Nagpupuyos ang damdamin ni Sandrine sa pagbabanta nito.
So dapat pala, sila ang may kasalanan ako ang dapat magpakumbaba? In their dreams!
Parang may sariling pag-iisip ang kanyang mga kamay na nag-drive patungo sa condo ni James.
Mabilis siyang nagdoorbell ng marating ang unit ng kaibigan, at ng buksan nito ang pintuan ay mabilis siyang tumakbo dito, at napayakap ng mahigpit. Naguguluhan man, pilit siya nitong inakay papasok sa loob, at pinaupo sa sofa. Hinayaan lang siya nitong umiyak habang masuyong hinahaplos ang kanyang likod.
“Tell me what happened my dear?” Maingat nitong inangat ang mukha niya. Humihikbi niyang ikinuwento ang lahat, never leave a single piece.
“Eh, napaka-g*g* pala niya sa lahat ng mga siraulo eh!” Galit ito, at kung nasa normal lang silang sitwasyon ngayon gustong matawa ni Sandrine sa itsura ng kaibigan.
Nawawala ang poise nito at tila naging matigasing lalaki. Kung titingnan mo si James ay hindi mo akalaing bakla pala ito. Guwapo ito at macho dahil alaga ang katawan nito sa workout.
Nag-ring ang kanyang cellphone, at ng makita niyang si Albert ang tumatawag ay papatayin niya sana ang phone. Pero nakita niya na sumenyas si James na sagutin niya ang tawag. Pinahiran niya ang mga luha saka sinagot ang cellphone.
“Where are you honey? We need to talk.” Agad na bungad nito sa kabilang linya.
“Talk about what Albert?” Mahinahon ang kanyang boses at pilit. Pinipigilan niya ang mapahikbi, lalo na ng makita niya si James na napapa-suntok sa hangin na para bang kaharap nito si Albert, at inuupakan ang pagmumukha nito. Dinig na dinig nito ang pag-uusap nila ni Albert, dahil naka loud speaker ang phone niya.
“You need to hear this, please let me explain.” Hinayaan niya lang itong magsalita, dahil na rin sa udyok ng kaibigan.
“Inakit lang ako ni Carla. I know, You knew her for being easy goer. Mahal kita Sandy, kaya lang may mga pangangailangan akong hindi mo ibinibigay bilang isang lalaki. Ayaw naman kitang pipilitin, sapagkat gusto ko ring iharap ka ng buong linis sa altar. And Carla has been always there for my needs.” Mahaba nitong paliwanag. Gustong matawa ni Sandrine kung saan ito kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga sinasabi.
“Hindi na magbabago ang isip ko Albert. Kilala mo naman siguro ako, kung ano ang sinasabi ko ay talagang ginagawa ko. And now that I’m out of your life. Go... You can do whatever suits you.” Napapalakpak naman si James sa sinabi niya.
“You can’t escape from me Sandrine, bear that in mind.” Galit ulit ito, saka nito pinatay ang cellphone.
“Kita mo kung gaano kahayop ang lalaking ‘yan. Noon paman may hinala na ako diyan, hindi ko lang maisatinig sayo dahil alam kong sobrang dead ka sa walang hiyang ‘yan!” Nang-gagalaiting pahayag ni James. Napabuntong hininga siya, alam niyang ilang araw niya rin itong dadalhin.
“Please James, hiling ko lang sayo ay hindi na ito makarating pa sa daddy.” Nag-aalala siya sa maaring gawin ng kanyang daddy pag nalaman nito ang nangyari.
Hinahangaan pa naman nito si Albert. Alam niya kung gaano ka protective ang kanyang daddy Julio pagdating sa kanya. Isa pa, ayaw niya rin na makaladkad ang pangalan ni Mayor Ronald at Congressman Alfredo sa kahihiyan. She had met the two guys, at napakabait ng mga ito kahit na walang media na nasa paligid.
“Alright. Hindi ito malalaman ni Tito Julio, but I can’t promise to stay calm pag nakita ko pang nagpapakita sayo ang hayop na yan Sandrine.” Galit na galit ito. And She’s thankful to have him as her best friend, manager, and a brother sa katauhan ni James.
“Sa dinami-dami ba naman ng nanliligaw sayo, meron pa ngang mga foreign actors. Bakit ba kasi siya pa ang pinili mo?” Nakairap nitong sabi.
“Ayoko na ring magpakita pa sa kanya, James.” Determinado siya sa sinasabi.
Ilang araw na rin ang lumipas mula ang pangyayaring iyon. At hiniling niya sa ama na hindi na muna siya uuwi ng bahay nila, at sa condo niya na muna siya titigil. Pumayag naman ito ngunit huwag daw niya masiyadong patagalin, at hindi daw ito sanay na wala siya sa bahay. Natatawa nalang siya sa ama.
Nag-aalala siya, kasi baka pumunta si Albert sa kanilang bahay at malaman pa ng kanyang ama ang lahat-lahat.
Ilang araw na rin kasing tumatawag si Albert sa kanyang cellphone, at hindi niya iyon pinapansin. Nakarecieve din siya ng text messages mula dito, para siyang tinatakot nito na huwag daw niyang hiwalayan.
Anong akala nito sa akin bobo? Hindi ako pinaaral ng daddy sa ibang bansa para lang lokohin mong hayop ka! Nangigil siya sa naisip.
Wala siyang gagawin ng araw na iyon. Hindi rin muna tumanggap si James ng kahit anong proyekto, dahil gusto daw muna nitong ipahinga niya ang katawan pati na rin ang kanyang utak.
Naisipan ni Sandrine na magshopping, kesa mag mumukmok siya sa kanyang unit na mag-isa. Agad siyang nagbihis at sumakay sa kanyang kotse.
Matapos makapamili ay pumasok siya sa isang sikat na restaurant para kumain. Pumwesto siya sa isang sulok, kung saan hindi masyadong matao. Ayaw niyang maexpose at baka may makakilala sa kanya, ayaw pa niyang makaharap ang ibang tao.
Nasisiyahan siya sa kinakain ng may pares na papalapit di kalayuan sa kanyang puwesto, binalewala niya iyon. Nakatalikod siya sa gawi ng mga iyon. Mahinang nag-uusap ang dalawa tila ba nagbubulungan, ngunit umabot parin iyon sa matalas na pandinig ni Sandrine.
At nagimbal siya ng mapagsino ang bagong dating. It’s Albert with his lover Carla!
“Nakumbinsi mo na bang bumalik sayo si Sandrine, Darling?” Narinig niyang sabi ng babae. Halos ayaw nyang gumalaw sa kina-uupuan at baka makita siya at makilala ng dalawa.
“Masiyadong matigas ang ulo ng babaeng ‘yun, ni ayaw akong kausapin.” Sagot naman ng lalaki sa galit na boses.
“We’re running out of time Albert, at naghihinala na si Ronald sa’kin. That old man is so clever!”
“Kung hindi siya madadala sa hinahon dadaanin ko siya sa dahas, tingnan lang natin.” Si Albert.
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo niya sa narinig na usapan ng dalawa. She heard the danger in Albert voice, at alam niyang hindi ito nagbibiro. Halos mabiyak ang dibdib ni Sandrine sa sobrang kaba, ngayon lang siya natakot ng ganito.