“Nahanap niyo na'ba ang pinapahanap ko?” tanong ni Grimm sa kanyang personal assistant.
“H-hindi pa sir bukod kasi sa dinitalye mo ay walang nagkakatugma sa mga babaeng na track namin.” sagot ng assistant ni Grimm.
Mahigpit niyang hinawakan ang ballpen niya, That woman ang lakas ng loob niyang iwan ako sa tabing dagat. Hindi man lang niya sinabi ang kanyang pangalan.
“Balitaan niyo ako kapag mahanap niyo na.” pinal niyang wika sa assistant niya.
Mabilis namang tumango ang lalaki sa kanya at lumabas sa kanyang opisina. Bumuntong hininga siya ng sumandal siya sa kanyang swivel chair.
Ilang oras ang lumipas ay tumayo siya mula sa pagkaka-upo at balak nalang na umuwi sa kanyang condo, pagkalabas niya ay nakita niya ang kanyang assistant na nakakunot ang noo.
“Percy what happen?” tanong ni Grimm sa assistant.
Agad naman tumingin si Percy kay Grimm na may lito sa pagmumukha.
“Uhm... I-i I don't know kung ito nga ba ang babae dahil kasal na'po ito sir.” nag-aalangan na sagot sa kanya.
Agad naman kumalabog ang dibdib ni Grimm, “Patingin.” Walang emosyon na wika ni Grimm.
Tumango muna ang assistant bago pinatingin ang isang litrato mula sa laptop nito, unang kita palang ni Grimm ay napanganga siya dahil ang babaeng yan ay iyon nga ang nakatalik niya noon sa Maldives.
It's been month tsaka niya palang naisipan na ipa-hanap ito dahil kahit anong gawin niyang paglimot sa babae ay hindi niya magawa.
“It's not her, dahil hindi yon kasado.” pag sinungaling niya.
Umalis siya sa lamesa ng assistant na parang wala lang pero ang kanyang dibdib ay sobrang kumalabog na at para na itong lalabas.
So she's married ? Paano niya naibigay sakin ang kanyang p********e na kasado na pala siya ano nga'ba ang totoong dahilan. Dahil wala akong ibang maisip na dahilan niya.
Mabilis na pumasok si Grimm sa kotse at nagmaneho patungo sa kanyang condo. Kailangan niyang malaman kung nasaang lupalop ang babae. Nang nakarating sa Condominium ay mabilis na nag parking si Grimm at agad lumabas sa kotse, agad naman nitong tinungo ang isang elevator upang makaakyat sa tamang palapag.
Ilang minuto ang lumipas ay tumunog na nga ang isang bell hudyat na nakarating na siya sa tamang palapag bitbit ang suitcase ay naglakad siya sa hallway dahil nasa pinakadulo ang kanyang condo dalawang room ang binili niya noon at pina-renovate upang magiging isang condo iyon, limang kwarto at malaking sala at kusina may laundry room din siya.
Pagpasok ni Grimm sa condo ay tinanggal niya ang kanyang necktie, may meeting kasi ito kanina kaya nag suot siya ng pormal attire. Agad tumihaya si Grimm sa mahaba niyang sofa dahil nakaramdam ito ng pagod sa buong araw na trabaho at dagdagan pa sa isipin na natuklasan niyang may asawa na pala yong babae.
Biglang tumunog ang kanyang selpon na ikinairita niya, tinignan niya ito at nakitang ang kanyang matalik na kaibigan pala ang tumatawag, “Bro.” bungad niya sa kaibigan.
“Chill bro, I'm just asking if nahanap muna ba yong babae?” Sagot ng kanyang kaibigan na si Kelvin.
Kumunot naman ang noo ni Grimm dahil sa naging tanong ng kaibigan, “Why? May alam ka'ba kung nasaan siya?”
Mahina namang natawa ang kanyang kaibigan, “Andito ako ngayon sa Surigao I have business meeting here at meron akong nakitang babae na kamukha ng dinitalye mo, maybe it's her?” hindi sigurado na ani ni Kelvin.
Humugot siya ng hininga, “Ang totoo niyan nahanap na ni Percy ang babae pero kasal na pala siya.” Parang may kung ano sa kanyang boses na mahalata mong may kakaiba.
“Ahuh! Bakit parang dismayado yata ang kaibigan ko?” Mapanuyang sabi sa kanya ni Kelvin.
Kung siguro andito ito ngayon sa kanyang harapan ay nasapak na niya ito.
“Shut it Kelvin Tan.” Sambit ni Grimm sa buong pangalan nito.
“Oops easy bro, so gusto mo bang paimbestigahan ang babaeng sinasabi mo?” tanong sa kanya ng kaibigan.
Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Grimm, “Yes, imbestigahan mo ang buong pagkatao niya.” Sabi ni Grimm sa kaibigan.
“Mula sa asawa ba?” mapanuyang sambit nanaman ng kanyang kaibigan.
“Fućk you kelvin.” Wika niya at agad pinutol ang tawag.
Bumuntong hininga siya bago tumihaya ulit at ilang minuto ang lumipas ay agad nag vibrate ang kanyang selpon hudyat na may dumating na text.
Agad itong kinuha ni Grimm at binasa ang text,
From; Tan
I will investigate that girl in exchange your property in Cebu bro, no pay no work.
Napapailing nalang siyang ni-reply-an ang kaibigan, alam naman niyang meron talagang kapalit ang kanyang pinapagawa lalo na isang Kelvin Tan yon. Ipinikit ni Grimm ang kanyang mata upang umidlip muna saglit.
——————
“ANAK ZAFIERRA, kumain kana at baka mapagalitan ka nanaman ni Laurence.” nag-alalang sambit sa kanya ni Nanay Edeng na isang mayordoma niya mula sa pamamahay ng kanyang ama.
Oh right isa pa yon, simula ng naikasal kami palagi nalang mainitin ang ulo.
“Nay, busog pa po ako.” pag ra-rason ni Zaf.
“Oh siya sige kapag nagugutom ka sabihan mo lang ako at ipaghanda kita.” Ani ni nanay Edeng kay Zaf.
Tumango lang si Zafierra at umalis narin si Nanay Edeng upang ipagpatuloy ang gawain.
Kung sana buhay lang ang mommy niya ay hindi sana ganito ka gulo ang naging buhay niya at kung sana hindi na naghanap pa ng ibang babae ang kanyang ama nakikita sana nito ang kayang halaga. Ang buong akala kasi ng kanyang ama kung papakasalan niya si laurence ay mas magiging maayos ang kanyang buhay ngunit lingid sa kaalaman nito na mas magiging miserably pa ang buhay niya sa kamay ni laurence, lalo na alam niyang merong namamagitan sa kanyang kapatid at sa asawa niya.
Bumuntong hininga si Zaf bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa sofa at naglakad patungo sa kanyang silid kung hindi siya sa sala mag muk-muk ay sa kanyang kwarto naman wala rin naman kasi siyang ginawa buong araw kundi tumunganga.
Buong hapon siyang nasa loob lang ng kanyang silid at hinihintay ang kanyang asawa na makauwi kahit naman alam niya ang mga nangyayari ay hindi niya nalang iniisip ang lahat dahil pati rin siya ay nagkasala rin naman at sa mismong honeymoon pa nila. Ano kaya ang magiging reaksyon ni laurence na malaman nitong hindi na siya virgin.
Sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong hininga si Zafierra at nagpasyang tatambay nanaman sa balcony ng may kumatok sa kanyang pintuan. "Anak lumabas kana diyan nandito na ang asawa mo!" Sigaw ng matandang ginang.
Kaagad nakuha ang atensyon ni Zafierra sa sigaw ng mayordoma. Mabilis siyang tumakbo patungo sa pintuan upang makalabas na. "Talaga po Nay? nandito na si laurence?" Masayang sabi ni Zaf.
Ngunit pagkita niya sa mukha ng matanda ay nakitaan niya ito ng pagkadismaya.
"N-nay bakit po ganyan ang reaksyon mo?" kinakabahan na tanong ni Zafierra.
Huminga ng malalim ang matanda bago nagsalita, "As usual Anak," may bahid na lungkot ang boses ng kanyang ina-inahan.
Ang kaninang masaya niyang nararamdaman ay biglang naglaho lahat, dahil alam niya ang ibig-sabihin ng mayordoma. Bumagsak ang kanyang mga balikat at walang buhay na naglakad pababa hindi narin siya nag-abala pang mag-ayos ng sarili dahil wala namang silbi.
Para saan pa na mag-ayos ako kung ang nakikita niya lang ay ang kapatid ko.
"Oh hi! Big sister, how are you?" Maarte nitong tanong kay Zafierra.
Agad naman siyang napangiwi dahil sa narinig mula sa kanyang kapatid. "I'm okay Karina" As you can see humihinga pa naman ako. Ngumiti si Zafierra ng peke dahil baka magiging away nanaman nila ito ni laurence kahit naman talaga na mali ng kanyang kapatid ay mali niya parin sa paningin ng kanyang asawa.
"I'm here to tell you that your father is dead," Wika nito na parang wala lang.
P-paano niya nasabi ang ganyang bagay na parang wala lang sa kanya si dad? Naging paborito siya ni daddy at binalewala ako ng sarili kong tatay para lang magampanan ang pagiging ama nito sa mag-ina na'yon tapos ganyan lang ang i-react niya? Parang wala lang okay lang na patay na ang tao?
“H-how can you say that like you didn't care to our dad Karina?!” Malakas na sigaw ni Zaf sa kapatid at sinundan niya pa ito ng sampal na nagpaalarma kay Laurence.
“How dare you to slap Karina, Zafierra!” Dumagundong na sigaw ni Laurence kay Zaf habang niyakap ang babae.
“W-why? Bakit hindi ko siya pwedeng sampalin kung matapos nilang kunin ang ama ko ay ganyan lang ang I react niya matapos mawala ang tao? Seriously Laurence? Kakampihan mo siya kaysa sa asawa mo?!” Malakas na sigaw ni Zafierra habang tinuturo pa ang mukha ng kapatid niya.
“Wala akong pakialam sayo! Kung hindi lang dahil sa pakiusap at deal ng ama mo sana si Karina ang pinakasalan ko!” Malakas na sigaw ni Laurence kay Zafierra kasabay non ay isang malakas na sampal.
Hindi naman makapaniwalang napatingin si Zaf sa lalaking minsan niya ng minahal habang nakahawak sa isang pisngi na ramdam niyang namamanhid ito dulot sa malakas na sampal.
Akala ko pa naman noon na pinakasalan niya ako dahil minahal niya ako yon pala ay may kasunduan palang nagaganap, what a nice acting Lau.
“K-kung mahal mo naman pala ang kapatid ko sana ay hindi ka pumayag kay dad hindi ka pinanganak na Pepe Laurence Collin pwede ka namang tumanggi sa alok ng ama ko!” Malakas na sigaw ni Zaf sa mukha ni Laurence at mabilis na tumalikod upang makabalik sa sariling silid niya.
Pagpasok ni Zafierra ay dumeretso ito sa kama at doon umiyak ng umiyak.
I hate you dad! I hate you! Kung sana naniwala ka sakin noon masaya sana tayong namumuhay ngayon. Pero f-f**k you leave me alone, mas inuna mo pa ang pésténg mag-inang yon. Pinabayaan mo ang sarili mong anak na tunay na may malasakit at pagmamahal sayo. Ngayon na wala ka na mas dumoble ang paghihirap ko dito sa mundo.
N-nawala na nga si Mommy pati ba naman ikaw? Bakit niyo naman ako iniwan. Kailangan ko kayo eh, pero eto iniwan niyo na ako. Hindi ko'na kayo mayayakap pa.
Patuloy pa'rin umiiyak si Zaf sa loob ng kwarto nito , habang ang kanyang asawa ay patuloy pa'rin na ina-alo ang kanyang kapatid na umiiyak pa'rin hanggang ngayon.
Ilang oras na nagkulong si Zafierra sa kanyang silid at nababahala na ang matandang si Edeng.
"Excuse me sir, uhm ipaghanda ko'na ba ng mga damit si maam para makaalis na patungo sa lamay ng kanyang ama?" Magalang na wika ng matanda.
Mabilis nag-landing ang masamang tingin ni Karina sa matanda dahil sa pang i-istorbo nito.
"Sige po manang," Sagot ni laurence sa matanda.
Tumango lamang ang matanda bago nag lakad papunta sa silid ng babaeng amo, "Anak Zafierra buksan mo ito!" Sigaw ng matanda mula sa labas ng silid ni Zaf.
Ilang sandali lang naman ay agad bumukas ang pinto at tumambad sa matanda ang mukha ng kanyang amo na pulang-pula at dugyot dahil siguro sa pag-iyak nito kaya ganito nalang ang mukha ng babae na si Zafierra.
"Manang bakit po?" napapa-os na tanong ni Zaf sa matanda.
Huminga ng malalim ang matanda dahil nakaramdam ito ng awa sa amo, "Anak magbihis ka at ako ang bahalang mag impake ng mga gamit mo. Baka isasabay ka ni Laurence sa pag-alis ngayon upang makadalo ka sa lamay ng daddy mo." malumanay na saad ng matanda kay Zafierra.
Agad napangiwi ang mukha ni Zaf ng matapos na nitong marinig ang sinasabi ng matanda. “Sana lang kukuha siya ng driver para hindi kami magsabay ng impakta na yon.” May halong gigil na wika ni Zafierra sa harapan ng matanda.
Malungkot na bumuntong hininga ang matanda dahil sa nakita nito sa mukha ng babae, "Anak kapag nasa iisang sasakyan lang kayo ni Karina huwag muna nalang nalang siyang pansinin, naiintindihan ko naman ang hinanakit mo pero please respetuhin natin ang lamay ng ama mo, alam kung hindi naging perpektong ama si Zandro sayo pero sa huling hantungan niya ay baka pwede nating iparamdam na ayos lang na pumanaw na siya upang makapag pahinga siya ng maayos. Maaari ba iyan anak?"
Lumuluhang tumatango si Zaf at agad na yumakap sa matanda, "Thank you for being with me Nanay, ikaw nalang po ang kakampi ko ngayon." umiiyak na ani niya sa matanda.
Agad naman tinapik-tapik ng matanda ang balikat ni Zaf bago ito nagsalita, "Oh siya sige na magbihis kana at akoy mag impake ng gamit mo."
Agad naman tumango si Zaf at tinungo ang isang aparador upang kumuha ng damit at towel para maka-ligo na at baka sigawan nanaman siya ng asawa dahil sa bagal ng kilos lalo na andito ang pabida-bida niyang kapatid.