Chapter 5-???????????

1358 Words
Kanina pa tapos ang libing pero kahit isa ay walang tumulong luha sa mga mata ni Zafierra at kanina pa masama ang tingin ni Josephine sa kanya na para na siyang kainin ng buhay. Pinagtitinginan na kasi siya ng mga tao dahil sa pamilya siya lang ang hindi umiyak. Hindi naman siguro ako pagagalitan nila mama di'ba at tsaka required ba talagang umiyak kapag may pumanaw sa pamilya? "Maam uuwi na'po ba tayo?" Biglang pagsasalita ng driver sa kanyang tabi. Ewan ba niya kanina pa ito nasa tabi niya para bang prinotektahan siya laban sa sino mang magtangkang saktan siya ramdam kasi niya ang tensyon sa lahat. Medyo kaunti nalang ang bisita dahil kanina pa tapos ang libing at ngayon kasalukuyan silang nag snack sa tabi ng pansyon. Ganito kasi ang patakaran ng mga catholic pagkatapos ng libing dapat may pa snack kayo sa mga taong dumalo. "Yes," "Sa surigao po'ba o doon sa uptown?" Tanong ulit ni Raven. Uptown kasi ang tawag ng karamihan sa lugar kung saan ang bahay nila sa Xavier. "Sa uptown muna baka bukas o ilang linggo pa tayo dito kakausapin ko lang si laurence." Sagot niya, kahit naiilang siya dahil ang kausap niya ay ang lalaking nakakuha ng virginity niya at pilit niyang wina-waksi sa isipan upang maging maayos ang kanilang komunikasyon. Hindi na ulit nagtanong si Raven kay Zafierra na ipinagpasalamat naman ng babae, "Anak uwi na tayo?" Tanong sa kanya ni Nanay Edeng. "Yes nay, kakausapin ko din si laurence na dito na muna tayo sa Cagayan total wala naman akong gagawin doon sa mansyon niya, magiging bored lang ako don at tsaka iwas kita na'rin sa pagmumukha ni Karina doon dahil paniguradong para yong linta na dikit ng dikit sa asawa ko." Mahabang wika niya. Tumango lang ang matanda at agad na sininyasan si Raven na mauna na sa sasakyan, mabilis naman na sumunod ang driver habang ang matanda ay tinitignan ang likuran ng babaeng si Zafierra dahil naawa na ito sa kalagayan ng babae wala kasi itong kawala sa mga taong magpapahamak lang nito. Ilang minuto ng nag-aya na itong umuwi, umalis na kasi ang mga bisita pati na'rin ang step-mother nito. "Iho alis na tayo." ani ng matanda ng matapos silang maupo. Tumingin lang si Raven sa review mirror at tumango dahan-dahan lang ang kanyang pag maneho. Hindi naman umabot ng isang oras ay nakarating na sila sa bahay at pumarada sa harapan dahil puno ito sa ibang sasakyan ang garahe. "Bakit ba ang tagal niyo!" biglang may sumigaw at nakita ni Zafierra ang kanyang step-mother kuno na halata namang mas maganda itong tawaging tita dahil kapatid ito ng kanyang ina. Kasunod nito ay ang nakataas na kilay ni Karina na halatang ipinagmalaking nag tagumpay ito sa mga plano. Palihim na umirap si Zafierra dahil mukhang stress ang aabutin niya sa mag-inang ito. "Bakit Ma? Wala naman akong gagawin dito sa bahay bakit ba gusto mong makauwi agad ako?" Pang ba-bara ni Zaf. Imbes na isang sagot ang sasabihin ng kanyang ina ay gulat nalang siyang napatingin rito. "Why did you slap me! Wala kang karapatan na sampalin ako!" Namumula na sigaw niya kay Josephine. Isang sampal ang natanggap niya mula kay Karina na nakangisi na ngayon, "Don't you dare shout in front of my mom! You b!tch!" Sigaw nito sa kanya ni Karina at sasampalin na naman sana siya ng inunahan niya ito ng 360 degree na sampal kung hindi pa ito nahawakan ng ina ay paniguradong sa sahig ito pupulutin. "Ang kapal ng mukha mo na sampalin ang anak ko! Pwes magdusa ka this mansyon will be on sale! Ibebenta ko ito sa ayaw at gusto mo!" Sigaw ni Josephine kay Zaf. Gulat naman na napa-atras si Zafierra dahil sa narinig mula sa ina, "Ma you can't do that! iniwan ito ni Daddy para sakin kaya hindi mo ito pwedeng ibenta!" Frustrated na sigaw ni Zaf. Ngunit isang nakakalokong ngiti lamang ang ibinigay ng ginang sa kanya, "Remember I'm his wife so i can sale this house, you cant do anything anyway." Matapos nitong sabihin ay umirap ito sa kanya at pumasok sa bahay. Nanghihinang napa-upo sa sahig si Zaf at umiyak, "N-nay bakit ba naranasan ko ang mga ito?" Umiiyak nitong tanong sa matanda na nakayakap sa kanya mula sa likuran. "Shhh.... Tahan na anak," Ani lang ng matanda habang i Raven naman ay tahimik na nagmamasid sa babae. Agad itong umalis at nagpunta sa kanyang sariling silid sa Worker house na nasa likurang bahagi ng mansyon isa itong malaking bahay rin at maraming mga silid para sa mga kasambahay at driver noon. Tahimik na nakaupo lang si Zafierra sa kanyang silid at iniisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin upang pakiusapan ang mama niya na hindi ibenta ang mansyon Zamora. Dito siya lumaki at dito niya naka-piling ang ina hanggang sa lumaki siya kaya masakit sa parte niya na ibenta lang ito ni Josephine. Naibaling niya ang kanyang mukha sa pintuan ng bumukas ito at nabungaran niya ang pagmumukha ni Josephine, “Ma.” Tumaas ang kilay nito ng lumapit sakanya, “Ano? Maging bait-baitan ka para magbago ang isip ko? Manigas ka Zafierra binigyan na kita ng maraming pagkakataon na magpakabait sakin pero ano ang ginawa mo? Mas nag re-rebelde ka sakin at ngayon na wala na ang magaling mong ama magdusa ka!” Galit na sigaw nito sa kanya. Agad nitong sinampal si Zafierra at hindi pa nakuntento hinila pa nito ang buhok niya pababa kaya napatingala siya dahil sa ginawa ng ginang, “Huwag mo akong kalabanin Zafierra dahil hindi mo ako kaya, at sa pagiging asawa mo ni Laurence? HAHAHA, Pumayag lang naman yon dahil sa naging alok ni Zandro.” Bulong nito sakanya. “Kaya wala kang pagpipilian at sumunod nalang za mga gusto ko, pagkatapos kung maibenta ang bahay na ito, isusunod ko ang lupa ng ina mo.” Wika nito at padarag siyang binitawan kayat napasalampak siya sa sahig. Wala siyang magagawa dahil tama ito wala siyang kawala, P-pero pwede akong makipag divorce kay Laurence para makawala sa poder nila. “Makikipag divorce ako kay Laurence t-tama.” Bulong niya na narinig agad ng ina. “Then do it! Akala mo naman papayag si Laurence never!” Sigaw nito sa pagmumukha niya. Hindi alam kung ano nga ba ang nagawa niya kung bakit humantong sa ganito ang kanyang buhay wala naman siyang ginawang masama upang ganituhin. Pagkatapos siyang sapakin ulit ng step-mother niya ay agad itong umalis, ilang sandali naman ay may pumasok hindi niya ito tinignan pa dahil sa amoy palang ay alam niya na kung sino ito. “Sabi ni Nanay Edeng may kailangan ka daw na sabihin sakin.” Tumingin siya rito, “I want a divorce, i want to be free kahit pa wala akong pera.” mahinang saad niya sa lalaki. Ilang sandali lang ay hindi ito umimik, ang akala niya ay sumang-ayon ito sakanya ngunit agad siyang napasigaw ng mahigpit nitong hinawakan ang kanyang panga. “Don't get your hopes up, Zafierra. I'm not done with your wealth yet. Divorce? You must be joking. Aren't you happy that you're under my control and have become my wife? Hindi ba't ito naman ang gusto mo sa una palang?” Mapanuyang saad ni Laurence kay Zaf. Naiiyak na tinitigan ni Zafierra ang mata ni Laurence, “Then can i stay here? Hanggat hindi pa naibenta ni mama ang mansyon na ito, alam mong dito ako lumaki kaya't mahirap sa'kin na ibenta ang bahay, don't worry hindi naman ako lalayas at mas lalong hindi ko ipag-kalat na asawa mo ako.” Mahinang wika niya. Dahan-dahan na binitawan ni Laurence ang kanyang panga bago tumayo ng tuwid, “Sasabihin ko kay mama na dito ka nalang at mas mabuting huwag kanang bumalik pa sa mansyon ko sa Surigao.” Huling saad nito at agad na lumabas sa kanyang silid. Naghahapong napa-upo si Zafierra sa kanyang kama habang umiiyak, “Hindi talaga ako makaalis sa poder nila.” Bulong niya sa kanyang sarili at tumingin nalang sa kisame. Mommy, Daddy sisiguraduhin kong hindi nila ito ibebenta kahit pa saktan nila ako ng paulit-ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD