Chapter 1:

1886 Words
"Is everything ready?" tanong ni Lance sa kausap sa kabilang linya habang suot ang bluetooth sa kanyang tainga. "Yes, Sir!" alertong tugon naman ng kausap. "Good, wait for my signal," aniya saka tinapos ang usapan nila. Kailangan niya rin kasing maghanda para sa dadaluhang pagdiriwang. Nararamdaman na niya ang ikatatagumpay ng kanilang misyon. Sa gabing iyon kasi nila planong huliin ang isang malaking sindikadong napapalaganap ng illegal na droga sa kalungsuran. Sa mga squatter area ang paboritong gawing hideout ng mga ito dahil maraming tao at madaling makapuslit. Karamihan din sa squatter ay ang nagtutulak dahil sa kahirapan. Kaya ang buong ahensiya nila ay nakipagsabuwatan sa punong barangay upang maisakatuparan ang misyon nila. Ayon kasi sa nakalap nilang impormasyon madalas ginagawa ang malaking transakyon ng grupo kapag may malaking pagdiriwang sa isang mataong lugar para mailihis ang atensyon ng publiko. Kailangan niya ring maghanda dahil isa siya sa hurado sa gaganaping patimpalak ng pagandahan sa baranggay. Kasama iyon sa plano nila kaya kailangang pangatawanan na nila. Ayon sa sinabi ng kausap ay nakahanda na ang lahat ng surveilance camera sa palibot ng lugar. Maging ang buong sandatahan ay handa na rin. Civilian sila upang hindi masyadong halatang may magaganap na entrapment sa mga druglord. "Ito na ang pagkakataon natin Dude. Baka naman sa gabing ito ay makilala mo na ang babaeng bibihag sa'yong pihinkan mong puso," natatawang biro ng kaibigang si Bruce sabay akbay sa kanya. Bruce was his buddy since PMA time. They become close when they enter as NBI agent and partner in every mission they do. "Hey! Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo. I know you, wala kang pinapalagpas," balik niya sa kaibigan. Tumawa naman ito sa sinabi niya. Dito sila magkaiba, Bruce use to date every girl he wants. Maligalig ito sa babae while he was the total opposite of Bruce. He once inlove. Chelsea was his first girlfriend. They stayed for almost the duration of PMA time but all of the sudden Chelsea broke up to him saying she found a better man. He was devastated. He loves Chelsea more than anyone else even himself. He was depressed. He even think to commit suicide at that time but Bruce was there. Nakita ni Bruce na natigilan ang kaibigan. "Dude, maybe it's about time to find someone. To find a better girl than her," sinserong wika ni Bruce sa kanya tukoy kay Chelsea. Napangiti siya sa kaibigan matapos siyang tapik-tapikin sa balikat saka sumaludo bilang paalam muna sa kanya. 'Maybe it's about time,' aniya sa isip saka sinipat ang mukha sa salaming nasa loob ng opisina niya sa head quatter nila bago pumunta sa pagdadausan ng patimpalak. "Grabe kang babae ka, wala ka na bang ibang sandal na nahiram," maktol ni Chona sa kanya. Ang baklang kapitbahay na bestfriend niya. Ito kasi ang partner in crime niya. "Wala na eh, bakit maganda naman ah!" sikmat naman ni Kathlyn dito habang abala sa pag-aayos ng gagamitin niya. Nasa backstage na sila at abala na ang lahat para sa patimpalak. "Maganda nga, bukod sa malaki na sa paa mo aba parang ipin pa. Malapit nang mabali ang takong nito girl," anang pa ni Chona. "Hayaan muna napagtityagahan pa naman," aniya saka umupo upang ayusan na siya nito. Mabilis namang tumalima si Chona. Mumurahin lang ang mga make up na dala nila samantalang ang iba ang hi-tech pa talaga. "Kung sinabi mo lang sana na ganyan ang sandal mo. Aba'y hindi na sana make up kit ang dala ko. Sana martilyo at pako na," tawang biro ni Chona upang maibsan ang kaba niya. "Kinakabahan ka pa? Sa dami ng patimpalak na sinalihan mo, kinakabahan ka pa! Bitirana ka na girl, wapak na. Huwag ka nang kabahan," anang pa ni Chona nang maramdaman nito ang bahagyang panginginig niya. "Gaga, hindi ako kinakabahan. Lamig na lamig na ako. Ano ba itong pinasuot mo sa akin. Parang labas na yata buong kaluluwa ko," aniya sa bakla. "Gaga, iyan ang uso ngayon. Backless ang tawag diyan o baka naman gusto mo frontless. Baliktarin natin," malanding biro pa nito. "Pwede rin," tawang pagpatol sa sinabi ng kaibigan. "Ebeden! Alam kong may dibdib ka kaya huwag mo nang ipangalandakan girl. Oh siya bilis na at rarampa ka na. Basta give emphasize to you flowless skin." Saad nito. "Ano iyon. Flow as is flow ng falls," salag rito. "Flaw." Aniya na tinuruan pa ng proper pronunciation. "Flawwww! Ah ewan basta iyon na iyon." Nagtawanan silang dalawa. Saka tumingin sa ibang contestant na seryoso sa pinaggagagawa. "Kahit alam kong hindi ikaw ang mananalo friend. Basta para sa akin ikaw ang panalo," ani ni Chona. "Nagdrama ka na naman. Kailan pa ba ako nanalo girl. Ayaw mo lang deretsahin na bobo talaga ako. Alam ko naman eh, we are not here to win. We are here for the consolation prize. Five hundred din iyon, may pampacheck-up na si ate at panggatas ng kambal," pilit pinasisigla ang tinig. "Sus! Tama na iyan friend basta galingan mo ha," anito. Saka siya pumila para sa introduction number nila. Gaya ng inaasahan maraming tao sa ginaganap na pagdiriwang para sa taunang pista ng baranggay na iyon. Mabilis na ginalugad ni Lance ang paligid bago umupo sa upuang laan para sa mga hurado. Sa dulo ay natanawan niya ang kaibigang si Bruce na as usual ay may katabi na namang magandang binibini. Nawalan talaga siya ng amor sa babae mula ng lokohin at talikuran siya ng unang babaeng minahal. "Good evening everyone. Good evening Balic-Balic," masigabong bungad ng emcee. "Tonight is the night for the twelve aspiring beauties to compete to the crown as Miss Balic-Balic 2014. I don't wanna make you wait too long 'cause now I want all of you to witness the beauty of our contestant tonight. Let's welcome the twelve candidate for their introduction number. Give them a warm round of applause!," sigaw ng emcee saka pumailinlang ang isang awitin at isa-isang naglabasan ang mga magagandang dilag. Sigawan ang lahat ng naroroon dahil walang itulak-kabigin sa mga ito. Maging si Lance ay natutuwa na rin. Magaganda ang mga babaeng naroroon ngunit walang appeal sa kanya. Naroroon lang siya dahil sa misyon. Hanggang sa makita ang isang babaeng parang asiwang asiwa sa suot nito. He stare on her. She's very pretty. The girl wear an angelic face, a face that you will love to stare at. "God please huwag ka munang mababali," dalangin ni Kathlyn nang maramdamang tama ang kaibigang si Chona. Mukhang bibigay na ang takong ng sandals niya. Hindi tuloy siya makapagkonsentrate sa paglakad. "Please Lord! Huwag naman ngayon," dagdag pa niya. Maya-maya ay nakalma na siya at inipon ang baong self confidence ay paliyad siyang naglakad. Gaya ng sabi ni Chona. Bitirana na siya, wala nang hiya-hiya. "Hi! Good evening this is Kathlyn Mendoza, 26. Nagmula pa sa lugar kung saan maraming baklang nagtatakbuhan. Baclaran!" malakas niyang wika. Halos sumigabo ng tawanan ang buong auditorium sa sinabi niya. Pabalik na siya ng kinatatayuan nang isa-isang tinignan ang hurado at doon nasumpungan ang dalawang pares ng matang matamang nakatingin sa kanya. Bigla tuloy siyang nahiya dahil ang nagmamay-ari ng pares ng matang iyon ay nagtataglay ng napakaguwapong mukha. Everything seems like magical to Kathlyn when she saw that deep eye of a handsome guy. That guy is like the guy she was dreaming before. 'Gosh, so yummilicious,' tili ng isip nang biglang tawagin ang pangalan niya ng emcee. "Ah candidate number twelve. Pwede ka nang bumalik sa backstage," untag ng emcee. Agad siyang napalingon sa mga kasamang kandidata. Wala na pala ang mga ito at nasa backstage na at nagreretouch. 'Shockzzz...shungangerzzz na naman ako.' Kaya pala ganoon makatingin ang lalaki iyon pala ay pinagtatawanan na siya ng ibang nanunood. "Kainis!" maktol sa sarili habang mabilis na bumalik sa likod. Napabaling-baling na lang ng ulo si Lance. Maganda sana ang babae pero mukhang bingi naman yata. Akalain ba niyang makikipagsukatan pa ito ng tingin sa kanya. He knows that she got the look pero para sumali sa contest na ganoon ay nakakatawang makikipagtitigan ka lang sa judge. "Retouch! Retouch! Bilisan ninyo dahil kapag tapos na ang speech ni kapitan ay kayo na naman," apura sa kanila ng baklang organizer. Mabilis na ginala ang tingin dahil hindi niya makita makita ang kaibigan sa kanilang puwesto. "Saan na naman kaya lumandi ang baklang iyon," yamot niya sa pagkapahiya kanina. Maya-maya ay lumabas ito kung saan at hawak ang isang martilyo. "Bakit martilyo iyan. Di ba dapat make-up. Retouch daw," kandahabang nguso niya. Hindi pa rin mawala ang inis lalo na at turn off agad sa kanya ang lalaking judge. "Martilyo dahil hindi iyang mukha mo ang ireretouch ko. Iyang sandal mo at hindi ka tuluyang sumimplang. Baka akalain ng tao ay gaya gaya ka kay Miriam Quiambao eh di ba Gloria Diaz ang paborito mo. Oh ha ala-miss U pa ang peg mo day!" maarteng wika nito. "Grabe ka ang supportive mo talaga?" "Whats are friend for?" Kanda bulol na english nito. Pareho lang naman sila kulilat sa beauty contest na sinasalihan nila dahil sa kabobahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD