ZAFIERRA went out to her room and wanted to go downstairs upang itanong sa asawa kung maaari hindi siya sasabay sa kotse nito lalo na andito ang kanyang kapatid. Pero hindi paman siya nakarating sa ibaba ay narinig na niya ang sigaw ng kanyang kapatid.
"Babe! I dont want her to go with us! Pwede naman natin siyang ipa-hiwalay ng sasakyan di'ba?!" Malakas na sigaw ng kanyang kapatid.
Same as you b***h! Hindi ko din matanggap na nasa iisang kotse tayo at baka masapak pa kita.
"Fine, fine wait tatawagan ko lang ang bagong hired at baka nakarating na siya." Pagtatapos ni Laurence a usapan ni karina.
"Hello Raven nakarating kana sa daungan?"
"Oh yes, yes, I need your help right now."
"Okay I'll wait." Rinig ni Zaf mula sa asawa
Agad bumalik sa itaas si Zaf dahil atleast alam niya ng hindi nito makakasama sa iisang kotse ang kapatid. Hindi ko talaga kayang makasama ang malanding babaeng yon.
Isang oras ang lumipas ng nakarinig ng tunog si Zaf mula sa labas kaya mabilis siyang bumaba sa sala upang makausap si Laurence na sana mauuna silang umalis total kasama naman niya ang bagong driver at ang matandang si Edeng. Pagkababa niya ay agad niyang narinig ang mga boses na nagtawanan .
"So that's your role here Raven salamat at nakarating ka ngayon dahil kailangan na kailangan talaga kita sa mga oras na ito."
So Raven ang pangalan ng driver ko. Nice name.
"Lau!" Tawag pansin niya sa asawa na agad naman itong bumaling sa kanya.
"What?" Walang gana nitong sagot sa kanya.
Isang pekeng ngiti ang kanyang ginawa, " Pwede bang mauna akong umalis ngayon total kasama ko naman si Nanay Edeng"
"Ikaw ang bahala Zaf malaki kana besides andito na'rin ang personal driver mo." Walang pakialam na wika ni Laurence sakanya.
He's so insensitive. He didn't even bother to ask how I'm feeling after my father's death.
Walang lingon-lingon na umalis siya sa harapan ng asawa at bumalik sa silid upang kunin ang maleta, "Nanay let's go mauuna tayong umalis." Wika ni Zaf sa matanda na nakaupo lang sa isang kahoy na silya niya sa computer table.
Tahimik naman na sumunod sa kanya ang matanda pagdating nila sa ibaba ay nakita niya ang kanyang kapatid na nakataas ang kilay habang nakamasid lang kanya, "What? Don't look at me as if I've stolen something from you, because we both know who the real thief is." sambit ni Zafierra sa kapatid.
Bago paman ito maka-react ay mabilis na siyang naglakad palayo.
"Let's go Raven." Huling sambit niya bago makalabas sa bahay. Narinig niya pa ang gigil na sigaw ng kanyang kapatid kaya natatawa siyang na-imagine ang pagmumukha nito. Paniguradong pulang-pula ang pagmumukha non. pffft.....
"Saan po tayo maam?" Tanong ng driver kay Zafierra.
Bakit ang pamilyar ng boses niya?
Hindi nga napigilan ni Zaf na tumingin sa review mirror at doon nalaglag ang kanyang panga, Imposible paano niya ako nahanap at naging driver ko'pa siya? ano ang gagawin ko? Baka makilala niya ako. May gosh nakakahiya hindi naman siguro 'to magsusumbong sa asawa ko di'ba? At tsaka baka nakalimutan niya na ako O di kaya'y hindi makilala lalo na gabi iyon at hindi gaano kita ang mukha ko. S-sana nga...
"S-sa Cagayan de oro tayo Raven." Sagot niya habang hindi tumitingin sa mirror.
"Noted maam." Wika nito sa baritono na boses. Hindi na ulit tinignan ni Zaf ang bandang driver at pilit na ipinikit ang sariling mga mata at winaglit ang isang pangyayari na paulit-ulit na naglaro sa kanyang isipan.
Habang nakapikit ang babae ay panay naman sulyap si Raven sa review mirror dahil naninibago siya sa babe ibang-iba kasi ang ugali nito noong nagkita sila sa Maldives. Shes beautiful and thank god at bulag ang asawa nitong si gagong Laurence. Hindi man lang nakita ang kagandahan at kabaitan ng babae bakit pa nito pinakasalan kung ang kapatid naman pala nito ang tunay na mahal. What a stupid man.
"Iho tagasaan a pala?" Biglang tanong ng matandang si Edeng.
Agad nalipat ni Raven ang mata sa matanda na katabi lang ng babae. "Ah taga maynila po ako Nanay."
Kunot-noo naman na tumingin ang matanda sa kanya, "Ang layo iho, hindi mo'ba mamimiss ang mga magulang mo O kadugo mo?"
Mahina namang tumawa ang si Raven "Uhm sanay na'po kasi ako Nay, kaya okay lang po na mawalay ako sakanila."
"Ah ganon ba, mabuti rin at pinayagan ka nila, ilang taon kana iho?"
"Wala naman po kasi silang magagawa Nay at tsaka 37- years old na'po ako Nay." Magalang niyang sagot sa matanda.
"Ganon ba, ilang oras tayo ba-byahe iho at para maka idlip muna ako" medyo natatawa na ani ng matanda.
"Apat na oras po ang byahe Nay matulog muna kayo at gigisingin nalang po kita kapag nasa Cagayan na'po tayo."
"Oh sige iho."
Naging tahimik ang byahe nilang tatlo at laking pasalamat ni Raven dahil hindi gaano ka traffic ngayon ewan lang pagdating sa Cagayan baka traffic doon. Naging balita pa naman noon na sobrang haba raw ng traffic at mukhang magkapareho pa sa EDSA sa haba. Apat na oras kasi ang byahe mula sa surigao city to CDO (Cagayan de oro city)
Four hour passed at nakatungtong na nga sila sa Cagayan de oro city at ngayon kailangan niyang gisingin ang matanda upang tanungin kung saan sila susunod nadadaan. Magsasalita na sana siya ng biglang gumalaw ang matanda na parang naalimpungatan to. "Nakarating na'ba tayo iho?" Biglang tanong nito sa kanya.
"Nasa mismong city palang po tayo Nay, saan po'ba ang daan patungo sa bahay?" Magalang niyang tanong sa matanda.
"Saan ba ito banda iho?" Tanong nito ulit sa kanya. Tumingin-tingin naman siya at nakita ang isang mall na nagngangalang LIMKETKAI MALL at ang katabi nito ay isang hotel na LIMKETKAI LUXE HOTEL rin.
"Nasa Limketkai tayo Nay,"
"Ah lumiko ka diyan iho at pwede tayong makadaan diyan, sasabihin ko lang sayo kung saan ang tamang daanan."
Tumango lang siya at agad sinunod ang sinabi ng matanda hanggang sa nakarating sila sa maraming tao a mas naging traffic, "Hindi pa'rin talaga nagbabago rito at palagi paring traffic." Pagsasalita mag-isa ng matanda.
Tahimik niya lang sinunod ang sinasabi ng matanda hanggang sa paakyat na nga sila at meron paring traffic. Isang mall nanaman ang kanyang nakita at isa itong, UPTOWN MALL malaki rin ito. Marami ring mamahalin na mga estates at makikita mo talagang pang mayaman lang dahil sa ganda ng desenyo nito. Pina-liko nga siya ng matanda sa isang estates. XAVIER ESTATES ang nakalagay sa malaki at magarang gate.
"Saan po kayo sir?" Tanong ng guwardya.
Binuksan ng matanda ang kanyang bintana, "3rd street ZAMORA MANSION."
Mabilis naman na tumango ang guwardya, "Condolence po maam." Huling wika ng security guard.
Distansya palang sila sa bahay ay makikita na ang mga nag parking na mga sasakyan dahil sa mga taong dumalaw. Tulad noon sa lamay ng ina ni Zafierra ay marami ding dumalo at nag abot ng nakikiramay. "Dito nalang iho at panigurado na wala na tayong space para doon iparada ang sasakyan." Pumarada nga sila at pagtingin naman sa pulsuhan kung saan ang relo ng driver na si Raven ay alas otso na ng gabi.
Bitbit ng driver ang maleta at travel bag ng matanda na sumunod ito sa amo, hindi naman na hirapan ang matanda na gisingin ito dahil isang pag yug-yug palang ay agad na itong nagising. "Anak!" Humagulgol na sigaw ng babaeng nasa 50's na kamukhang kamukha ni Karina.
"Ma." Matabang ani ni Zafierra dahil alam naman niya kung gaano ka peke ang inasta ng kanyang ina-inahan. Kahit sabihing kakambal ito ng kanyang ina ay parang walang luksong dugo sa kanilang dalawa ewan niya basta wala siyang nararamdaman mula sa ina ni Karina. Kung siguro ang nararamdaman niya lang ay ang pang i-itim ng kanyang paningin tuwing nakikita ang pag mu-mukha nito.
Agad na niyakap ni Josephine si Zaf na napa-irap dahil sa ka-dramahan ng ina. "Put a show kung ayaw mong ibenta ko ang mansion na ito." May diin na bulong ni josephine kay Zaf.
"Mama huhuhu iniwan na tayo ni Daddy." Pagsimula na drama niya.
Ang kapal naman ng mukha niyan ibenta ang mansion, Dad ito ba? ito ba ang gusto mo na ibenta ang bahay na ito kung saan ako lumaki na kapiling kayong dalawa ni mommy? tignan mo ang ginawa niya dad gusto niyang ibenta ang bahay na hindi naman sa kanya. Kung sana nagkita na kayo ni mommy diyan sa heaven sana sampalin ka niya para magising ka sa katotohanan na ang pangit ng ugali ni Josephine.
"Sorry anak at hindi man lang nagawan ni mama ng paraan." Kunwari na iyak ng ginang. Napansin naman ni Zafierra na awang-awa ang mga taong nakatingin sa kanilang dalawa na nagyakapan parin.
"Tama na inantok ako." Bulong niya sa ina. Mabilis naman siyang binitawan ng ina at inalalayan kunyari upang dalhin sa kanyang silid.
Nasa pangalawang palapag ang kanyang kwarto isa ito sa mga malalaking silid sa itaas ang master bedroom kasi ay nasa ibaba at sa itaas naman ay mga guest room at sa mga katulong. Ayaw kasi ng mommy niya noon na aakyat at bababa nanaman. Pagdating nila sa itaas ay agad siyang pumasok sa kanyang silid at ganon rin ang ginang na si Josephine.
"Sino ka?" Narinig niyang pagsasalita ina, kaya agad siyang bumaling at nakita kung sino ang tinatanong ng ina.
"That's my personal driver, nagiinarte nanaman kasi ang magaling mong anak." Sambit niya.
"Iwan mo lang yan diya-an Raven at puntahan mo si Nanay Edeng para maituro sayo kung san ang kwarto mo." Sabi niya sa lalaki para hindi ito pag diskitahan ng ina.
"Sino ang nag-utos sayo na kukuha ng driver? alam ba ito ni laurence?"
Umirap siya bago tumingin sa ina-inahan "Laurence personally hired him ma, kung ako ang mag hire sa kanya wala akong pang pa sweldo sa kanya." Mahabang lintana niya at umupo sa kama gusto niya ng matulog ulit dahil inaantok pa siya.
"Siguro nag request ka nanaman sa kanya no?" Bintang nito sa sakanya.
Umirap nanaman siya dahil sa pagbibintang nito sa kanya, "Mama kasalanan yan ng anak mo kung hindi ito panay reklamo ay sana hindi ako kukunan ng personal drivers ni Laurence at tsaka please kung wala kanang sasabihin bukod sa panghuhusga at pagbibintang mo sakin ay maaari kanang umalis. Pagod ako sa byahe kaya please leave me alone." Ani niya at agad na humiga sa kama.
"Huwag mo akong diktahan kung kailan ako aalis sa kwarto mo o ano Zafierra, i'm here to tell you that don't you dare speak about of your marriage sa lahat ng bisita dahil pinakilala na siya ng anak ko na fiance niya si Laurence sa oras na ibuka mo ang bibig mo ay goodbye mansion Zamora ka talaga Zafierra vega Zamora." Ani nito at nakitaan niya na nga ito ng ka seryosohan dahil binanggit na nito ang buo niyang pangalan.
Hindi siya umimik at hindi rin tumingin sa mama niya, ang sama ng loob niya dahil maraming pwedeng gawing pang blackmailed laban sa kanya. Habang siya ay walang magamit dahil kahit sa maging asawa ni laurence ay wala parin siyang laban.
Ilang sandali lang ay umalis na'rin si Josephine at pumasok naman ang matanda na si Deng upang tanungin kong maghapunan pa'ba si Zaf.
“Anak? Kakain ka'pa ba ng hapunan?” Tanong nito sa kanya.
Pinakiramdaman niya ang sarili kung nagugutom ba pero wala naman siyang naramdaman at wala din siyang gana kumain, “Hindi na'po ako kakain ng hapunan Nay, kayo nalang po at tsaka Yong driver po.” ani niya at agad na tumihaya sabay talukbong ng kumot.
Gusto niya ng matulog upang makapagpahinga ng maaga ayaw naman niyang magmukhang panda bukas habang humaharap sa mga bisita.
“Oh sige iiwan na kita basta tawagin mo nalang ako kapag nagugutom ka para ipaghanda kita ng pagkain.” Habilin sa kanya ng matanda na tango lang ang sinagot niya.
Ilang minuto ang lumipas ng hinila na nga siya ng antok at mahimbing na natutulog.