"Dammit!" Marahas na nagpreno ng sasakyan niya si Xavier saka galit na pinukpok ang kamao sa manibela ng kanyang sasakyan. He hated his self to just let go of Sandrine, at hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman. Parang ang sikip-sikip ng kanyang dibdib habang papalayo sa dalaga. At iisipin pa lang na malaya na si Joaquin na bisitahin ito ano mang oras gustuhin nito ay nagpupuyos na ang kanyang dibdib sa galit. Marahas at mabilis ang naging kilos niya nang paikutin niya pabalik ang kanyang sasakyan kung saan niya iniwan ang dalaga. He will do this or else he will be crazy kung hindi niya gagawin ang balikan si Sandrine. Mabilis ang ginawa niyang pagmamaneho at pakiramdam niya ay tinatawag siya ng babae. Walang traffic at hindi pa siya gaano naka layo kaya mabil