CHAPTER 3

1241 Words
"SO, HOW'S your work hija?" tanong ni Arnaldo sa anak habang nasa hapag na sila at kumakain. Nasa kabisera ito, ang asawa naman nitong si Magdalena ay nakapuwesto sa kanang bahagi ng lamesa, samantalang magkatabi naman sa kaliwang bahagi ang magkapatid na Sirak at Jefrex. "Okay naman po Papa." sagot ng dalaga. "Actually, kaya po hindi ako makauwi rito ng madalas because I'm busy. In just two weeks, magsisimula na po ang Painting Exhibit na sinalihan ko. I'm preparing kaya marami akong ginagawa ngayon." pagpapaliwanag pa niya. "Kaya nagtatampo na itong si mama sa 'yo dahil mas mahal mo na raw ang pag p-painting mo kaysa sa kaniya." nakangiting saad naman ng binata. Nakangiting umirap naman ang ginang dahil sa sinabi ng kaniyang binatang anak. "Of course, e halos isang buwan ng hindi umuuwi rito itong kapatid mo. Sino ba naman ang hindi magtatampo?" saad nito. "Hayaan mo na mahal ko. Our daughter is doing her dream job kaya suportahan na lang natin." singit naman ni Arnaldo. "Hindi naman sa hindi ako suportado sa kaniya, Arnaldo." anito at saglit na tumigil sa pagkain upang tingnan ang asawa. "I do. I really do. Ang akin lang, sana kahit once a week manlang bisitahin niya ako rito. Kahit saglit lang. Mag Hi manlang siya sa 'kin." nasa tono ng pananalita nito ang labis na pagtatampo para sa anak na dalaga. "Gabi ka lang narito sa bahay. Itong si Jef naman, nasa trabaho rin palagi. Ako lang mag-isa ang naiiwan dito kasama ang mga kasambahay natin. Kaya ang mga amiga ko ang lagi kong iniisturbo. Sinusugod sa mga bahay nila." turan pa nito. "I'm sorry Ma. We're just busy." anang Sirak sa ina. "Don't worry, after nitong exhibit ko ipapasyal kita." "Talaga?" "Saan mo ba gustong mag punta Ma?" tanong naman ng binata. "Kahit saan naman ay okay lang sa 'kin basta kasama ko kayong tatlo." "Alright then... ako na ang bahala roon. Treat ko na." anang Jefrex. "Aasahan ko 'yan! Baka mamaya niyan puro busy na naman kayo." "I promise Ma. Kung maging busy man itong si Sirak, ako mismo ang kukuha sa kaniya sa apartment niya para iuwi siya rito." nakangiti pang saad nito at nilingon ang kapatid. "You don't need to do that kuya. Marunong naman akong tumupad sa promise ko." anang dalaga. "Ayusin lang ninyo 'yang promise ninyo sa mama n'yo. Baka ako na naman ang awayin niyan." "What? E hindi naman kita inaaway a!" magkasalubong ang mga kilay na saad ng ginang sa kaniyang asawa. Natawa naman ng pagak ang Arnaldo. "Remember last week? Ako ang inaaway mo kasi hindi ko mapauwi rito itong dalaga mo." "Miss ko lang kasi itong anak natin." walang ibang nasabi ang ginang. "See?" anang Arnaldo na tiningnan pa ang mga anak. "Ako ang inaaway ng mama ninyo dahil sa pagtatampo niya." "Huwag na kayong magtampo Ma!" anang Jef. "Basta promise ninyo sa 'kin na ipapasyal n'yo ako!" "Promise Ma." saad naman ni Sirak. "By the way, how about our proposal to you hija?" mayamaya ay pag-iiba ng tanong ni Arnaldo sa dalaga. Kaagad na natigil sa pagnguya ang dalaga at napatingin sa ama matapos marinig ang tanong nito. Bahagya pang nangunot ang noo niya. Nakita niyang napatingin sa kaniyang ama ang kaniyang ina. "I mean, we are waiting for your answer hija." dagdag pa nito. Binitawan ni Sirak ang hawak na kubyertos pagkuwa'y kinuha ang baso ng tubig at uminom doon. Lihim pa siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. She knew it. Sinasabi na nga ba niya e! Hindi maaaring hindi mabuksan ang usapang iyon. Muli niyang tiningnan ang inang ngayon ay tahimik at nakayuko lamang habang kumakain. "Ma..." tawag niya rito. Kaagad namang nag angat ng mukha ang Ginang; pero mabilis ding nag-iwas ng tingin sa kaniya. "I-I-" nauutal na tumingin ito sa asawa. Tila nanghihingi ng saklolo. Huminto na rin sa pagkain ang Arnaldo. Dinampot nito ang Napkin na nasa kandungan at pinunasan ang bibig 'tsaka nagsalita. "Hija, we're sorry about this. Alam namin ng mama mo na ayaw mong pag-usapan ang bagay na ito." anito na pinakatitigan ng mataman ang anak. "Exactly Pa! I don't want us to talk about it. Pero lagi n'yo pong binubuksan ang tungkol dito." tila naiinis pang saad niya. "But hija-" "Sinabi ko na po sa inyo una pa lang, hindi pa ako mag-aasawa. Ayoko pang mag-asawa." putol niya sa nais sabihin ng kaniyang ina. "Kuya is here! Bakit hindi po siya ang kulitin ninyo tungkol sa bagay na 'yan?" aniya at binalingan pa ng tingin ang kapatid. Mabilis pa sa alas kuwatrong napalingon din ang binata sa kapatid. Napangiti ito ng malapad. "Woaw! Excuse me! Bakit naman ako nadamay sa usapang pag-aasawa na 'yan?" "Dahil ikaw ang panganay kaya dapat ikaw ang unang mag-asawa. Not me." "Wait a minute little sister." anito at binitawan ang kubyertos na hawak. Bahagya itong humarap sa kapatid. "Base on my knowledge, hindi nakasulat sa batas na kailangang mauunang mag-asawa ang panganay na anak." anito. "And besides, I don't have permanent girlfriend. Mahihirapan akong pumili ng mapapangasawa ko. Marami sila." natawa pa ito ng pagak. Isang buntong-hininga na may kasamang irap ang ginawa ni Sirak sa kaniyang kuya. "But I don't want to get married. Not now. I'm not ready. Hindi ko pa nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin sa buhay. Ni hindi pa nga ako nakakapagpatayo ng sarili kong Paint Studio and-" "That's why your papa offered you a help." mabilis na saad ng Ginang. "Tanggapin mo na ang perang ibinibigay ng papa mo sa 'yo para makapagpatayo ka na ng sarili mong Studio. And after that-" "Sinusuhulan ninyo ako Ma!" mabilis na saad niya sa ina. "Hindi naman sa ganoon hija. Of course gusto lang namin na tumulong ng mama mo. Gusto namin na matupad ang pangarap mong magkaroon ng Studio." "But I want to spend my own money Pa." aniya. Well to be honest, hindi pa sapat ang perang naipon niya mula sa pag p-part time job niya bilang Painter Instructor. Mula sa pagbebenta niya ng maliliit niyang paintings, kaya kailangan niya pang mag-ipon ng malaking pera para maipatayo niya ang pangarap niyang Studio. "If you want to earn money, sa 'kin ka na muna mag trabaho. Kapag sapat na ang ipon mo para maipatayo mo ang Studio mo then you can resign." anang binata. Muling napabuntong-hininga ang dalaga pagkuwa'y dinampot ang baso ng kaniyang tubig. Naisip niya na rin iyon noon; pero ano naman ang gagawin niya sa opisina ng kaniyang kuya kung hindi naman iyon ang trabaho na gusto niyang gawin? Mababagot lamang siya habang nakatutok sa monitor ng computer. Kagaya noong tinanggap niya ang alok na trabaho sa kaniya ng kanilang Papa. "I don't want too, kuya. Boring ang opisina mo." "What?" hindi makapaniwalang tanong nito. "I can't believe you, Sirak. Ikaw lang ata ang babaeng kilala ko na ayaw na ayaw makulong sa isang malinis at mabangong opisina. Mas gusto mo pang mag kulong buong araw sa isang silid na makalat at puro amoy pintura." "Doon ako masaya." uyam na saad niya. "Kaya rin siguro walang nanliligaw sa 'yo kasi amoy pintura ka." pang aasar pa nito. Magkasalubong ang mga kilay na tinapunan muli ng tingin ni Sirak ang kaniyang kuya. "Blah! Blah! Blah! Whatever kuya." "Okay! That's enough. Let's eat." singit ng Arnaldo. Tiningnan pa nito ang asawa bago muling itinuloy ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD