"Shut up Dean! She's outside with Alexander!" Si Tyler na kumislap ang mga mata sa binanggit na pangalan. "Really? So, one happy family na ba? Kailan ang kasalan?" Sunod-sunod na tanong ni Xavier na halatang may excitement sa boses. "May katigasan din itong si Alex eh, at isa pa 'yung sakiting si Rocky. Idagdag ko pa sa sa listahan ko itong si Diego Escoder. Nangangati tuloy ang mga kamay ko na pagbungguin ang bungo ng dalawang kumag na 'yun eh." "Huwag daanin sa init ng ulo, minsan daanin mo kasi sa lambing," natatawang sabi ni Xavier sabay tapik sa balikat ni Tyler. "Nagsalita ang numero unong basagulero. Hindi pa nga naayos ang kalat mo eh," sabay tapon ng tingin sa mga silya at mesang nakatumba. "Daddy! I want to go fishing,but mommy said no," tumatakbong pumasok ang batang