Lumipas ang mga buwan at consistent padin akong nanliligaw kay Georgina. Araw araw magka chat kami, kapag hindi naman busy ay nag tatawagan kaming dalawa. Ilang ulit nadin kaming lumabas ulit at ang paborito naming puntahan lagi ay ang park kung saan kami unang nag date. Marami na din akong nalaman sa buhay niya, sinabi niya lahat sa akin kaya. Mas lalong na naig ang kagustohan na maging kami dahil gusto kong iparanas sa kaniya ang totoong pagmamahal. Hindi niya man ito na ranasan mula sa magulang niya. Andito naman ako mamahalin ko siya at paliligayahin. Kinikilig ako sa mga sinasabi ng utak ko ngayon. Totoo nga ang sabi ni Marshall nakaka tanga ang umibig. Pinasadahan ko ng tingin sa salamin ang aking sarili at nag pabango. Inimbitahan ko kasi Si George dito sa bahay at ito ang unang