GEORGINA'S POV "Bes bilisan mo baka ma traffic tayo, maganda ka na wag ka na mag make up pa!" Tawag ko sa kaibigan kong si Shenna. Pinag mamadali ko na siya dahil baka ma stuck kami sa traffic. Nag invite kasi si Rio na mag lunch sa bahay nila birthday raw kasi ng late mother niya. Kinakabahan ako kasi first time kong ma meet ang family niya. Though sabi naman niya na mabait sila pero hindi ko parin maiwasan talaga na kabahan. Plano kong dumaan muna sa bakeshop para bumili ng cake para may dala naman kami. "Ang tagal mo magbihis, akala ko nag gown ka pa eh!" Sarcastic kong sabi sa aking kaibigan, inirapan lang ako nito na tinawanan ko lang naman. Pinaandar ko na ang sasakyan at nag drive na paalis. "Ano bes, excited ka na ma meet ang future family mo? Ako excited na ako makita si papa