dahil lang sa nagtatanggol sila ng mga sinasaktang babae?
A smile forms in his lips when he remembered his four cousins. Minsan pa silang naparusahan ng kanilang mga ama noong sila ay college pa lamang, dahil sa ipinagtanggol nila ang isang magandang babae mula sa nangha-harass dito. Later on hindi niya alam na ang babae pala na 'yun ang magkakaroon nang malaking parte sa buhay ng pinsan niyang si Tyler Mathias. At hindi lang 'yun ang napagdaanan nilang lima nang dahil sa nagtatanggol sila nang iba, lalo na mga kababaihang walang kalaban-laban.
Pero kanina, ibang-iba ang nararamdaman niyang galit habang nakikita niyang sinasaktan ng isang lalaki ang magandang babaeng 'yun. He never seen a woman's face na nasasaktan na’t lahat sobrang ganda pa rin. Mabilis ang pangyayari. At noong dumami na ang tao at alam niyang ligtas na ang dalaga, ang nararapat sanang gawin ay iiwan na niya ito. Pero nang makita niya ang pagkalito sa mukha nito hindi siya nag-atubiling protektahan ito papasok sa sasakyan nito upang walang makakita sa dalaga. Dean knew better na ayaw ng babaeng makaladkad ang pangalan nito sa kahihiyan.
Nakita niyang pinasadahan nito nang tingin ang kanyang mukha habang papalayo ang sasakyan nito. See how ungrateful she is Dean Xavier? Never even utter her ‘thank you’.
Ipinatong ni Dean ang mahahabang mga binti sa isang bakanteng upuan sa kanyang harapan at inihilig ang ulo sa sandalan ng kanyang swivel chair habang hawak-hawak sa isang kamay ang basong naglalaman ng brandy nang biglang bumukas ang pinto ng library. Napapailing siya nang walang sabi-sabi na pumasok ang pinsang si Joaquin.
"Don't you know how to knock before you go in?" sabi niya, na pinulot ang isang lata ng beer saka binato dito na maagap naman nitong nasalo. Natawa pa ito nang nakakaloko bago maupo sa mesa niya mismo.
"Bakit pa? Eh, bago ako pumasok nagtanong na ako sa kasambahay n'yo, wala ka naman daw kasamang babae dito, so pumasok na lang ako," sabi nito sabay lagok sa hawak na beer.
"Baliw. Anyways, why are you here?" Natatawa ding sabi niya.
"I am asking you a favor, Dean," napaseryoso ito.
"Ano na naman 'yan Joaquin? Babae na naman ba? Dahil kung babae, hindi mo ako maasahan diyan. I remember the last time, you'd asked my help with Jessica, ayoko nang ulitin 'yon," naiiling sagot niya nang maalala ang pangyayaring 'yun. Hiniling ni Joaquin na siya ang makipagkita sa ex-girlfriend nito because he was avoiding her, pinagbigyan niya sa pag-aakalang titigilan na nito si Joaquin. But that only caused the mess in him, dahil siya naman ang hinabol ng dati nitong kasintahan. Mabuti na lang at tumigil din ito nang makapag-asawa ng isang politiko.
"No, Dean. Gusto kong ipagamit sa matalik kong kaibigan pansamantala ang private resort mo sa kabilang bayan kung maaari. He needs it badly, at pangako wala siyang gagawing ikakasira mo. Natin. Maaasahan mo ako sa sinabi kong iyan."
"Bakit hindi sa property mo Joaquin?" Kunot-noong tanong niya dito. Hindi niya ito maintindihan dahil marami naman itong pagmamay-ari, bakit sa kanya pa makikigamit. Hindi naman sa ayaw niya, nagtataka lamang siya.
"Gusto niya kasi ang hindi masiyadong malayo sa Maynila, Dean. And he wants a resort, para makapag-relax somehow. And I don't have something to offer for him, dahil condo's lang ang meron ako dito sa Batangas. Malaki ang naging utang na loob ko sa kanya Dean, kaya he deserves my help in return. Ayaw niya sa Palawan," paliwanag nito.
"Okay, but I wish it will not cause us trouble," sabi niya na tinitigan ito nang mataman.
"Count on that, Dean," tiyak na sabi nito. Tumango-tango lang siya at wala ng rason pa na tumanggi siya.