Parang nabuhay muli si Sandrine nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Xavier. Sa una akala niya guni-guni lamang niya pero laking tuwa niya nang makita ito. Akala niya katapusan na niya at hindi niya alam kung bakit bumalik si Xavier. Naalala niya ang sinabi nito. "If you're in trouble just call my name and I'll come running to you." At totoo ang sinabi nito nang sambitin niya ang pangalan nito ay daig pa nito si Thor na biglang lumitaw at iligtas siya. Mula ngayon iyon ang gagawin niya kapag manganganib ang kanyang buhay. Natakot siya kanina kay Albert pero mas natakot siya sa maaring gawin ni Xavier sa kawawang guwardiya. At nakikita niya sa mga mata nito ang matinding galit. "X-xavier hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon na hindi ako masusundan ni Albert," wala sa sarili