Sunod-sunod na door bell ang nagpagising kay Sandrine. Inaantok pa na nagmulat siya nang mata at tumatagos na ang sinag ng araw sa kurtina ng kanyang glass window. Tanda na tanghali na. Mag-uumaga na siyang nakatulog dahil sa kaiisip sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Aminin man niya, o, hindi nakakaramdam na siya nang matinding takot sa dating kasintahan.
At nagpapasalamat siya sa lalaking nagligtas sa kanya kahapon. She forgot to say even a simple ‘thank you’ dala nang matinding nerbiyos niya kay Albert. But his face was like a tattoo that permanently marked in her mind magmula pa kahapon.
Napabalikwas pa siya nang bangon ng muling tumunog nang sunod-sunod ang kanyang doorbell. As if someone outside is in a hurry. Nakakunot ang kanyang noo na kinuha ang nakasampay niyang roba sa upuang nasa tabi ng kanyang kama, wala siyang inaasahang bisita. Binuksan niya ang pinto, and she found no one.
Biglang tila may nagrarambolan sa kanyang dibdib dahil sa bigla siyang kinabahan. Huli na nang mapansin niya ang isang 'di kalakihang kahon sa gilid ng kanyang pintuan. Nakabalot ito ng kulay puti at merong itim na ribbon.
Mas lalong lumakas ang tahip nang kaba sa kanyang dibdib nang dahan-dahang lapitan ang nasabing kahon. Lumuhod siya at nanginginig ang mga kamay na binuksan ang kahon at halos maduwal siya nang kumalat ang masangsang amoy ng patay na daga.
Nahintakutang tumakbo papasok sa loob si Sandrine. She knows what the meaning of that crap. It’s a death threat for her, for heaven's sake!
Matagal na siyang nakasalampak sa sahig at nakatulala lamang. Alam niya kung sino ang may kagagawan nito, at sumagi sa isip niyang ipaalam ito sa kinauukulan pero agad ding pinalis iyon sa isipan sapagkat pag ginawa niya 'yon siguradong lalong gugulo at ang pinakaayaw niya ang madamay ang kanyang ama.
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa teleponong nasa bedside table niya. Nanginginig ang mga kamay na nag dial ng numero ni James. Agad naman nitong sinagot ang kanyang tawag at doon na bumuhos ang kanyang damdamin, napahagulgol siya ng iyak, at hindi na niya makuhang magsalita at labis namang nag-alala si James sa kabilang linya.
“Hold on dear, I’ll be there as fast as I can,” Sabi ni James bago nawala sa kabilang linya, wala din naman kasi itong naiintindihan sa mga sinasabi niya dahil puro hikbi lamang ang nagawa niya.
She was never been this scared in her entire life. This is something serious, at gusto niyang pagsisihan ang araw na nakilala niya si Albert.
Halos ilang minuto lang ang lumipas nang pag-uusap nila ni James, at mabilis nga itong dumating. Bigla siyang tumakbo at napayakap nang sobrang higpit sa kaibigan. As if he’s holding her life, na mamatay siya pag bumitaw sa pagkakayakap dito.
“Tell me Sandy, ano ba talaga ang nangyari? Look at yourself, you look as if ghosts huntng you,” sabi nito habang inaayos ang buhok niyang sumabog sa maganda niyang mukha.
Hinila niya ito kung saan naroon ang kahong naglalaman ng patay na daga. Pero nagimbal pa siya lalo nang makitang wala na ito doon, ni wala itong bakas doon.
“B-believe me James, dito ko nakita ang sinasabi kong kahon na may taling itim na ribbon, t-tapos…” pinahid niya ang naglalandasang mga luha habang panay naman ang hagod nito sa likod niya.
“T-tapos may lamang patay na daga.”
“Naniniwala ako sayo Sandy, at gusto kong ipaalam ito sa kinauukulan. Tatawag ako kay Atty. Palma regarding this matter, and I’m so bothered. O di kaya’y ipaalam nalang natin kay Tito Julio ang lahat.”
Marahas siyang tumingin sa kaibigan habang panay ang iling.
“N-no please James, promise me not to do that,” humihikbing sabi niya sa kaibigan.
“But why not Sandrine? We’re talking about your safety here,” naguguluhang sabi nito.
“B-basta ayoko James, please..” Pinutol nito ang sinasabi niya.
“Alright! Alright! Ganito nalang, what if lumayo ka muna dito. May alam akong lugar na safe ka.”
“You mean to say, magtatago ako?“ Kunot-noong tanong niya kay James.
“Parang ganon na nga, pansamantala lang naman ito until it gets back normal.”
“At saan naman yan?”
“Somewhere in Batangas, may private resort ang dating kaklase ko doon and highly recommended ang security sa nasabing resort. Maimpluwensiya din ang pamilyang iyon so mapapanatag ako sa safety mo doon at walang makakagalaw sayo doon dear,” biglang kumislap ang mga mata nito sa sinabi.
“Bakit hindi nalang sa abroad James? Mas malayo mas mahirap din nila akong mahanap,” masiyadong malapit ang Batangas para hindi siya kaagad mahanap ni Albert.
“Listen Sandrine, kung sa ibang bansa do you think hindi ka matunton ng hayop na 'yon? Sa pagkawala mo unang galugadin noon ay ang airport. And there! Paniguradong malalaman niya kung saang bansa ka nagtungo. At malawak ang koneksiyon nila Sandrine siguradong matatagpuan ka nila doon at wala kang matatakbuhan doon kung sakali man,” mahaba nitong paliwanag at bigla niyang narealize na tama ito.
“How about dad?” Lalo siyang nagugulumihan nang maalala ang ama.
“Call him at sabihin mong may gagawin tayong proyekto at na medyo matatagalan tayo.”
Tumango siya bilang pagsang-ayon sa suggestion nito.
“O-okay pumapayag na ako,” alam niyang ito lang ang maasahan niya sa mga oras na ito. At sigurado siyang hangad ni James ang kaligtasan niya.
“Pack all your necessary things now dear, at sasama ka na sa unit ko ngayon doon ka na matutulog at bago mag-uumaga bukas aalis tayo. I don’t want to leave you alone here,” saka kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Hindi na rin siya nag-atubiling mag-impake nang mga dadalhin niyang gamit.
Kinalma niya ang sarili bago tinawagan ang ama upang magpaalam. Palagi naman itong walang magagawa pag nag lambing siya.
“Kung ako ang masusunod hija ayoko na sanang ipagpatuloy mo 'yang pagmomodelo mo eh, kahit hindi ka na magtrabaho sa kompanya. You can live a life sa paraang gusto mo,” sinubukan pa siya nitong kausapin regarding sa trabaho niya.
Gustuhin man niya para paluguran ang ama pero hindi niya ito magagawa ngayon.
“Maybe after a year or so dad,” she fake an animated voice para walang mahalata ang ama sa pinagdadaanan niya ngayon.
“Aasahan ko yan Sandrine, para saan naman pala ang pagsisikap ko kung hindi mo naman mapapakikinabangan,” napabuntong hininga ito at pumayag na rin.