"KAILAN ba natin puwedeng makita ang studio na sinasabi mo?" tanong ni Sirak sa kaibigan niyang silahis na si Paulo. Bitbit ang maliliit na lata ng pintura ay naglakad siya palapit sa ginagawa niyang canvas na saglit niyang iniwan kanina. Ipinatong niya sa ibabaw ng maliit na mesa ang mga dala 'tsaka pumuwesto na rin sa silya.
"Haynako!" umirap pa ito sa hangin. "Bakla, if you really asking me that question, kahit now na we can go there. E, ikaw lang naman itong hinihintay ko. Kailan ka magkakaroon ng free time para makita mo ang studio na 'yon?" mataray na tanong nito. Inismiran pa nito ang dalaga pagkuwa'y nakadekuwatrong umupo sa malambot na sofa. Nakapilantik pa ang mga daliri nito nang kunin ang baso ng pineapple juice na nasa center table. Sumimsim ito roon.
"Busy kasi akong tao kaya pasensya na po." aniya. "Tomorrow! Samahan mo akong magpunta roon. Hindi ko na muna pupuntahan ang ibang lakad ko bukas ng umaga."
"Okay!" mabilis na sagot nito kasabay ng pag-guhit ng malapad na ngiti sa mga labi. "I'm excited to see my boyfriend." saad pa nito.
Biglang nangunot ang noo ng dalaga pagkuwa'y binalingan ng tingin ang kaibigan. "Boyfriend?" tanong niya.
"Yeah! Malapit lang kasi roon ang condo niya."
"May bago ka na namang lalake?" tanong niyang muli.
"Of course! Ano ang akala mo sa 'kin magpapahuli sa pila?" balik na tanong din nito at ipinag-ikes pa ang mga braso sa tapat ng dibdib nito matapos sumandal sa sofa. "I'm not like you." anito. "Look at yourself, Sirak. Twenty-six ka na pero hanggang ngayon tuyot ka pa rin. Aba! Bakla, kailan mo ba balak na papasukan 'yang kuweba mo na kasing choosy ni Maria-Clara? Sayang ang lahi mo." lintaya nito.
Wala sa sariling nadampot ni Sirak ang isa niyang paintbrush at ibinato iyon sa kaibigan matapos marinig ang mga sinabi nito.
"Ouch!" reklamo nito nang tumama sa noo nito ang paintbrush. "Yuck! Nagka-pintura na ako, bakla." tila nandidiri pang saad nito at mabilis na kumuha ng tissue upang punasan ang sarili.
"Ang bastos kasi ng bibig mo, Paulo." naiinis na saad niya.
"Woaw! I'm just stating a fact." saad nito. "And please! Just please stop calling me Paulo. I told you, I'm Paula." pagsusungit pa nito. Kahinaan talaga nito kapag tinatawag ito ni Sirak ng Paulo. Duh! Babae siya tapos tatawagin siya nito sa pangalang lalake? Napaismid itong muli pagkuwa'y nakapilantik pa rin ang mga daliring dinampot nito ang paintbrush na nasa sofa at itinapon iyon sa sahig malapit sa dalaga. "Gusto ko lang naman na magka-jowa ka na rin, bakla. Para maging masaya na ang life mo. Hindi 'yong puro ka na lang work. Hindi mo naman na kailangan na patunayan sa amin na masipag ka. Kasi alam naman namin 'yon. Sayang lang kasi talaga ang lahi nating magaganda kung hindi ka mag-aasawa." turan pa nito.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Sirak dahil sa mga sinabi nito. "Nahawa ka na rin ba kay mama at papa, kaya pati ikaw ay sinisermunan na rin ako tungkol sa pag-aasawa ko?" tanong niya rito at muling ipinagpatuloy ang pagpipinta.
"We're just concern about you, bakla."
"I don't need your concern first of all. Hindi ko rin kailangan ng sermon ninyo para sundin ko ang gusto ninyo. I'm only twenty-six. Bakit ba ipinagpipilitan ninyo sa akin na mag-asawa na ako? Bakit, magugunaw na ba ang mundo bukas? Mauubos na ba ang lalake sa mundo?" mapanuyang tanong niya rito.
"Haynako!" tanging nausal ni Paulo 'tsaka muling napairap sa hangin. "Kung ikaw walang balak sa future mo, well kami mayroon." saad nito.
"I have plans for my future."
"Ano?"
"Sa akin na 'yon." mabilis na sagot niya. "Kaya please lang, kung puwede huwag mo ng datungan si mama at papa para kumbinsihin ako sa gusto nilang mangyari."
"Okay fine! Pero sana lang huwag mo kaming masisi nina Tita at Tito kapag tumanda kang dalaga. Hindi naman kami nagkulang sa payo at sermon sa 'yo." saad na lamang nito. Ano pa nga ba ang magagawa nito? Alangan namang pilitin nito ng pilitin ang dalaga e, ang nanay at tatay nga nito hindi mapasunod itong si Sirak, siya pa kaya na magandang kaibigan lang?
"Wala ka bang trabaho ngayon?" mayamaya ay tanong ni Sirak.
"Wala! Beauty rest ko ngayon." sagot naman nito. "Ano kaya kung gumala na lang tayo ngayon?"
"Marami akong ginagawa."
"Amiga, it's sunday. Baka naman puwedeng mag day-off ka muna kahit ngayon lang?" suhesyon nito.
"Marami akong ginagawa kaya hindi ko kailangang mag day-off."
"Wala ka na ngang balak na mag-jowa tapos wala ka pang balak na mag day-off. Alam mo amiga, ang seryoso ng life mo! Wala manlang ka amor-amor. We only live once kaya dapat nag i-enjoy tayo kahit paminsan-minsan. Hindi 'yong puro trabaho nalang. Hindi mo naman kailangang magpayaman kasi mayaman naman ang family mo." muling pag lintaya nito.
"You know that I'd rather stay here in my place and do my work instead na gumagala ako."
"Oo na! Lahat na lang may sagot ka." ito naman ang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Saan ka kaya ipinag-lihi ni tita at ganiyan ang ugali mo?" tanong pa nito.
"Sa kapit-bahay ninyo." walang ganang sagot niya pagkuwa'y tumayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa puwesto ng kaniyang kaibigan. Hinila niya ang kamay nito. "Puwede bang lumayas ka na muna rito? Hindi kasi ako makapag-concentrate dahil ang ingay mo."
"What? E, nakikitambay lang naman ako rito."
Sa halip na sumagot, itinulak na niya palabas ng kaniyang unit ang kaibigan.
"Hindi ko pa nga nauubos ang juice ko e!"
Mabilis siyang bumalik sa sala at kinuha ang baso na nasa center table at ibinigay iyon kay Paulo. "Here! Take this and go. Huwag mo akong isturbuhin at marami akong dapat tapusin na trabaho ngayon."
"Ang sama ng ugali mo."
"Ang ingay." aniya at kaagad na isinarado ang pinto at naglakad pabalik sa kaniyang puwesto kanina. Itinuloy niyang muli ang kaniyang ginagawa.