. #LivingWithYou CHAPTER 13 Nasa dining room ngayon sila Bryan, Eros at Celine. Sa kaliwa ang pwesto ng mga upuan ng mag-ina habang kaharap naman nila si Bryan. Nakahain sa mesa ang mga nilutong pagkain ni Celine gaya ng adobong baboy, piniritong galunggong na siya nilang inuulam sa kanin. Orange juice naman ang kanilang panulak. Kanila na itong pinagsasaluhan ngayong hapunan. “Bakit gabi na kayo nakauwi?” nagtatakang tanong ni Celine kay Bryan at Eros. Hindi nagsalita si Eros kaya si Bryan na ang nagsabi kay Celine. “Maaga po kasi natapos ang klase kanina kaya naisipan naming mamasyal po sa mall. Kasama din po namin sila Marco at Gab,” sagot ni Bryan. “Ah... okay,” sabi ni Celine saka ngumiti. “Ayos lang naman sa akin na minsan ay mamasyal kayo pero hu