"HELLO, MA!" bungad na saad ni Sirak sa kaniyang ina na nasa kabilang linya.
"Are you busy right now hija?"
"Katatapos ko lang po sa painting lesson ko. Why, ma?" tanong niya rito habang inaayos ang mga gamit sa kaniyang bag.
"Well, I just thought na kung puwede ay dito ka na sa bahay mag dinner. I mean, kakauwi lang ng kuya mo."
Nagpamaywang na tumigil sa kaniyang ginagawa si Sirak. Mayamaya ay saglit niyang sinilip ang oras sa kaniyang wrist watch. It's already five thirty in the afternoon. Kung didiretso agad siya ng uwi ngayon sa Taytay, maybe around seven or eight naroon na siya sa bahay ng kaniyang ina. Kung hindi traffic.
"Please! I just want to see you, hija. I miss already."
There! Sa tono ng pananalita nito ngayon, alam ni Sirak na hindi lamang dinner ang gustong mangyari ng kaniyang ina kung bakit siya nito gustong pauwiin sa kanila. Not because her kuya just got home from Paris, from his Business Trip. Kundi may bubuksan na naman itong paksa o usapin na ayaw na ayaw niyang marinig lalo na sa ngayon na marami siyang gagawing trabaho. Ayaw niyang ma-stress at mag-isip ng maraming problema. In just two weeks may Painting Exhibit siyang sasalihan... kaya kung maaari ay iniiwasan talaga niya ang ma-stress at gusto niyang mag focus sa kaniyang preparation.
"Ma, kung tungkol na naman po ito sa pag-rireto ninyo sa akin sa mga anak ng amiga mo, please not now!" tila nagsusumamo pa siya sa kaniyang ina.
Narinig niya ang pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga ng kaniyang ina.
"I just wanted to eat dinner with you. Ilang araw ka na kasing hindi umuuwi rito sa bahay." malungkot na saad nito. "Kung iniisip mong kaya ako tumawag sa 'yo ay dahil na naman sa pangungulit ko sa 'yo... I'm sorry. Sige at hihintayin ko na lang ang papa mo na makauwi galing sa trabaho niya." nasa tono pa nito ang pagtatampo.
Wala sa sariling napakagat-labi na lamang siya dahil sa mga tinuran ng kaniyang ina. Napabuntong-hininga rin siya ng malalim at napakamot sa kaniyang sintido. "I'm sorry! Okay uuwi ako diyan."
"Really?" biglang sumigla ang boses nito.
"Yeah! Ililigpit ko lang po itong mga gamit ko at didiretso na ako diyan."
"Thank you baby! Mag-iingat ka."
"Yeah!"
"I love you anak."
"Love you too, ma." iyon lamang at pinatay na niya ang tawag nito.
Pagkatapos isarado ang zipper ng kaniyang bag ay lumabas na rin sa studio na iyon ang dalaga. Nagtatrabaho siya bilang side line painter instructor. Puro mga bata ang tinuturaan niya, pero kung minsan naman may mga matatanda na gusto pa ring matoto at nagpapaturo sa kaniya. Ang iba naman naghahanap lang daw ng mga mapapaglibangan kapag bagot at walang ibang ginagawa. Okay rin naman iyon sa kaniya, at least dagdag sa kinikita niya araw-araw. Pang dagdag sa ipon niya.
Nagpapatulong din siya kay Paulo na maghanap ng magandang space ng studio. Plano kasi talaga niya noon pa na gumawa ng sarili niyang shop para doon ibenta ang mga paintings niya. Magtayo na rin ng Painting Center para sa mga taong gustong matotoong mag pinta. Pero dahil kulang pa ang pera niya sa ngayon, kailangan niyang maging masipag at mag ipon na muna.
DALA sa matinding traffic, ginabi na ng uwi si Sirak sa bahay ng kaniyang ina. Pagkaparada niya pa lamang ng kaniyang sasakyan sa garahe ng bahay ay nakita niyang nasa labas ng main door ang kaniyang ina at naghihintay sa pagdating niya.
"Ma, I'm sorry I'm late. Traffic kasi e!" aniya matapos humalik sa pisngi nito.
"It's okay. Kararating lang din ng papa mo kaya hindi pa ako kumakain."
"What?" kunot ang noo na itinaas niya ang wrist watch at tiningnan ang oras. "Ma, it's ten thirty. Bawal sa inyo ang malipasan ng gutom."
"Okay lang anak. Ngayon lang naman 'to. At sinadya ko talagang hintayin ka para sabay tayong kumain." anito. Ipinulupot nito sa baywang ng anak ang isang braso at iginiya na ito papasok sa kabahayan. "You know I missed you so much." saad nito. "Arnaldo, nandito na ang anak natin." tawag nito sa asawang nasa sala at may kausap sa telepono. Kaagad din namang nag paalam ang lalake sa kausap nito sa kabilang linya.
"Hija." lumapit ito sa mag-ina. Hinalikan nito sa noo ang dalaga matapos yakapin. "How are you?"
"I'm fine, Pa."
"Mabuti naman at umuwi ka rito. Alam mo bang ako ang kinukulit nitong mama mo na pauwiin kita rito para mag dinner kasama namin?"
"Huwag mo ng ikuwento sa anak mo Arnaldo. Baka mamaya niyan isipin niyang masiyado akong nagiging spoiled sa 'yo."
"Bakit hindi ba ma?"
Sabay na napalingon ang tatlo nang magsalita ang lalakeng ngayon ay pababa na sa mataas na hagdan.
"Kuya..."
"How are you my beautiful sister?" tanong nito matapos yapusin at halikan sa pisngi ang kapatid.
"I missed you." aniya. "Where's my pasalubong?"
"Nasa kuwarto mo na. Alam mo namang hindi puwedeng wala akong pasalubong sa 'yo kapag nag out of country meeting ako."
"That's why I love you and you're my favorite brother." malapad ang ngiti sa mga labing saad niya.
"Binola mo pa ako. Of course ako ang favorite brother mo kasi ako lang naman ang kapatid mo." saad nito at ginulo ang buhok ng kapatid 'tsaka ito inipit sa kili-kili nito.
"Bueno! Sa hapag na natin ituloy ang usapan na 'yan. Let's go at ng makakain na tayo." singit ng kanilang ama. "Yaya! Paki-akyat na lang sa silid ni Sirak ang bag niya. Salamat."