CHAPTER 3

1045 Words
Sumenyas siya sa waiter at kinuha ang kanyang bill, at mabilis na nag bayad. Sa pagtayo niya ay  hindi sinasadyang natabig niya ang  kubyertos. Bumagsak ito sa sahig at lumikha ng ingay. Halos sabay na tumingin ang dalawa sa kanya, at nakita niya ang gulat sa mga mata ni Albert ng makita siya. Mabilis ang kanyang naging kilos, patakbo siyang lumabas ng restaurant upang tunguhin ang parking area ng mall, kung saan naka-park ang kanyang sasakyan. Nakahinga ng maluwag si Sandrine ng marating niya ang sasakyan. Pero hindi pa niya nabuksan ang pintuan ng kotse ng bigla siyang hablutin ni Albert sa braso. Hindi niya namalayang nakasunod pala ito sa kanya. Bumangon ang matinding takot sa kanyang dibdib ng makita ang poot sa mga mata ng dating nobyo. “Don’t try to run from me Sandrine. Total narinig mo na rin naman ang lahat-lahat, so I have nothing to hide. You heard it right, kung ayaw mong mapahamak ay susunod ka sa gusto kong mangyari. Mananatili tayong magkarelasyon.” Mapanganib ang tono nito at hindi niya malaman ang gagawin. Luminga siya sa paligid, and there’s no one around. Linabanan niya ang sariling hindi umiyak sa harapan nito. Ayaw niyang ipakitang nasisindak siya. “Bibitawan mo ako, o sisigaw ako Albert.” Nahihintakutang sabi niya. “Walang makakarinig sayo honey dahil walang tao ngayon sa parking area.” Tumawa pa ito ng  malakas. Even she, wasn’t sure kung may makarinig nga kung sisigaw siya. Pilit siyang kumakalas sa mahigpit nitong pagkakahawak, at hindi na niya napigilin ang mapaiyak dahil sa takot na bumalot sa kanya. Hindi niya akalaing ganoon pala ka mapanganib na tao si Albert. Hindi niya alam kung bakit humantong sa ganito ang pinangarap niyang relasyon. Noong manligaw ito sa kanya, halos literal nitong sungkitin ang  mga bituin makuha lang ang matamis niyang Oo. Nasa ganoon silang sitwasyon, when someone comes out,  from the most expensive and latest model of a wrangler jeep. Hindi niya akalaing may tao pala sa loob ng  jeep at umusal siya ng mahinang pasasalamat sa Diyos. Dagling nawala ang pansin niya ng makita ang lalaking papalapit sa kanila. Ngayon lang siya naka kita ng literal na Tall, dark, and handsome. Ang ibig niyang sabihin ay dito talaga nababagay ang tatlong salita na ‘yun. Ang mga balat nitong tila sunog sa araw, ay lalong dumagdag sa kakisigan nitong taglay. Nakita niya rin ang may kahabaang balbas na tumutubo sa paligid ng mukha nito, complement to his clean cut hair. Matangos ang  ilong na may mapupulang labi, at ng tumingin siya sa mga mata nito ay para siyang nalunod sa asul na mga mata nito. Marami ng nakasama na mga modelong lalaki si Sandrine dahil sa nature ng kanyang trabaho, pero iba ang dating ng isang  ito kahit na hindi nakadamit ng glamoroso. His simple white shirt and denim pants that emphasizing his sexiness, dahil bakat na bakat ang matitipunong katawan nito mula sa pagkaka-yakap ng damit nito sa katawan. Napapitlag pa siya ng  hawakan nito ang isang braso niya. Ramdam na ramdan niya ang mainit nitong palad na tumatagos hanggang sa kanyang mga boto. Matigas at magaspang ang palad nito pero kakatwang hindi siya nasasaktan, kakaiba sa malambot na mga palad ni Albert na tila patalim na humihiwa sa kanyang braso. “Pare siguro mabuti kung igalang natin ang babae, nakita ko siyang nasasaktan. Pinakaayaw ko pa naman ay ang babaeng sinasaktan.” Malalim ang boses na sabi nito. He has husky voice that made him more sexy. Sexy?Saan ka kumukuha ng ganyang isipin sa gitna ng panganib sayo, Sandrine? “Huwag kang makialam dito dahil girlfriend ko ang babaeng ito.” Lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Albert, at napapangiwi siya sa sakit. “Please Albert nasasaktan ako.” Asik niya dito. “Wala akong  pakialam sa relasyon niyong dalawa, ang sakin lang sinasaktan mo siya.” Saka tiningnan ang braso niyang hawak-hawak nito. “G*g* ka pala eh! Out of  nowhere, bigla kang susulpot at sisingit sa usapan ng iba.” Halos magbubuga ng apoy ang mga mata ni Albert sa sobrang galit, habang nagsusukatan sila ng titig ng estrangherong lalaki. Matangkad ang dating kasintahan pero di hamak na mas matangkad ang estranghero na halos tumingala na si Albert dito. Yes, she considered Albert as her ex the moment she caught him cheating on her. Pabalya siyang binitiwan ni Albert, at muntik pa siyang matumba kung hindi maagap ang lalaking estranghero sa pagpulupot ng braso sa kanyang maliit na beywang. Parang nakayakap na ito sa kanya at amoy niya ang presko, at natural na amoy nito na halos ikinalipad ng kanyang utak. At hindi maintindihan ng dalaga kung bakit biglang bumilis ang t***k ng kanyang  puso. Hindi niya natantiya ang sumunod na pangyayari ng lumipad ang kamao ni Albert sa lalaki, pero hindi hinayaan ng lalaking lumapat iyon, dahil mabilis nitong sinipa si Albert. Napasadsad ito sa  lupa, at ng akma pa itong babangon ay muli itong tinadyakan ng  lalaki. Sobrang mabilis ang  pangyayari. Marami na ang nagsidatingan at nag-usyoso. “You both pay for this!” Sigaw ni Albert. Pero  hindi manlang natinag ang lalaki. Nang tingnan niya ito ay kampanteng nakatayo lamang ito, at naka cross ang mga braso sa malapad nitong dibdib na naka-tunghay sa nakadapang si Albert. Parami ng parami ang lumalapit na mga tao at alam niyang maya-maya lang darating na ang mga media. Binalingan siya ng  lalaki. He covers her with his big built habang pinapapasok siya ng sasakyan niya. At nagpapasalamat siya dahil walang nakakita sa kanya habang ipinanggalang nito ang sarili para sa kanya. Hindi niya nagawang magpasalamat manlang ng sumenyas ang lalaki na umalis na siya, mula sa labas ng bintana  ng  kanyang kotse. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang mukha nito bago siya nag-drive paalis sa lugar na yon. Kinagabihan, ay hindi mapakali si Sandrine sa mga pangyayari ng araw na yon. Iniisip kung gaano kawalang hiya ang ex boyfriend. Pero mas nangingibabaw ang  isipin, kung sino ang lalaking tumulong sa kanya. Nakadama na rin ng matinding takot ang dalaga sa dating  nobyo. Sa mga pagbabanta nito, at alam niya kung gaano kaimpluwensiyang tao ang pamilya nito. Natatakot siyang  malaman ng ama ang lahat at madamay pa ito sa gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD