Isinama nga siya ni James sa unit nito iniwan na niya ang sasakyan, at kotse ni James ang gamit nila. Halos hindi rin siya nakatulog kinagabihan dahil sa pakiramdam niya ano mang oras ay darating si Albert at manganganib siya sa mga kamay nito. Madaling araw nang umalis sila ni James. Laking pasalamat niya ng wala namang kahina-hinala sa paligid. Mataas na ang araw nang marating nila ang Batangas, pero sabi ni James malayo-layo pa raw bago nila marating ang private resort ng kaibigan nito. Naidlip siya gawa nang hindi siya nakatulog nang maayos kagabi. Nagulat siya sa malakas na mura ni James. “s**t!” “What happened?” Sabi niyang tila nahintakutan sa maaring mangyari. “Nasiraan ang kotse ko Sandy,” kagat labi nitong sabi. Na relieve naman siya at inakala niya pa naman nasu