Hapon na nang ihatid siya ni Xavier dahil masaya pa silang nagkuwentuhan ng mommy ni Xavier. She likes the woman, very straight forward at hindi istrikta. Palaging si Xavier ang bukang bibig, mga kabalastugan ng magpinsan noong sila ay bata pa lamang. Pero ang nangyaring halikan sa kanila ni Xavier kanina ay hindi parin maalis-alis sa kanyang isipan. Pakiramdam niya sobrang haba ng araw niya ngayon kaya nakatulog siya sa sasakyan ni Xavier nang ihatid siya nito. Talagang mahimbing ang kanyang tulog. She felt safe and protected, dahil ba kasama niya si Xavier? Basta panatag ang loob niya. Nang lumingon si Xavier ay nakita niyang mahimbing na nakatulog si Sandrine habang ang ulo ay nakapatong sa bintana ng sasakyan. He looks closely at her face. Napakaamo ng mukha nito, iyong tipo na pa