Tumitig siya rito at naluluha. Napaka-supportive kasi nito. Siguro kung wala ito ay hindi niya kayang supportahan ang kapatid at mga anak nito.
"Oh anong drama iyan aber?" wika nang makitang naluluha siya.
"Masaya lang ako, bakz. Ang swerte ko talaga sa'yo?" Sabay yakap pa rito.
"Hala siya. Nag-drama talaga. Nora Aunor lang ang peg?"
"Hindi ah! Vilmanians kaya ito. Bakit, inisip mo ba ang lahat ng perang pinapadala ko ay galing sa dugo't pawis ko!" Arte niya sa linya nito sa pelikulang anak.
"Taray! Ano 'to te, talent furtune," anito na kinatawa niya.
"Talent portion bakz!"
"Ready?" malakas na sigaw ng coordinator kaya mabilis itong tumalima.
Mabilis nitong pinakuan ng maliit na pako at pinasuot sa kanya. "Oh di ba? Bongga—isang rampa nga diyan," malakas na wika nito na umagaw sa atensiyon ng iba.
"Shhhh! Ano ka ba nakakahiya," awat dito.
"Anong nakakahiya. Ang ganda mo kaya 'day kaya huwag kang mahiya. Kung ako lang ang may-ari ng mukha at katawang iyan," anito sabay tingin sa kanya.
"Baka kahit sa kalye. Swimsuit ang suot ko," anang pa nito.
"Grabe naman noon, bakz."
"Totoo iyon, ang mga ganyang fez ang nirarampa hindi katulad noong number 5. Mas maganda pa ako doon." Nguso nito at usyuserang sinundan ng tingin at napatawa siya.
"Ikaw talaga!"
Bago man kasi sabayang namatay ang magulang sa aksidente ay hindi naman sila ganoon kahikamos sa buhay. Di sila ganoong kayaman pero nabibili naman nila lahat ang gusto nilang magkapatid. Nang maaksidente ang magulang at sunod na nagkasakit ang kapatid ay halos maubos ang naipundar ang mga ito.
"Hoy! Ano iyan, Lorna Tolentino o Vilma Santos. Huwag ka nang magdrama, hindi audition ng PGT, gaga. Dali na at tinatawag na kayo," awat ni Chona sa nagbabadyang pagluha.
"Bakz Vilmanians nga di ba?"
Mabilis na pinahid ang luha saka inayos ang suot na formal wear.
"Buti naman at plinantsa mo iyan. Ang tagal nang nakatago sa baul ni lola iyan," natatawang wika ni Chona.
"Oo nga bakz, buti nalabhan ko. Amoy amag na eh!" Pagpapatol rito saka sila nagtawanan at nakitang napapalingon ang ilan sa kanila.
Napangiti siya sa sinabi nito. Mukha nga siyang dignified sa suot niya. She's an image of a classic beauty back 70's.
Palalim na ng gabi ngunit wala pa ring makita si Lance na kakaiba sa buong paligid. Matapos mai-scan sa iphone ang lahat ng cameras na nakainstall sa paligid.
Mula sa kinauupuan ay tanaw ang mga kasamahang naka-civilian para hindi maalerto ang kanilang huhuliin.
Sa di kalayuan ay naroroon pa rin si Bruce na ngayon ay nakatawa habang kaharutan na ang babaeng kanina ay katabi nito. Napabaling-baling na lang siya ng ulo nang muling umaalinlang ang isang tugtog at isa-isang lumabas ang kandidata.
Sumandal siya habang natutuwang nanunood sa mga rumarampang dilag. Ngunit mas excited siyang masilayan ang babaeng kanina ay nakatulala sa kanya. Napangiti siya nang makita ito. Iba ang babae. Kakaiba ito sa lahat ng magagandang babaeng naroroon at sa mga nakilala niya. Dahil ang babaeng ito ay tila may mumunting damdaming pinupukaw ito sa kanya.
Ngayon lang siya ulit naging interesado sa babae. Kaya mataman niya itong inobserbahan. Napangiti ng makitang maayos na itong maglakad hindi gaya kanina na hila nito ang isang paa.
"Kainis naman bakit ganoon siya makatingin. Kung ice cream lang ako, kanina pa ako natunaw sa init ng tingin niya," aniya sa sarili habang rumarampa sa harap ng mga judges.
Paano ba naman kasi ay parang siya lang ang nasa entablado sa klase ng tingin ng lalaki.
"She's a real beauty," bulalas sa sarili matapos rumampa ang lahat ng kandidata.
Maganda ang babae pero banaag sa mata nito ang lungkot. 'Bakit kaya?,' aniya sa isip.
Nang muling nilingon ang kasamahan mukhang naalerto ang mga ito. Nawala kasi ang iba sa dating pwesto.
Kinabahan siya ng maging si Bruce ay wala na ito sa kinatatayuan. Mabilis na hinagilap ang beeper sa bulsa. Iyon kasi ang sign kung may kakaiba nang nangyayari ngunit hindi pa ito tumutunog.
Agad na ini-scan ang iphone at nakita ang ilang kahina-hinalang galaw ng ilang kalalakihan.
Mula sa camera ay nahagip niyang naroroon sa di kalayuan ng suspected person, ang kaibigang si Bruce.
Napangiti siya. Kahit babaero ang kaibigan ay propesyunal naman ito. Kung misyon ay misyon. Alas diyes y medya na. Palalim na ng gabi para sa mga taga Bali-Balic.
Mabilis ang galaw ng mga kandidata para sa evening gown at higit sa lahat ay ang huling paghahatol. Ang question and answer portion.
"Naku, 'day. Huwag ka nang kabahan. Dahil for sure di ka aabot sa top 5," anas ni Chona sa kanyang pabiro.
"Grabe ka sa akin."
"Ay! Taray. Asa kapa girl." Batok nito.
Iyon ang birong makatutuhanan. Pero tanggap na niya. Hindi niya alam kung bakit bobita siya samantalang matalino naman ang magulang at ang kapatid. Buti na lang at maganda siya at may bonus pa, seksi siya.
Suot ang gown na tinahi ng ina ng kaibigan ay mabilis niyang inayos ang sarili. Pinusod ni Chona ang kanyang buhok pataas at nag-iwan ng ilang hibla sa harap.
Pinasuot din ni Chona ang tig sampong pesong malaking hikaw na binili sa bangketa.
Very seductive ang hitsura niya at bumagay pa ang nunal niya sa baba ng kanyang bibig.
"Your so so so so so pretifull, my friend." Puri nito sa kanya. Hindi napigilang matawa sa puri nito.
"Lagi naman basta ikaw eh," aniya ritong nakangiti.
"Nope, napakaganda mo talaga gaga. Alam kung mas lalong mahuhumaling sa'yo si Mr. Yummilicious," anito.
Napakunot noo siya. "Sino naman iyan?" ngusong tanong.
"Kala mo hindi ko napansin ang malalagkit ninyong tinginan ng isang guwapong judge. Grabe, aatakihin ako sa kilig gaga. Pati buhok ng kilikili ko kinikilig," tili nito.
Mabilis niya itong binatukan. Aba, huhubaran yata siya nito sa kalandian nito.
"Bakla bitawan mo ang gown ko baka malaglag. Martilyo lang meron tayo. Walang karayom at sinulid," aniya rito.
Natatawang bumitiw naman ang kaibigan sa kanya.
Talagang magaganda ang babaeng nasa harapan ngunit hindi makakonsentrate si Lance dahil may maling nangyayari na sa paligid niya.
Nakita niyang umilaw na ang beeper niya katunayang tinatawag na siya ng mga kasamahan.
Mabilis na tinuon ang tingin sa stage mula roon ay papalabas ang napakagandang mukha ng isang babae. Napatigil siya sa tangkang pagtayo. At napahanga sa kagandahang nakikita.
"Holy—."
Hindi agad nakahuma si Lance nang tuluyang lumabas ang huling kandidata. 'Wow!,' aniya sa isip. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa magandang mukha ng babae.
Simple lang ang suot nito, hindi kagaya ng iba na talagang pinaghandaan pero ang kasimplehan ng kasuutan ang nagpalutang sa ganda nito. Muling tumunog ang beeper niya dahilan para manumbalik ang isip sa misyon.
"s**t!" mura sa sarili dahil muntik niyang makalimutang nasa kalagitnaan siya ng misyon.
Mabilis na tumayo at sumaludar sa kapitan bilang paalam at pasasalamat sa kooperasyon nito sa misyon nila.
Napakaganda ang ngiti sa labi ni Kathlyn ngunit napawi iyon nang makitang paalis ang lalaking kanina ay puno ng pag-asam sa mata nito.
'Saan kaya siya pupunta?' Natanong sa sarili. Habang abot tanaw niya ang likuran nito.
"I am sorry guys but sad to say one of our judges is not here but we don't like to spoil the night so—."
Hindi pa natatapos ang anunsiyo ng emcee ng gulantangin sila ng sunod-sunod na putok.
Lahat kanya-kanyang pulasan. Maging ang kapwa niya kandidata. Hindi nakagalaw si Kathlyn. Naiisip niya kung papaano makukuha ang consolation prize niya kung ganito na ang nangyayari.
Mabilis na hinagilap ang kaibigang si Chona. Wala na rin ito sa kinatatayuan kanina. Mas lalo siyang nabahala. Mabilis na tinaas ang gown at tumakbo. Mahirap na kung mabaril pa siya o anu pa man. Wala pa siyang planong mamatay.
Sa katatakbo ay hindi niya alam kung saan tutungo dahil nagkakagulo na ang mga tao at kaniya-kaniya sarado ng sari-sariling bahay.
"Peste!" Badtrip na wika sa sarili.
Sa kabila kasi ng kaguluhan ay hindi niya maiwasang maisip kung saan kukuha ng ipampapacheck-up sa kapatid lalo na ang gatas sa kambal.
Nasa madilim siyang parte nang biglang may humila sa kanya.
"Ay kabayo! Bitawan mo ako kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso. Wala akong pera kahit pahubarin mo pa ako!" Singhal sa lalaki at pilit kumakawala rito.
Napilitan si Lance na takpan ang bibig ng babae. Baka mabulilyaso pa ang plano nila lalo na at naalerto na ang mga ito dahil sa magkakasunod na putok ng baril.
"Shhhh!"
"Don't shhhh! Shhhh! Me?" Panggagaya rito.
Subalit hindi natigil ang babae sa paghuhulagpos at talagang kakalmutin pa nito ang guwapo niyang mukha.
"Stop if you don't want me to shoot you," husky na boses nito.
He don't mean to scare the lady but he need too. Daig pa kasi nito ang nagtitinda sa palengke sa lakas ng boses nito.
Napatigil si Kathlyn sa ginagawa. Naramdaman niya ang paggalaw ng lalaki sa tabi. Dikit na dikit ang katawan nila at pilit pinagkakasya sa likod ng isang malaking drum.
"s**t! Villanueva. I told you not to shoot unless you need to defend yourself. Now, they're alert!" Galit na tinig ng lalaking kasama.
Bigla ay mas lalong kinabahan si Kath hanggang sa may nakapa sa likuran ng lalaki. Napangiti ng makitang wallet iyon.