Mabilis na sinuksok sa garter ng panty. Nang muling magsalita ang lalaki.
"Stay!" Tinig nito.
Napalunok siya sa tindi ng tensyon. Ano ba ang lalaking kasama. Ito ba'y kakampi o kaaway.
'Shoot,' ulit sa utak. Kasamahan ng lalaking kasama ang dahilan ng sunod-sunod na putok. Dahil doon ay nawala ang pag-asang pera para sa kapatid at pamangkin.
"Sino ka ba? Mamamatay tao ka ba?" Aniya rito.
Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito. Hindi niya rin makita ang kabuuhan ng mukha nito dahil madilim ang kinalalagyan.
"Bakit hindi mo a—," putol na wika nang muling sakupin ng palad nito ang kanyang bibig.
"Shhhh—,"anito at sa pagkakataong iyon at pigil hininga ito at ramdam niya ang init ng katawan nito. Maging ang mabagong hininga nito.
"Don't move." Anito para muling maamoy ang mabango nitong hininga. Iba na ang naglalaro sa isipan sa sandaling iyon.
Hanggang napatigil sila nang marinig ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan.
"Give us the money first and we will give you the contraband," tinig na narinig.
Nanlaki ang mata niya sa narinig. "Don't move," anas ng lalaki malapit sa punong tainga niya. Na mas lalong nagpainit sa pakiramdam niya.
Para naman siyang natulos. Naramdaman niyang gumalaw ang lalaki at tila lumuwang ang lugar. Mabilis siya itong hinawakan.
"Saan ka pupunta?" Nahihintakutang pigil dito sabay kapit rito.
Wala na siyang pakialam kahit maglambitin pa siya sa lalaki huwag lang siyang iwan. Sa totoo ay natatakot siya at sa lalaking kasama ay batid niyang ligtas siya.
"I told you, stay here. No one will harm you. I'll be back," pangako ni Lance sa babae.
"Pe—pero," awat pa sana rito.
"Listen to me. Stay here! I'll be back. Promise."
Kahit naman kasi may kadiliman ang kinaroroonan ay alam niyang takot ang babae at dama niya ang panginginig ng katawan nito.
"Stay here, no matter what happen. Okay?" Baling saka mabilis na binunot ang baril at tinungo ang pinanggagalingan ng tinig.
"Bruce, Villanueva, Mago. Do you hear me?"
"Yes boss," halos sabayang wika ng mga ito.
"Bruce, did you call any back-up," aniya sa kaibigan.
"Yes and they're on their position. Target is here already," anang pa ng kaibigan.
"Yes, I'm on their back," aniya saka pinutol ang usapan nila.
Mabilis na napalibutan ang kinaroroonan ng mga nagtatransaksyong kalalakihan. Armado ang mga ito ngunit hindi na nakapalag sa biglaang pagsalakay nilang lahat.
"Walang kikilos ng masama kung ayaw niyong mapuno ng bala ang katawan niyo." Malakas na sigaw ni Lance habang papalapit sa mga ito.
Mabilis na tinutukan ni Bruce ang lalaking nagbunot ng baril at papalag sana.
"Sige! Iputok mo kung gusto mong sabog ang bungo mo," banta ni Bruce dito na nakalapit na pala.
Unti-unting nagtaasan ng kamay ang mga ito. Nakuha nila ang sampong kilo ng shabu at iba't ibang uri ng ecstacy at halagang umaabot sa isang milyong pesos.
Buti na lang at hindi na nasundan pa ang mga putok. Isa kasi sa pinangako sa kapitan ay ang malinis na gawain. Ayaw din ng kapitan na matakot ang mamamayan nito.
Matapos pusasan isa-isa nang kinuha ng mga tauhan ang mga nasakoteng druglord at tauhan ng mga ito ay mabilis na binalikan ang babaeng iniwan.
Nabahala siya nang hindi ito makita. Papaalis na siya nang maya-maya ay may nahagip ang kaniyang paningin sa di kalayuan.
"What the—!"
Bulalas na lamang ng makita ang babaeng natakbo papalayo habang hawak nito sa dalawang kamay ang sandalyas nito.
"Sir! Dadalhin na namin sila sa presinto." Turan ng kabaro.
Sumenyas siya rito.
"Congratulation man," bati ni Bruce na masayang bumati sa kaniya.
"You too, you're my partner remember?" Paalala nito na kinatawa naman.
"Congratulations to us." Masayang wika ng kaibigan. "Paano ba iyan. We should celebrate! Wait."
Napatigil ito saka tumitig sa kaniya ng matiim. "I saw you with the contestant number 12 a while ago." Ngisi nito.
Mas lalong napangisi ng maaalala ang babae. Maganda ito pero mukhang nahawa na sa kasama nitong bakla.
Masayang-masaya si Kathlyn sa sandaling iyon. Dahil malaki-laking pera ang dala nito kahit nakakabadtrip ang gabing iyon. Akalain ba niyang mahuhuli pa siya ng lalaki sa nakakahiyang sitwasyon. Ginalingan na lamang ang pag-arte hanggang makuha ang wallet ng lalaking kasama.
Nang buksan iyon ay halos mabitiwan ang wallet dahil nakitang alagad pala ito ng batas. Napapalunok ng makita ang ilang ID's nito at napangiti ng makita ang guwapo nitong mukha. Nang tignan ang laman noon ay doon siya tuluyang napatawa.
Halos sampung libo ang laman noon kaya medyo na-guilty siya lalo pa at baka kailangan din nito ang perang hawak.
"Oh nandiyan na pala?" Boses nang kapatid.
"Ate!" Gilalas niya sa kabiglaan. Agad na tinago ang wallet na inuusisa. Pasimple itong tinago para hindi nito makita at malaman pang nandukot siya may ipang-check-up lamang ito.
"Bakit mukhang gulat na gulat ka?"
"Ah! Hindi naman, medyo nabigla lang ako." Kabadong wika dahil tila nagtataka ito.
"Pumasok ka na at malalim na ang gabi." Paalala nito kaya mabilis na sumunod rito. "Kumusta ang lakad niyo ni Chona?"
"Po?"
"Ba't ganiyan ka makasagot? Sabi ko, kumusta ang contest sa kabilang baryo?" Ulit nito.
Napatawa siya nang maalala ang nangyari.
"Maayos naman ate. Medyo nagkaroon ng konting kaguluhan pero so far, so good."
Natawa ang ate sa sinabi. "Ikaw talaga. Oh siya, babalik na ako sa pagtulog. Magpalit ka na muna at baka matulog ka pang naka-gown."
"Goodnight ate, agahan mo bukas para sa check-up mo." Paalala rin dito.
Sa opisina ay kapansin-pansin ang mga ngiti ni Lance. Hindi kasi mawala sa isipan ang babaeng nakita sa maliit na baranggay na iyon.
"Wow! What a great smile bro! Dahil ba iyan sa success mission natin or kay candidate number twelve," mapanudyong wika ni Bruce.
Wala itong nakuhang katugunan sa kanya dahil mas lalo pa siyang napangiti dahil nakinikita pa niya ang magandang mukha nito.
"Oh! that's a great sign bro. Your inlove!," tawang untag nito sa katuwaan.
Doon siya biglang natauhan at nakakunot noo nilingon ang kaibigan na ngayon ay natitigilan sa klase sa tinging pinupukol rito.
"Congratulation Montecalvo, job well done," bungad na bati ng superior nila habang papasok ito sa kanyang tanggapan.
"Thanks you Sir, but it's because of the group," aniya bilang pagbibigay pugay sa kasamahang sumakute sa sindikato.
"Of course, same to you Garcia," baling naman nito kay Bruce.
"Thanks Boss," ganting saludo nito sa superior nila.
Bilang team leader sa mga sumalakay sa sindikato ng druga ay masaya niyang inimbitahan ang grupo sa isang hapunan. Ganoon siya makibagay sa mga katrabaho.
Sa isang pubhouse sila humantong. Sky is the limit. Ganoon siya, handa niyang isugal ang isang buwang sahod para sa mga kasamahan. Para sa kaniya barya lang iyon dahil pinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig ikanga ng iba.
Passion niya lang talaga ang maging alagad ng batas. Beside his great grandparent is in the military before they past away.
"Iba din! Kaya gustong-gusto ka ng mga kasamahan natin. Ubos-ubos biyaya!" Masayang wika ni Bruce nang makitang nagkakasiyahan na ang grupo.
Bumabaha ng alak ang kanilang mga mesa.
"Hep! Baka gusto mo pa ng babae!" Untag kay Bruce.
Tumawa ito. "Dapat ikaw ang tinatanong ko niyan. Baka pumurol ang sandata mo." Alaska nito sabay ng malutong na halakhak.
"Congratulation sir," bati ng kaniyang tauhan.
"Hey, lahat tayo ay naroroon kaya congrats din sa'yo." Balik rito. Napakamot ito saka ngumiti sa kaniya.
"Alam mo, kailangan mo na talaga ng babae." Akbay ni Bruce sa kaniya.
"Ewan ko sa'yo!" Sabay hagis rito ng bote nang beer. Alerto nitong sinalo iyon.
"Wooooo!" Sigaw ng mga kasaman.
Malakas na tumawa ang kaibigan. Saka kumindat. "Para sa tagumpay nating lahat at sa boss nating nainlab kay candidate number twelve." Malakas na turan ng kaibigan.
Naiiling na lamang na tinungga ang hawak na beer. Muling napangiti ng maalala ang magandang mukha ng babae.
"Gaga, saan ka nagsusuot noong isang gabi!" Hila ni Chona sa kanya noong makita siya nito.
"Ikaw nga itong parang kabuteng bigla na lang nawala. Akala ko ba friends tayo, bakit bigla kang nang-iwan," arteng tampo rito.
Bigla naman lumambong ang mukha nito at tila na-guilty. Doon pinakawalan ang kanina pa pinipigil na tawa.
"Hoy! Chona, huwag ka nang mag-inarte. Dali libre kita!" Hila niya rito sa kantina malapit sa kanila.
"Nakz! May pera ang ale. Saang pitaka mo dinukot?" Biro nito sa kanya.
Tinampal niya ito sa balikat. "Ano ka ba? Ayaw mo yata eh," aniya rito.
Kulang-kulang sampung libo kasi ang laman ng wallet ng lalaking kasama noong isang gabi. Bumili na rin siya ng tatlong latang gatas ng mga pamangkin para may stock at pina-check-up na niya ang kapatid at bumili ng gamot nakakailanganin nito.
"Hoy bakla huwag ka ngang tumingin. Sampong piso lang ang lugaw kala mo naman sa jolibee kita ililibre," hirit rito habang masayang umorder ng lugaw kay manang Pasing.
Dahil malaki ang naitutulong nito sa kanya kapag nangangailangan siya ay nakatuwaan na rin niyang umorder ang tig isa silang piraso ng fried chicken.
Nanlaki ang mata nito nang marinig ang inorder. Isang di makapaniwalang tingin ang binigay nito.
"Oh! Huwag kang tumingin ng ganyan bakla. Sabihin na lang nating sinuwerte ako konti kahit hindi ko nakuha ang consolation prize ko," aniya saka sumubo ng lugaw.
Nagtataka pa rin ang tingin nito sa kanya.
"Hoy! Kathlyn ha, baka naman noong kasagsagan ng putukan ay naisipan mo pang mandukot," anito sa kanya.
Dahilan para mabulunan siya.