Nang pababa siya ng hagdan habang hila ang kanyang maleta ay nakita niya ang ama at si Xavier na mataman na nag-uusap. Lumingon si Xavier nang maramdaman ang presensya niya, mabilis din itong lumapit at kinuha sa kanya ang kanyang dala. Lumapit siya sa ama ng tuluyang makababa sa hagdanan. "Aalis na ako Dad," nakita niya ang lungkot sa mga mata nito, at hindi niya kayang magtanim ng sama ng loob sa kanyang ama. Kahit na pakiramdam niya ay itinataboy siya nito sa ganitong punto ng buhay niya. "Hindi ka mag tatagal doon Sandrine, at alam kong pagkatapos nito ay mauunawaan mo ako kung bakit ko ito ginagawa," sabi nito habang yakap-yakap siya. Hindi siya umimik. "Sige na at baka aabutin kayo ng dilim sa daan," dagdag nito na bumitiw na sa pagkakayakap sa kanya. "Aalis na kami Mr. Hernande