KANINA PA Nakaalis ang matanda at ang pamangkin nitong si Jessica pero si Zafierra ay nakatingin parin sa gate kung saan lumabas ang dalawa. Nahihiya kasi siyang bumaba lalo na silang dalawa lang ni Raven hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang lalaki.
Mula sa balkonahe sa ikalawang palapag ay nagpasya nalang siya na bumaba upang makapag luto ng umagahan, sinita niya kasi kanina ang matanda na magluluto pa sana eh kailangan nitong umalis ng umaga at baka ma traffic nanaman sila patungo sa terminal ng mga bus na nasa city pa. Sinabihan pa nga niya ito na ihatid sila ni Raven pero hindi ito pumayag sayang gasolina lang daw yon, kaya nag taxi ang dalawa.
Hindi pa man siya nakapasok sa kusina ay nakarinig na siya ng pagbukas ng kanilang stove kaya napakunot-noo siya at mabilis na pumasok doon niya nakita ang isang lalaki na naka suot ng kulay pink apron. Natatawa siyang pinagmasdan ang lalaki habang busy ito sa kung ano ang ginagawa sa stove.
"Don't hold it Zaf. Baka ma-utot ka'pa diyan.”
Napa-tikhim naman siya dahil alam pala nitong andito lang siya sa likuran nito, "W-what are you doing?” kunwari kuryoso niyang tanong.
“What do you think? Can't you see? Hindi ko naman siguro hinahalikan ang stove na ito di'ba?”
Napalunok naman siya dahil sa narinig mula sa lalaki, “D-diyan kana nga, kung ano-ano nanaman ang pinagsasabi mo ang weirdo mo.” Wika niya at agad na lumabas ng kusina. Manunuod nalang siya ng t.v at baka mabawasan ang kanyang kaba mula sa lalaki. Hindi paman siya nakakaupo ng biglang—
“Miss Zafierra!”
Mabilis niyang naibaling ang tingin patungo sa kusina dahil sa sigaw ng lalaki. Ano nanaman kaya ang kailangan no'n.
“Miss Zafierra!” Ulit nitong tawag sa kanya.
Bumuntong hininga siya bago naglakad pabalik sa kusina, "Why? What do you want? Huwag ka ngang nagsisigaw Raven.” Pagsita niya sa lalaki na nakatalikod parin sa kanya.
“Can you arranged the table please, nagugutom na kasi ako.” Pakiusap ng lalaki habang para itong may hinahalo sa frying pan.
“K.” Agad niyang ginawa ang pakiusap ng lalaki, naglagay siya ng placemat bago nilapag ang pinggan at kobyertos sa mesa, "What do you want to drink? Orange juice or water?” tanong niya rito at naglakad patungo sa ref upang kunin ang pitcher na may lamang juice at tubig.
“Water please,”
Wala siyang sinagot pero agad niyang sinalinan ang baso nito ng tubig habang siya ay juice, nakasanayan niya na tuwing kumakain ay juice ang pan-tulak niya minsan lang siya nag tubig kapag nasa labas kumain.
Ilang minuto ay inilapag na ni Raven ang niluto nitong sinangag na kanin at hotdog meron ding luncheon meet na paborito niya. “Thank you.”
Tumango lang sa kanya si Raven at tahimik din itong kumain. Mula sa tahimik hanggang sa naging awkward na ito sa kanya. Wala kasing sinong nagsalita at puro tunog lang ng pinggan nila ang naririnig, pakiramdam na nga niya ay may cricket na tumunog.
Kahit gusto niya pang kumain ay tinapos niya na ito, hindi niya kasi kaya ang atmosphere nilang dalawa sa kusina. “Tapos kana?”
Mabilis niyang naibaling sa lalaki ang paningin, “Y-yes, uhm... Bakit?” Ramdam niyang nag huhumerantado ang kanyang dibdib habang hinihintay ang sagot ng lalaki.
“Nothing.” Malamig nitong wika sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mata ng marinig ang lamig ng boses nang lalaki, “O-okay.” Mabilis niyang hinugasan ang kanyang pinagkainan at umakyat sa kanyang silid. Kung pwede lang ay magkulong nalang siya sa kanyang silid ay gagawin niya pero na bo-bored naman kasi siya lalo na wala namang magandang gawin sa kanyang silid.
Habang nasa silid siya ay biglang tumunog ang kanyang selpon at pagsilip niya ay kinabahan agad siya, isa kasi itong trabahante ng kuryente kung saan siya nagbabayad, tumatawag lang kasi ito kapag pwede ng bayaran ang water bill.
“Hello.” Pormal niyang pagbati.
“Goodmorning miss Zamora, sasabihin ko lang sana sayo na pwede mo ng bayaran ang water bill dahil mapuputulan ho, kayo kung hindi kompleto.” Ani nito sa magalang na paraan.
Kumunot ang kanyang noo, “Ha? Maputulan hindi ba't nagbayad kami last month?” Takang tanong niya.
Laurence told her that the water bill is fully paid yong kuryente nalang ang kulang. Imposible naman kasi na magsisinungaling ang lalaki lalo na importante ang tubig.
Narinig niyang bumuntong hininga ang babae mula sa kabilang linya,
“Hindi niyo po na bayaran ang last month bill miss,” ani nito.
Gusto niyang sigawan ang babae pero alam naman niyang wala itong kinalaman sa nangyari at tsaka isang trabahante lang din ito. “Ahh miss kailan ang due date?” tanong niya.
“Sa susunod na araw po, dapat po ay bayaran niyo ito ng buo miss kasi kapag hindi ay puputulin nila ang linya.”
Naghahapong napasandal siya sa railings ng kanyang balkonahe,
“Ah s-sige.” Agad niyang pinutol ang tawag at mabigat na huminga.
Ang sikip nanaman ng dibdib niya, meron nga siyang ina-inahan pero minaltrato naman siya, meron nga siyang so called asawa pero wala namang pakialam sa kanya.
God i can't take it anymore.
--------------
RAVEN CALLED his best buddy habang nakatayo sa garden at nakahawak sa selpon na nasa kabilang tainga niya.
“Bro,”
Huminga siya ng malalim, "Bro, natapos muna bang asikasuhin ang pinapagawa ko?” tanong niya sa kaibigan na lawyer na si Tristan.
"Yeah, don't worry papunta na ang personal trustee nila, nakausap ko'na rin yon at sinabihan ko'na rin yon na mag-ingat sa mga sasabihin.”
"Thanks bro, kumusta ang kompanya?” tanong niya. Ito ang inatasan niya temporary na magiging boss dahil nga sa sitwasyon niya, ang mga papeles lang ay siya ang gumagawa at ibang mga investor na naka-meeting niya via video call.
“Maayos naman bro, sana lang ay makauwi ka rito at personal na ipatakbo ang sarili mong kompanya at tsaka please replace your secretary and the woman in lobby na bwebwesit ako sa kanila.” Reklamo nito.
"Yes gagawin ko yan bro, pero huwag muna ngayon alam mo ang sitwasyon ko.” Wika niya.
Tumawa naman ito ng mahina,
“Ano naka score kana ba sa babae mo?” Kuryuso nitong ani, pero ramdam niyang nakangisi ito ng nakakaloko kahit pa hindi niya nakikita ito sa screen ng kanyang selpon.
"Shut it Tris, baka gusto mong hindi ko ibibigay ang isang property ko.“ banta niya. Agad naman niya itong narinig na parang nabilaukan, "Good your dying Tris.” wika niya at sinundan ito ng tawa.
“Let's catch up this weekend bro,”
Hindi niya pwedeng iwanan ang babae lalo na silang dalawa lang ngayon, “I'm a bit tied up this following weekend Tris,” Pag ra-rason niya.
“Tss, ayaw mo lang iwanan ang babae mo diyan,” Ani nito sa kanya.
“Shut up.” Biro niyang ani sa kaibigan na tinawanan lang din siya.
“Raven? Raven! Help!” Sigaw mula sa loob ng bahay kaya wala siyang sinayang na oras at agad na tumakbo papasok sa bahay at iniwan ang kanyang selpon sa lamesa habang naka-connect parin ito sa kaibigan.
“Zafierra what happened?” Kunot-noo niyang tanong ng nakita itong nakapatong sa sofa habang may bitbit na unan at isang tsinelas.
“Uhmm.. there is a....” Kinakabahan nitong wika at inilibot ang paningin na para bang may hinahanap ito sa sahig.
"A? What?” Lito niyang tanong.
“A C-coackroach!” Frustrated nitong sigaw sakin.
Huminga nalang ako ng malalim at agad na tinignan ang sahig upang hanapin ang sinasabi nitong ipis, sasabihin ko'na sana na wala naman ng bigla kong namataan ang isang ipis na patungo sa paanan nito. “Stay, don't fuvking move baka lilipad ang ipis.” Mahinahon kung wika.
“Ahhhhhhhhh!!!!” Agad na sigaw nito at mabilis na tumakbo patungo sakin at yumakap sakin paharap. Gulat akong nanigas sa kinatatayuan ko, lunok ako ng lunok dahil sa kakaibang posisyon naming dalawa.
“I-i—”
“P-please, please don't fuvking put me down may ipis!” Sigaw nito habang ang mukha ay nakalok-lok sa dibdib ko.
Mahinang natawa si Raven dahil sa inasta ng babae, hinawakan niya ang bewang ni Zafierra upang hindi ito mahulog bago niya kinuha ang isang tsinelas at pinatay ang ipis. “Done,”
Pero hindi parin ito umalis sa kanya kaya naglakad nalang siya patungo sa garden upang doon ito ilapag, ilang sandali ay pinaupo nga niya ito sa sementadong upuan, "Umupo ka diyan kukuha lang ako ng tubig.” ani niya at iniwan ang babae.
Pumasok siya sa bahay at tinungo ang kusina upang kumuha ng tubig para sa babae at ng pabalik na siya ay biglang may nag doorbell kaya huminto muna siya sa sala at inilapag ang tubig bago lumabas sa bahay upang matignan kung sino ang dumating.
“Good morning sir andito po'ba si miss Zamora?” tanong sa kanya ng lalaki. Isang matandang lalaki habang may dala itong folder naka eyeglasses din ito, medyo matangkad at payat.
“Yes sir, Come in.” ani niya at agad na nilakihan ang gate upang makapasok ito.
Sumunod sa kanya ang matanda patungo sa garden, "Ma'am Zafierra may naghahanap po sainyo.” Tawag pansin niya sa babae na nakaupo habang nagmamasid sa mga bulaklak. Mabilis naman itong bumaling sa kanya at huminto saglit ngunit ramdam niyang lumampas ito sa kasunod niyang matandang lalaki.
"Uncle Thomas?!” Hindi makapaniwala na sambit ng babae at agad na napatayo upang lumapit sa kanilang dalawa.
“Iha,”
"Uncle kumusta po kayo?” Tanong ng babae sa matanda. Tahimik lang na nagmasid si Raven habang nakaharap sa dalawa na nag kumustahan.
“I'm good iha, andito pala ako para dito.” Wika nito at inilahad ang isang folder.
Mabilis na napakunot ang noo ng babae dahil sa inilahad nitong folder, "What's this Uncle?” Takang tanong ng babae.
“Opened it iha.”
Mabilis naman na sinunod ni Zafierra ang sinabi ng matanda, kitang kita ni Raven kung paano nag-iba ang mukha ng dalaga. Gulat na gulat itong muling bumaling sa abogado na si Thomas.
“A-ano po ito Uncle?” Naguguluhan na tanong nito sa matanda. Tahimik lang na nagmasid si Raven at pinagmasdan ang emosyon ng babae.
“That's the last money, your father give to me to keep for you, kung sakaling kailangan mo ng pera.” Mahinang wika ng matanda.
“D-daddy?” utal nitong wika.
Tumango lang ang matanda upang kumpirmahin, "Huling kita namin iha ay malusog pa si Zandro nagulat nalang ako ng ibinalita sakin na pumanaw na pala siya.”
Malungkot naman na tumungo si Zaf. “Thank you for keeping this huge money uncle malaking tulong po ito para sakin.” magalang na ani ng babae.
Ilang minuto lang ang tinagal ng matanda dahil may kailangan pa itong gawin, ang ibinilin lang nito ay huwag sabihin sa ina-inahan ng babae na may pera si Zaf na sinang-ayunan naman agad nilang dalawa.
Mapapansin mong masaya si Zafierra kaya't palihim siyang ngumiti, Thanks god at ngumiti na'rin siya.