Chapter 4- Last day of Wake

1106 Words
Ito ang huling lamay ng ama ni Zafierra kaya nag dagsaan ang mga bisita lalo na iyong mga kaibigan nito sa negosyo , "Condolence iha, ang bata pa ni Zandro para mawala sa mundo pero wala naman tayon magagawa ganon talaga ang buhay may dadating may mawawala." Malungkot na saad ng isang ginang na sosyal-in pero mabait naman. Tumango lang si Zafierra upang ipahatid sa matanda na nagpapasalamat siya sa pagdalaw nito sa huling lamay ng kanyang ama. Sobrang busy na nila lalo na tuwing gabi dahil siguro mga busy ito sa umaga kaya gabi pumunta. Nakaupo lang siya sa isang silya na malapit sa kabaong ng kanyang ama. Thank you for being with me dad kahit na minsan ay hindi ko mapigilan ang bunganga ko at mapag-salitaan kita ng masama. I love you dad pakisabi kay Mommy miss ko'na siya. “Anak kumain kana, doon tayo sa kwarto mo kakain.” Wika ng matandang si Edeng. Tumingin naman si Zaf sa matanda na nakitaan niya ng nakikiusap na mga mata, huminga siya ng malalim bago tumayo ilang araw na kasi siyang walang tamang kain kaya't ganito nalang ito mag-alala. “Sige po Nay,” sang-ayon ni Zafierra bago tumayo. Sabay silang naglakad patungo sa kanyang silid ng nakita niya ang kanyang kapatid na masayang nakikipag-usap sa mga matatanda. Nababaliw na talaga siya dahil kahit nasa lamay ay ang sariling hambog lang ang inu-una. “Ate!” Biglang tawag nito kay Zaf. Agad siyang bumaling sa kanyang kapatid at nakita niyang nakakunot ang noo ng kausap nito na parang na intriga ng tawagin siya ni Karina. “Karina.” Ani niya sa kapatid. Agad siyang lumapit sa tatlong nag-uusap baka akalain wala siyang modo. “Bakit Karina may problema ba?” Tanong niya kunwari concern ako sa impakta na'to. “Ah eh wala naman ate, ito po pala si Tita Annabel at Tita Mayeth.” Pakilala ni Karina sa kanya. Ano naman ang pakialam ko sakanila? Pumunta lang naman yan upang makibalita kung ano ang ganap ng pamilyang Zamora. I always wonder if kalaban ko'ba sila o hindi. Last time kasi noong Lamay din ni Mommy nandito rin ang dalawa at narinig ko'pa na sinisiraan nila si Mommy kahit pa patay na nga ang tao ay ganyan parin ang inaasal nila. Kunwari malungkot siyang tumingin sa dalawang matatanda na ngayon nakatingin sa kanya na mapanghusga, “Tita sorry po at hindi ko'na kayo na entertain kanina, nag snack na'po ba kayo? Hali po kayo at sasamahan ko kayo sa kusina.” magalang na ani ni Zafierra sa dalawang matanda. “Okay lang iha, si Karina nalang ang sasamahan namin,” halos sabay na sagot ng matanda. Palihim naman na napa-irap si Zafierra dahil sa ka artehan ng dalawang matanda, “Okay sige po, mauna na'po ako sainyo at kailangan ko pang kumain.” magalang niyang paalam sa mga ito. Nakita naman niya si Nanay Edeng na naghintay pala sa kanya sa may hagdanan. "Anak anong sadya nila anak? Hindi ka naman nila ininsulto di'ba?" Nag-alalang tanong ng matanda kay Zaf. Umiling ang babae upang sabihin sa matanda na ayos lang siya, "Nay I'm okay wala po silang magagawa sakin na ikinasama nila." Napahinga naman ng malalim ang matanda na para bang nabunutan ito ng tinik mula sa katawan. "Nay bakit ba alalang-alala kayo ng lumapit ako sakanila?" Pagtatanong ni Zafierra sa matanda habang umaakyat sila patungo sa kanyang silid. Sa pang ikatlong pagkakataon ay bumuntong hininga nanaman ang matanda bago ito sumagot. "Naalala ko kasi na kaaway yan ng mommy mo, palagi nilang ininsulto ang mommy mo anak. Alam ko yon dahil ako din ang palaging nakakasama ng mama mo noong bagong pakasal palang sila ng Daddy mo." Malungkot na ani ng matanda sa dalaga. Nakakunot naman ang noo ni Zafierra dahil hindi maiintindihan ang pinagsasabi ng matanda, "Nay what are you talking about? imposible po na magagalaw nila si mommy." Malungkot na tumingin ang matanda sa kanya, "Nagsasabi ako ng totoo anak, ang narinig ko noon ng magsagutan ang mommy mo at ang tita Josephine mo ay hindi dapat ang mommy mo ang maipakasal kay Zandro kundi si Josephine ngunit pinagpilitan ng lola mo ang kagustuhan na si Josefea ang dapat ipakasal kay Zandro. Anak magulo ang sitwasyon ng mommy mo noon at noong nalaman nga ni Josephine na hindi siya ang maipakasal sa lalaki ay agad itong naglayas at noong namatay ang mommy mo palang ito nagpakita ulit. anak hindi ako sigurado kung ano nga'ba ang totoong pakay niya ngayon." Mahabang paliwanag ng matanda. "Tapos ano po ang connection ng mga matandang yon sa nangyari kay mommy?" Naguguluhan niyang tanong sa matanda. "Kakampi sila ni Josephine dahil nga pakiramdam nila ay mas paborito ng lola mo ang mommy josefea mo." Tumango-tango naman siya dahil sa nalaman, mukhang marami nga din siyang kalaban ngayon. Ang tanong paano niya ito mapapantayan kung wala siyang malakas na kapit at sa sitwasyon niya ngayon ay mukhang magiging sunod-sunuran nalang siya. Kung hihingi naman siya ng divorce kay Laurence ay imposible dahil alam nyang hindi papayag ang bruhang step-mother niya kahit na alam nitong mahal ng anak nito ang napapangasawa niya ay hindi parin siya papakawalan. Pagpasok nila sa silid ay akala niya siya lang at ang kasamang matanda ngunit nabungaran niya ang isang bulto ng lalaki, Raven. "Iho kain ka'pa ng marami hindi rin naman yan mauubos ni Zaf." wika ng matanda. "Anak halika na kumain kana ang huling kain mo ay kaninang umaga pa iyon." Pagtawag sakanya n matanda. Tahimik lang siyang umupo sa harapan ni Raven t ramdam niya ang kamay na nanginginig habang nagsasadok ng pagkain, "Ito po maam masarap po ito." Rinig niyang ani ng lalaki. Para siyang maduduwal mula sa kanyang upuan at hindi mapakali dahil sa sinabi ng lalaki. Pwede naman kasing tumahimik nalang kitang naiilang ako eh. Napangiti ng hilaw si Zaf dahil sa biglaan pagkausap ng lalaki sa kanya. "S-sige." Kumuha naman ng ulam si Zafierra na itinuro ng lalaki kanina at hindi maintindihan kung bakit niya sinunod ang sinabi ng driver. "Nay kumain kana din po." Ani niya sa matanda ngunit ilang minuto ang lumipas ng hindi parin ito sumagot kayat agad siyang napatingin sa matanda at nakita itong tulog sa kanyang maliit na sofa a humihilik pa. "Mukhang pagod si nanay," bulong niya. "Long time no see, kasal kana pala." ani ng lalaki na napahinto sa kanya. Tatayo na sana siya upang puntahan ang matanda ngunit natigil ito ng nagsalita ang lalaki. "Yes, why?" Maang niyang ani at pasikretong nag dasal na sana lamunin nalang siya ng sahig hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD