Chapter 6-???????

2073 Words
NAKAUPO SA duyan si Zafierra habang pinagmasdan ang mga magagandang bulaklak na maganda ang pagkabukadkad. Nasa likod ng bahay siya ngayon at nandito rin ang isang bahay na pinangalanan ng Mommy niya noon na Maid Quarter. Dito ang mga kasambahay nila noon natutulog at may tig iisang silid ito at banyo. I MISS YOU MOM DAD. “Maam Zafierra! Maam Zafierra!” Rinig niyang sigaw ng isang kasambahay nila na pamangkin ni Nanay Edeng. Nakiusap kasi ito na sana dito nalang tumira dahil malapit lang ang paaralan kung saan ito pumapasok. Kapalit ng pagtulong nito sa gawaing bahay ay binibigyan niya ito ng allowance, wala pa kasi siyang malaking pera upang pang sahud kung sakaling gagawin niya ito bilang isang katulong. Ang binabayaran lang kasi ni Laurence ay matanda at ang driver tapos kaunting allowance niya tapos grocery every month. Kung tutuusin ang liit lang talaga ng mga binibigay ni Laurence sa kanya, hindi magkasya ang allowance niya ng isang buwan minsan kasi merong mga kulang sa bahay kayat ang kanyang allowance ang binibigay niya upang makabili ng kailangan. “Huwag ka naman sumigaw Jessica, hindi ako bingi.” Pangangaral niya sa dalagita. Nahihiya naman itong tumungo, “Sorry po ma'am, tumawag po kasi si sir Laurence mukhang mainit po ang ulo dahil sinisigawan niya po ako.” Agad naman siyang napatayo sa kinauupuan, “What?! Sinigawan ka ng hayop na'yon!” Hindi niya mapigilang mapasigaw. Na-stress na nga siya sa mag-ina dinagdagan pa palagi ni Laurence tatawag ba naman minsan ng hating gabi na wala namang importanteng sasabihin, “O-opo.” Agad siyang naglakad papasok ng bahay at agad dinampot ang telepono, “Laurence,” “Finally the senyorita, hindi ako magpapadala ng allowance mo this month dahil si Karina ang tatanggap ng allowance mo.” deretsahang wika nito sa kanya. Natigalgal naman siya sa kanyang kinatayuan, “Laurence you can't do that to me! May bayarin ako this month yong kuryente namin, My gosh.” Frustrated niyang ani. “Huwag ka ng maraming reklamo tumawag lang ako para diyan, by the way mama want to sale that mansyon I can't change her mind.” Wika nito at agad namatay ang tawag. “Hello? Hello? Laurence Collin!” Hindi niya mapigilang maiyak dahil sa galit. “Ahhhhhhhh!!!! Fuvk this life!” Inis niyang sigaw at agad na ibinato ang isang lampara na naka desenyo lang malapit sa telepono. “Jusko anak! Anong nangyayare dito?” Nag-alalang tanong ng matanda kay Zaf. Ngunit hindi ito sumagot at tahimik lang na umalis at bumalik doon sa duyan. “Jessica anong nangyari sa ate Zafierra mo?” tanong ng matanda sa pamangkin. “Kausap niya po si Sir Laurence tiya ewan kung ano ang piang-awayan nila bigla bigla nalang po ibinato ni ate ang lampara.” Nalulungkot na wika ni Jessica. Malungkot naman na tumingin ang matanda kung saan lumabas ang babae. Umiiyak na umupo si Zafierra sa duyan dahil sa sama ng loob, paano na-atim ng kanyang kapatid na ang dapat para sa kanya na allowance ay kinuha nito, wala talagang tamang ginawa ang kanyang kapatid kundi kawawain siya. Mom dad kaya ko'to malalagpasan ko'rin ito gabayan niyo po ako dito. Hindi alam ng babae na may mga matang nakamasid sa kanya mula sa isang sulok, isang mga mata na hindi mo mababasa kung ano ang binabalak at iniisip. Ilang minuto pa itong nakatitig sa likuran ng babae at siguro'y nakaramdam na ito ay agad itong umalis upang hindi makita ng babae. Paglibot ng tingin ni Zafierra ay wala naman siyang nakikitang may nakatingin sa kanya pero hindi talaga siya nagkakamali na merong nagmamasid sa kanya. Sino naman kaya yon, baka si nanay nanaman yon at nag-alala kaya patago niya akong tinignan. Bumuntong hininga siya at nagpasyang tumayo na at diligan ang mga halaman, ganito ang ginawa niya tuwing umaga at hapon dinidiligan ang nga bulaklak sa likuran ng mansyon, ayaw pa sanang pumayag ng matanda ngunit nagpumilit siya dahil na bo-bored naman kasi siya rito araw-araw na walang ginagawa. Habang nagdidilig siya ay biglang may tumikhim sa kanyang likuran, “Ay palaka!” Gulat niyang sigaw at agad naibuhos ang tubig na dala sa kanyang katawan. Dahil wala siyang bra at manipis lang din ang kanyang damit ay agad nakita ang kanyang u***g, “Close your eyes! Y-you!” Taranta na wika ni Zafierra sa lalaki na si Raven. Agad namang tumalikod ang lalaki, “Pasensya na maam at nagulat po yata kayo.” Hinging paumanhin ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam pero kinikilabutan talaga siya every time this man called her maam lalo na meron silang nakaraan. Its weird. “A-ayos lang kumuha ka nalang ng towel sabihin mo kay Nanay o di kaya'y kay Jessica.” Ani niya. “Sabihin mo maliligo ako sa pool.” pahabol niyang wika at agad naglakad patungo sa pool at doon lumusong. Baka kasi mag tanong ang matanda kung bakit kailangan niya ng towel. Ilang minuto ang lumipas ay may dalang towel na si Raven at seryoso itong naglalakad patungo sa pool. Hes handsome like before, para siyang hindi tumanda or nag iba man lang ang mukha. Ang laki din ng kanyang katawan na mahalatang inaalagaan ito ng mabuti mukhang sa gym ito naglalagi. Bumuntong hininga siya bago niloblob ang kanyang katawan upang hindi makita ang kanyang hinaharap, "Maam Zaf. Heres your towel.” Itinaas niya lang ang kanyang kamay at naramdaman niyang inilagay doon ng lalaki ang dalang towel, “Thanks, tumalikod ka muna.” mahinahon niyang ani. At ng nakita niyang tumalikod na ito ay mabilis siyang tumayo at itinapis ang towel, mabilis siyang naglakad patungo sa loob ng bahay at mabilis ang lakad na tinungo ang silid, “Anak anyare sayo.” Nag-alalang tanong ng matanda. “Ayos lang po ako Nay!” sigaw niya at agad binilisan ang takbo paakyat. “Anak Zafierra huwag kang tumakbo baka madulas ka!” Narinig niyang sigaw pa ng matanda ngunit hindi niya na iyon sinagot at mabilisang pumasok sa silid. Hinihingal siyang sumandal sa pintuan, God, nakakahiya sa kanya. Agad naman siyang nagtungo sa banyo at naligo nalang din, ilang minuto ang lumipas ay nagsuot na siya ng isang pares na pajama at sinuklay ang buhok bago umupo sa kanyang kama. Ang bigat ng kanyang dibdib ngayon dahil sa nalaman mula kay Laurence nag-alala din siya sa bayarin ng kanilang kuryente last month kasi ay hindi siya binigyan ni Laurence ng pambayad kayat ang kanyang sariling pera ang binayad niya pero kulang padin. Handa na sana siyang humiga ng may kumatok, “Ma'am Zaf! Ma'am Zaf!” mula sa labas ng kanyang pinto. Huminga siya ng malalim dahil imbes gusto niya ng magpahinga ay may bigla nalang kakatok. Mabilis siyang naglakad patungo sa kanyang pinto at pagbukas niya ay bumungad ang mukha ni Jessica na namumula ang dalawang pisngi, “Oh bakit Jes?” Yumuko naman ito bago nagsalita, “Uhm... Kakain na raw po maam,” Ani nito. Tumango siya, “Jes, how many times i told you that you can call me ate,” Mahina niyang ani. Ayaw niya kasing tinatawag siyang maam ng dalagita dahil pakiramdam niya ay sobrang tanda niya na. Tumango naman agad ang dalagita ngunit pansin niyang panay yuko ito at namumula ang dalawang pisngi, “Jes may masakit ba sayo?” Nag-alala niyang tanong. “Ahh- ehhh wala po A-ate.” Kumunot naman ang kanyang noo dahil nakayuko parin ito, “Bakit namumula ang pisngi mo?” Gulat naman itong napahawak sa mukha, “H-ha? Pula?” kinakabahan nitong wika. Tumango siya, “Yes, pulang-pula ano ba kasi ang nangyari?” Nahihiya naman itong napayuko, “K-kasi ate uhm.. Huwag mo sabihin kay Tiya Edeng ha,” Panigurado nito. Agad naman siyang tumango, “Bakit nga?” “Uhmm... Nabunggo ko kasi si uhmmm...” putol nanaman nitong sambit. “Sino nga Jes? Huwag mo namang putulin ang pagsasalita mo.” Medyo may pagka-maldita niyang ani. “Si Raven po, na untog po ako sa kanya at feel ko ang abs at dibdib niya ate, sobrang tigas mukhang marami rin siyang pandesal.” Kinikilig nitong kwento sa kanya. Hindi naman maipinta ang kanyang mukha dahil sa nalaman, “Umayos ka Jes, nag-aaral ka palang alam mong hindi ka'pa tapos ng highschool.” Pangangaral niya. Totoo naman kasi, nag-aaral pa ang dalagita at alam na nito paani magkagusto at tsaka kay Raven pa. Habang naglalakad sila pababa ay hindi niya mapigilan na mangasim ang kanyang mukha sa isipan na nakikipagtalik ang lalaki kay Jessica. Para bang hindi nito matanggap. “Oh anak, halika na sa hapag at nakahanda na ang hapunan.” Ani ng matanda ng namataan siyang kaka-baba lang. Tumango lang siya at agad na naglakad patungo sa kusina, sanay na siyang kasama ang tatlo na kumakain. Umupo siya sa kanyang puwesto at kaharap niya si Raven na tahimik lang na tumitingin sa mga pagkain. Nahihiya siya sa mga ito dahil simpleng pagkain lang ang nakalatag sa lamesa bukod sa paborito niyang pritong galong-gong ay isang pakbit naman na gulay. Sanay na siya sa pagkain at pasalamat nalang din siya dahil wala namang reklamo ang mga ito. Kumakain naman ito kung ano ang nakahain. Habang kumakain sila ay nagsalita ang magandang si Edeng, “Anak magpaalam muna sana ako na uuwi sa baryo at tsaka pati na'rin si Jessica dahil na mi-miss na raw ito ng ina.” Ani nito. Hindi naman siya pwedeng umangal at tsaka alam niya naman paano magluto kahit na simple lang, “Ilang linggo po kayo doon nay?” Malungkot itong tumingin sa kanya, “Baka pwedeng tatlong linggo anak, may aasikasuhin din sana ako don, naalala mo yong binanggit kong lupa na ibenenta ko? May nakabili na kasi at kailangan kong asikasuhin yon.” Ani nito. Tumango naman siya, "Its okay nay, ikaw Jes ilang linggo ka?” Nahiya naman itong tumingin sa kanya, “Ate baka pwedeng sabay din kami ni Tiya, alagaan ko muna si nanay nagkasakit nanaman po kasi.” Tumingin siya sa dalagita na may nag-alalang mga mata, "Its okay Jes, alagaan mo ang ina mo ang importante ay ang kalagayan ng mama mo.” ani niya. “Salamat anak, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka.” Habilin sa kanya ng matanda. Tumango siya, "Yes nay, kailan ang alis niyo?” pagtatanong niya. “Baka bukas ng umaga anak para gabi kami makarating sa davao.” Taga Davao city kasi ang matanda at ang dalagitang si Jessica. Tumango na lamang siya at pinagpatuloy ang pagkain, “Iho dito ka lang naman diba? Hindi ka naman aalis?” biglang tanong ng matanda kay Raven. Huminto mula sa pagsubo ang lalaki at tinignan ang matanda, "Yes po nay, dito lang naman ako at tsaka hindi pwedeng walang kasama si maam Zafierra dito.” Magalang na wika ng lalaki at pinagpatuloy ang pagkain. Nang natapos na nga siya ay agad niyang iniligpit ang kanyang pinagkainan, nakasanayan na'rin niya kasi ito kahit pa noong buhay pa ang kanyang mga magulang. "Anak sabi ko naman sayo na ako na ang bahalang magligpit ng mga pinagkainan.” sita sa kanya nga matanda. Tinignan niya ito, "It's okay nay, alam mo naman na sanay akong magligpit sa pinagkainan ko.” Ani niya. Matapos niyang hugasan ang ginamit na plato ay mabilis din siyang umakyat sa kanyang kwarto at ni-lock iyon. Tumambay muna siya saglit sa kanyang balkonahe para magpahangin at makapag pahinga dahil busog siya. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto ng namataan niya ang lalaki na si Raven nakaupo ito sa isang silya kaharap sa pool, tahimik lang itong naninigarilyo at parang may iniinom na something sa bote. Uminom ba ito ng alak? Ilang minuto niyang tinitigan ang likuran ng lalaki at nagpasyang pumasok na sa silid upang makapag pahinga. --------------- RAVEN KNEW That Zafierra was watching him from her balcony, but he pretended not to notice. At baka mailang nanaman sa kanya ang babae hirap na nga siyang lapitan ito tapos tatakutin niya pa. Nang naramdaman niyang bumalik na sa kwarto ang babae ay siya naman ang tumingin sa balkonahe nito. Dito siya namamalagi upang bantayan ang babae minsan pa nga na hindi niya mapigilan ay inaakyat niya ito at tinitigan kung maayos ba ang tulog, it's creepy and weird but he enjoyed it. I will protect you Zaf. No matter what happened kahit pa gilitan ko ng leeg ang lalaking yon ay gagawin ko para sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD