"Bakit mo hindi sinabi sakin anak?" Tanong ng kanyang ama nang pinatawag siya nito sa katulong, katatapos niya lang maligo at guminhawa ang pakiramdam niya. Nakita niya ang matinding galit sa mata ng ama para kay Albert. Nakayuko ang ulo niya at ayaw niyang salubungin ang mukha ng ama at parang pinipiga ang kanyang puso habang nakikita ito na nasasaktan. Ayaw niya rin mag-angat nang tingin kung nasaan si Xavier at hindi niya alam kung bakit. "A-yokong idamay pa kayo Dad, at...at naisip ko na kaya kong e-handle ang lahat. Mahirap pala, buti na lang t-tinulungan ako ni Xavier," sabi niya sabay angat nang paningin kay Xavier na sinalubong din ang kanyang paningin. Mataman itong nakatingin sa kanya. At matagal silang nagkatitigan na para bang wala ang ama niya sa harapan nila at silang dalaw