Napasubsob siya sa katawan nito, at sa simpleng pagkakadikit nila ay bigla namang tila may mga dagang naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib. Napatitig siya sa mukha ni Xavier at nakatitig din ito sa kanya. Gusto niyang yakapin ito ng buong higpit, at ipadama ang totoo niyang nararamdaman dito. Pero ayaw niyang magmumukhang tanga sa harapan ni Xavier, lalo na kapag maalala niya ang narinig na usapan nito at ni Rosie. Bigla siyang natauhan at mabilis lumayo dito. "Pinaglalaruan mo lang ang buhay mo Xavier, sana naman huwag kang mangdamay ng iba," malamig niyang turan nang maalala ang sinabi nito kay Rosie. "Because you were running from me Sandrine and I hated it, that I wanted to kill Joaquin," naririnig niya ang pagtagis ng mga bagang nito nang banggitin ang pangalan ni Joaquin "Huwag