"Mom, meet Sandrine Hernandez. Sandrine she's my Mom, Clarisse," pagpakilala sa kanila ni Xavier, nahihiya siyang tinanguan ito. Pero nilapitan siya nito at hinalikan sa pisngi. "It's my pleasure to meet you hija, I've been watching you once in your show in Paris. At lalo ka palang maganda sa malapitan," hindi nito itinatago ang paghanga sa mukha nito. "Thank you po ma'am," magalang niyang sabi. "We don't need to be this formal sa loob ng bahay, call me Tita Clarisse," saka nito tinawag ang isang katulong at nagpahanda ng tanghalian para sa kanila. "Nagagalak akong isinama ka ng aking anak dito sa bahay," makahulugan sila na tinitigan nito. "I am on his private resort po Tita," hindi niya alam na iba ang ipakahulugan nito sa kanyang sinabi. "So you mean to say you and Dean are..."