#LivingWithYou
CHAPTER 2
Nasa dining area sila Bryan, Tita Celine at Eros. Magkatabing nakaupo sa mga upuan na nasa kaliwang bahagi ng mesa ang mag-ina habang sa kanan naman at nasa tapat nila si Bryan.
Nakahain sa mesa ang isang mangkok ng menudo at isang bandehadong kanin na niluto kanina ni Tita Celine na kanila namang pinagsasaluhan ngayon.
Sandaling tumigil sa pagkain at napatingin si Tita Celine kay Bryan. Napangiti ito.
“Masarap ba ang pagkain?” tanong ni Tita Celine kay Bryan.
Napatingin naman si Bryan kay Tita Celine, ganun din kay Eros na tuloy-tuloy lang sa pagkain. Ibinalik ang tingin kay Tita Celine saka ngumiti.
“Opo ang sarap niyong magluto,” nasasarapang sabi nito. “Salamat po sa pagkain.”
“Mabuti naman at nagustuhan mo. Ito kasing anak ko, ayaw sumagot kapag tinatanong ko kung masarap ba ang luto ko o hindi,” sabi ni Tita Celine saka tiningnan si Eros.
Napatigil naman sa pagkain si Eros saka tiningnan ang ina. As usual, poker face ang mukha, wala man lang kaemo-emosyon. Muling bumalik sa pagkain si Eros matapos niyang tingnan ang ina.
“Ano, Anak? Masarap ba ang luto ko?” tanong ni Tita Celine kay Eros.
Hindi sumagot si Eros. Patuloy lang ito sa pagkain. Napangiti naman si Bryan na nakatingin sa kanya.
Natawa naman si Tita Celine. Tiningnan nito si Bryan.
“Sobrang tahimik ng anak ko lalo ngayon, siguro nahihiya sayo,” sabi ni Tita Celine kay Bryan.
Napatigil sa pagkain si Eros. Tiningnan nito si Bryan, kaagad ring ibinaling ang tingin sa ina. Napailing-iling ito saka muling nagpatuloy sa pagkain.
“Anyway, nahirapan ka ba sa pagluwas mo dito?” tanong ni Tita Celine.
“Medyo lang ho,” sagot ni Bryan.
Napatango-tango si Celine.
“Oo nga pala, kumusta ang probinsya? Marami na bang nagbago?” tanong ni Tita Celine kay Bryan.
“Marami na rin ho. Masasabing may sibilisasyon na kahit papaano.”
“Nice to hear that. Ang buhay niyo sa probinsya? Ayos lang ba?” tanong pa ni Tita Celine.
“Ok naman ho. Nakakaraos sa pang araw-araw. Mabuti na nga lang ho at may naiwang lupang sakahan at mga kalabaw si Tatay kaya may pinagkukunan kami ng ikabubuhay,” sagot ni Bryan.
Napangiti si Tita Celine.
“Mabuti nga at ganun. Ang hirap din kayang mamuhay sa probinsya. Masarap kasi tahimik at maaliwalas ang paligid. Walang polusyon ang hangin pero alam mo iyon, walang asenso. ‘Yung masweswerte lang ‘yung yumayaman kahit nasa probinsya pero ‘yung iba, kailangan pang lumuwas ng syudad para mahanap ang swerte.”
Napangiti naman si Bryan.
“Tinutulungan mo ba ang Inay mo sa pagsasaka niya?” tanong ni Tita Celine.
“Opo naman po. Pagkatapos ng klase ko, diretso kaagad ako sa bukid para tulungan siya.”
Napatingin naman si Eros kay Bryan.
‘Nagsasaka siya? Parang hindi naman. Saka ‘yung itsura niya, parang hindi probinsyano.’
“Mabuti at hindi ka nangitim. Ang ganda pa rin ng kutis mo oh,” pagpuri ni Tita Celine.
Napakamot naman sa batok si Bryan.
“Nagpapahid po ako ng sunblock bago pumunta sa arawan,” pabirong sabi nito.
Natawa naman si Tita Celine.
“Hindi ka lang bolero, palabiro ka pa.”
Napangiti naman si Bryan.
Muli namang kumain si Eros. Tanging ang kalansing lamang ng mga hawak nitong kubyertos na tumama sa plato ang nanggagaling na ingay mula rito. Deadma kung deadma ang binata sa mga kasama niya sa mesa.
“Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang buhay kabataan ko. Ako rin nun, tinutulungan sila Nanay at Tatay sa pagsasaka. Masaya ring gawin pero sobrang nakakapagod, nakakapanakit ng likod,” inaalala ni Tita Celine ang kanyang kabataan.
Napatango-tango si Bryan. Sang-ayon siya sa sinabi ni Tita Celine.
Napatingin naman si Tita Celine kay Eros.
“Kaya nga gusto ko ring dalhin sa probinsya si Eros at pagsakahin ko dun ng maranasan niyang magbanat ng buto,” nagbibirong sabi pa ni Tita Celine. “Kaso baka naman pagkaguluhan siya doon, alam mo na ang gwapo ng anak ko di ba?” pagmamalaki nito sa kagwapuhan ng anak. Napangiti naman si Bryan.
“Ma,” sabi lamang ni Eros pero hindi nakatingin sa nanay niya.
“Edi nagsalita ka rin,” nangingiting sabi ni Tita Celine.
Tiningnan muli ni Tita Celine si Bryan.
“Ikaw ba Bryan, pinagkakaguluhan ka ba doon? Gwapo ka, matangkad, maputi at makinis ang balat. Kung titingnan ka parang hindi ka nga probinsyano.”
“Hindi naman Tita, ewan ko po,” pa-humble na sabi ni Bryan. Ngumiti ito.
“Walang nagpaparamdam nang pagkagusto sayo?” tanong ni Tita Celine. Hindi makapaniwala.
“Abala po kasi ako sa pag-aaral kaya ‘yung mga ganun, wala pa sa isipan ko,” pag-amin ni Bryan. “Siguro po meron pero hindi ko lang ho alam kung sino sila,” dugtong pa nito.
Napatango-tango si Tita Celine.
“Kunsabagay, tama rin naman na study first before anything. Sa oras naman na makatapos ka ng pag-aaral, makukuha mo rin ang lahat and that’s include love,” sabi nito. “Huwag magmadali ika nga,” dugtong pa nito.
Napangiti naman si Bryan bilang pag-sang ayon.
“Oh siya at kumain na nga ulit tayo, mamaya na tayo magdaldalan,” sabi ni Tita Celine.
Napatango-tango naman si Bryan. Ngumiti saka hindi rin nito napigilang tingnan si Eros na habang umiinom ng tubig ay nakatingin ang mga mata nito sa kanya. Umiwas tuloy siya kaagad nang tingin at nagpatuloy sa pagkain.
“Ako na po ang maghuhugas,” pagprisinta ni Bryan. Tapos nang kumain ang tatlo. Si Eros, ayun at umalis na at pumunta sa kwarto niya.
“Hindi iho at ako na. Magpahinga ka na muna sa sala. After kong maghugas ay saka na kita dadalhin sa magiging kwarto mo,” sabi ni Tita Celine na laging nakangiti.
“Hindi po Tita, nakakahiya naman-”
“Ako na-”
“Payagan niyo na ho ako Tita. Alam ko ho na libre na ang pagtira at pagpapaaral niyo sa akin kaya hayaan niyo po ako na makabawi kahit papaano,” sabi kaagad ni Bryan. Pinipilit niyang siya ang maghugas.
Napangiti si Tita Celine.
“Oh siya sige na nga. Pero ngayon lang ah.”
Napatango-tango na lamang si Bryan saka ngumiti.
“Oh sige at tsek ko lang muna ang magiging kwarto mo,” sabi ni Tita Celine.
“Ok po,” sagot ni Bryan na may kasama pang pagtango-tango.
Umalis na si Tita Celine at umakyat sa itaas. Naiwan si Bryan na napabuntong-hininga.
“Ang swerte ko, ang bait ni Tita Celine pero mukhang malayo ang ugali ni Eros sa kanya kaya baka mahirapan din akong pakisamahan siya,” bulong ni Bryan sa sarili.
Napangiti na lamang si Bryan saka sinimulan ng magligpit ng mga pinagkainan para makapaghugas na rin siya sa kusina.
- - - - - - -- - - - - - - - - - - -
Nakatayo sa tapat ng isang mahabang mesa na nasa gilid ng hagdan si Bryan. Nakatingin ang kanyang mga mata sa mga picture frames na nakapatong doon. Karamihan sa mga nakikita niyang litrato at picture ng pamilya Dela Torre.
Kakatapos lamang niyang maghugas at ilagay sa tamang lalagyanan ang mga hinugasan niyang plato, baso at mga kubyertos. Sa halip na sa sala ang diretso niya ay nadaanan muna niya ang mesa at tiningnan ang mga nakapatong doon.
Masayang pamilya ang nakalarawan sa bawat litrato. Hindi niya tuloy napigilang mapangiti. Naalala niya ang kanyang pamilya, hindi niya maiwasang ma-miss ang ina.
Hindi naman namalayan ni Bryan na pababa na ng hagdan si Tita Celine. Nasa huling baitang na ito nang makita siyang nakatayo sa tapat ng mahabang mesa kung saan nakapatong ang mga litrato nilang pamilya. Dahan-dahan siyang naglakad at nilapitan si Bryan.
“Kamukha ni Eros ang kanyang Papa di ba?” tanong ni Tita Celine.
Kaaagad na napatingin si Bryan kay Tita Celine. Hindi man lang niya namalayan na nakatayo na ito sa tabi niya.
Napangiti si Bryan saka tumango-tango. Muling tiningnan ang mga litrato.
“Malaki po ang pagkakahawig nila, pero napansin ko ho na parehas kayo ng mga mata. Parehong singkit.”
Napangiti naman si Tita Celine.
“Pasensya na po pala Tita,” paghingi ng dispensa ni Bryan. Tiningnan nito si Tita Celine.
Napatingin din si Tita Celine kay Bryan.
“Para saan?” nagtatakang tanong ni Celine.
Napangiti ng tipid si Bryan.
“Si Inay lang ho kasi ang nakapunta sa burol at libing ni Tito nung isang taon at hindi ako nakasama. Wala po kasing maiiwan sa bahay at sa bukid namin.”
“Ok lang iho,” sabi ni Celine. “Malaki rin ang pasasalamat ko na nakapunta ang Inay mo nung mga panahong iyon. At least may nakaramay ako at tinulungan akong maka-cope sa sakit at pangungulila,” napabuntong-hininga ito.
Napatango-tango si Bryan.
“Ang hirap ding mawalan ng minamahal lalo na kung biglaan. Sabi nga ng iba, maikli lamang ang buhay sa mundo kaya dapat sulitin at ingatan ito dahil hindi natin alam kung kailan ito magwawakas at walang nakakaalam,” sabi ni Celine. Naalala niya ang biglaang pagpanaw ng kanyang asawa na si Eric dahil sa isang aksidente sa construction site. Isa itong architect. Nabagsakan ng scaffolding. “Pero mas mahirap ‘yung hindi mo pa nga nasisilayan ang mahal mo pero bigla na itong nawala, kagaya nung nangyari sa Tatay mo,” mababakas ang lungkot sa boses nito.
“Opo, nung bata pa po ako, hindi pa siya masyadong masakit pero nung lumaki at nagkaisip na ako, doon na dumating ‘yung maraming tanong, ‘yung nararamdamang inggit kapag nakakakita ako ng mga batang may kasama at kalarong ama. Masaya naman po ako na kasama si Inay pero iba pa rin ho kasi kapag may Tatay din na kasama,” pag-alala ni Bryan sa mga nangyari sa buhay nila ng ina nung mawala ang kanyang ama.
Napatango-tango si Celine sa mga sinabi ni Bryan.
“Maswerte ka pa rin dahil nandyan si Milagros.”
Napangiti si Bryan.
“Opo, sobrang swerte ko pa rin po.”
“Sana ganyan din ang isipin ni Eros,” sabi ni Celine.
Nangunot ang noo ni Bryan.
Napangiti naman si Celine. Napabuntong-hininga rin ito. Tiningnan ang litrato nilang pamilya.
“Hindi man siya nagsasalita pero ramdam ko na kaya siya nagbago ay dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang ama. Masyado niya iyong dinamdam,” malungkot na sabi ni Celine.
“Wala naman ho kayong kasalanan doon. Saka sa tingin ko naman, hindi dahil doon kaya siya nagbago. Malay niyo po, trip lang niya na maging suplado looking at mysterious ang dating para makaakit ng girls,” pabirong sabi ni Bryan.
Natawa naman si Celine.
“Ikaw talaga.”
“Pinapatawa ko lang kayo Tita. Medyo bumigat kasi ang atmosphere,” nangingiting sabi ni Bryan.
“Salamat.”
Napangiti si Bryan.
“Oh siya at ililibot muna kita dito sa bahay para alam mo na ang pasikot-sikot saka kita dadalhin sa magiging kwarto mo,” sabi ni Celine.
“Ok po,” sagot ni Bryan.
Kaagad namang umalis sa itaas ng hagdan sa ikalawang palagag si Eros na kanina pa nakasilip sa kanilang dalawa ng hindi nila alam. Napabuntong-hininga ito.
Narinig niya ang usapan ng mga ito. Napailing-iling na lamang siya saka muling umakyat at bumalik na muli sa kanyang kwarto. Hindi na niya tinuloy ang pagbaba papuntang kusina.
- - - - - - - - - - - - - - - -- - -
“Ito ang magiging kwarto mo, ayos ba?” tanong ni Tita Celine.
Nililibot naman nang tingin ni Bryan ang paligid ng silid. Namamayani ang asul at puting kulay. Malaki ang kama at may tv pa sa harapan. May malaking cabinet sa kaliwa. Sa bintana, nakita niyang nakakabit ang aircon sa bandang ibaba. Kaya pala ang lamig at sarado ang mga bintana.
“Nasa tapat ng kwartong ito ang kwarto ni Eros, sa tabi naman ng kwarto niya ang kwarto ko kaya madali mo akong matatawag o si Eros kung sakaling may kailangan ka,” sabi ni Celine kay Bryan.
Nasa ikatlong palapag ang mga kwarto. Sa ikalawa makikita ang mga guest rooms. Bale tatlo rin iyon. Sa dulo ng ikatlong palapag ay may terrace kung saan pwedeng tumambay at magpahangin. Kita nga doon ang malawak na view ng buong subdivision.
Napatingin si Bryan kay Celine.
“Ito ho ba talaga ang magiging kwarto ko?” tanong ni Bryan.
Napatango-tango si Celine saka ngumiti.
“Kung may kailangan ka pang gamit ay sabihan mo lang ako.”
“Hindi ho, ayos na ayos na nga ho sa akin ito,” mabilis na wika kagaad ni Bryan.
Napangiti naman si Celine.
“Halata nga na gustong-gusto mo,” sabi nito. “Oh paano at maiwan na muna kita dito. Ayusin mo na ang mga gamit mo bago ka magpahinga,” pagpapa-alala nito.
Napatango-tango si Bryan.
Naiwan sa loob ng kwarto si Bryan. Nilapag niya sa sahig ang hawak niyang bagpack saka kaagad na lumapit sa kama at pasalampak na humiga doon.
Inalog-alog niya ang sarili sa ibabaw ng kama. Para siyang bata na ngayon lamang nakahiga sa ganito kalambot na kama.
“Hay! Ang lambot. Ang sarap humiga dito,” sabi ni Bryan habang dinadama ang lambot ng kama. Papag lang kasi ang kama nila sa probinsya.
Tumigil sa pag-alog sa sarili si Bryan. Napatitig sa kisameng kulay puti. Napabuntong-hininga ng maalala ang ina.
“Pangako, Nay at ibibili kita ng malambot na kama,” pangako nito sa sarili. Napangiti ng tipid.
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Naayos na ni Bryan ang mga gamit niya sa cabinet. May mga nakalagay na nga rin doon na twalya at bimpo na galing kay Tita Celine niya. Tunay na pinaghandaan ang pananatili niya sa kwartong ito.
Kumuha si Bryan ng twalya. Naisipan niyang maligo na muna dahil na rin sa galing siya sa labas at sa tingin niya ay kumapit na sa kanya ang lahat ng alikabok.
Ipinatong ni Bryan ang twalya sa balikat niya. Hindi niya naisip na magdala na ng damit at doon na magbihis sa banyo.
Naglakad si Bryan papunta sa pintuan, nang makarating ay pinihit ang doorknob saka iyon binuksan.
Muli niyang sinara ang pintuan ng makalabas na siya ng kwarto. Napatingin siya sa pintuan ng kwarto ni Eros na kulay gray. Napangiti siya nang tipid.
Umiwas siya nang tingin sa pintuan saka bumaba. Wala siyang naabutang tao dito sa ibaba. Marahil ay nasa sariling kwarto sila Celine at Eros ngayon.
Naglakad si Bryan papunta sa banyo, nasa bandang kaliwa iyon malapit sa kusina.
Napangiti si Bryan ng makarating sa banyo at pumasok doon. Malawak ang banyo, may shower at bathtub pa. Sa gilid, naroon ang toilet bowl.
Sinara ni Bryan ang pintuan ng banyo pero nakalimutan niyang i-lock. Pinatong sa sabitan ang dalang twalya saka tinalupan na ang sarili.
Sa harapan ni Bryan ay may full body mirror kaya naman nakita niya ang buong kahubdan na walang saplot. Hindi niya napigilang mapangiti.
“Konting kain at exercise lang at mas magiging maganda pa ang katawan mo Bryan.”
Hinawakan niya ang kanyang dibdib na medyo maumbok na. Nasagi pa ng hinlalaking daliri niya ang pinkish na kanang u***g. Pinalo-palo ng mahina ang dibdib gamit ang palad.
“Matigas.”
Napansin rin niya ang flat na tiyan. Kahit papaano ay may abs na rin naman siya ‘yun nga lang hindi anim, mga apat lang yata at hindi pa ganun kaumbok. Ok lang dahil bumagay naman iyon sa medium built niyang katawan na may pagka-slim din.
Hindi rin nakaligtas sa tingin ni Bryan ang kanyang ari at nakalaylay na dalawang bola. Natawa pa siya sa sarili.
“Parang lumaki ka ah,” sabi nito. Iyon kasi ang napansin niya. Nagmamalaki na kahit malambot pa. “Binatang-binata ka na talaga,” nangingiti pa niyang sabi.
Umiwas na nang tingin si Bryan sa salamin saka umalis sa harapan. Tiningnan niya ang shower room na nahaharangan ng blurred na salamin. Naglakad siya sa papasok doon.
Sinara niya ang pintuan ng shower room. Tiningnan ang paligid. Hindi niya maiwasang mamangha sa ganda. Lahat ng dingding ay gawa sa tiles. Doon kasi sa probinsya nila, gawa sa bato ang banyo at tabo lang ang gamit niya sa pagligo.
Humarap si Bryan sa shower faucet saka sa pihitan nito. Tinaas ang kamay saka hinawakan ang bukasan ng shower, pinihit iyon.
Napatalon sa gulat at lamig ng tubig si Bryan dahil sa biglaang pagbuhos nito sa hubad niyang katawan.
“WHOAH! ANG LAMIG!” napasigaw na si Bryan pero aminado siyang nasarapan sa pakiramdam ng tubig na bumabasa sa buo niyang katawan.
Nagsimulang mag-enjoy si Bryan sa paliligo. Pinatay na muna niya ang tubig sa shower. Sa bandang gilid, nakasabit sa pader na gawa sa tiles ang isang shelve kung saan nakalagay ang mga gamit sa panligo.
Kinuha niya ang bote ng shampoo saka binuksan, naglagay sa kamay ng laman nito saka pinabula at nilagay sa buhok.
Parang bata na naglaro si Bryan sa loob ng shower. Nariyan na pinapalobo pa niya ang bula ng shampoo, gagawa ng kung ano-anong bagay gamit ang bula.
“Ho! Ho! Ho!” natatawang sabi ni Bryan. Feeling niya siya si Santa Clause dahil may bigote at balbas na siya gamit ang bula.
Nagpatuloy pa sa paglalaro na parang bata si Bryan. Ngayon lamang siya nakaligo sa ganitong klaseng banyo kaya tunay na nag-eenjoy siya.
Samantala...
Naglalakad naman papunta sa banyo si Eros dahil iihi siya. As usual ay naka-poker face ang mukha nito.
Parang modelo ng underwear si Eros kung maglakad. Nakasandong puti kasi ito kung saan litaw ang may laman na nitong mga braso at bakat ang pares ng u***g na nasa tuktok ng may kaumbukan na nitong dibdib. Nakasuot lang ng boxer sa pang-ibaba kung saan medyo nakabukol ang harapan nito.
Humikab si Eros, medyo inaantok pa siya kahit na kagigising lang naman niya.
Nakarating na ng banyo si Eros, agad-agad ay binuksan nito ang pinto saka pumasok. Pupunta na sana sa toilet bowl para umihi pero nagawi ang tingin niya sa shower dahil may narinig siyang mga kaluskos at pagbuhos ng tubig.
Bigla namang napatingin sa labas ng shower room si Bryan dahil parang narinig niyang bumukas ang pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil mula sa labas ay nakita niya si Eros na nakatingin na rin sa gawi niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya.
Nanlalaki na rin ang mga mata ni Eros dahil sa gulat. Nakabuka pa ang bibig nito. Nagising ang diwa. Kahit na malabo ang harang ng shower area ay naaaninag niyang wala itong saplot sa katawan. Dinaga sa kaba ang dibdib niya.
Napatingin naman si Bryan sa katawan niya. Nakahubad pala siya kaya naman...
“WAAAAAHHHHHHHHHHH!” malakas na sigaw ni Bryan sabay takip ng mga kamay sa kaselanan niya. Gusto nga niya na pati ang dibdib niya ay takpan niya pero dalawa lang ang kamay niya.
“AAAAAAAAAHHHHHHH!” napasigaw na rin si Eros saka agad-agad na tumalikod at lumabas muli ng banyo. Umurong ang ihi dahil sa gulat.
Ramdam naman ni Bryan ang panlalambot kaya napaupo ito sa tiles na sahig ng shower area.
“Nakita niya kaya?” tanong ni Bryan sa sarili. “Pero malabong makita niya... oo tama malabo... kasing labo ng harang ng shower area,” natatarantang sabi pa nito.
Mula naman sa labas ng pinto. Nakatayo si Eros. Nanlalaki pa rin ang mga singkit na mata. Hinihingal na parang kakatapos lang tumakbo ng pagkalayo-layo.
“Wala kang nakita Eros. Oo. Malabo kaya wala kang nakita,” sabi nito sa sarili. Napatango-tango pa bilang pagkumbinsi sa sarili.
Pinagpagpagpag ni Eros ang itaas na bahagi ng sando niya dahil nakaramdam siya ng init.
“Tsk! Ang init!” reklamo ni Eros saka pumunta sa kusina at kumuha ng tubig saka kaagad na ininom iyon.
Napatingin si Eros sa pintuan ng banyo. Napailing-iling ito saka napabuntong-hininga.
“Kasalanan mo ‘to, hindi ka kasi naglo-lock ng pinto!” naiinis na sabi ni Eros.
Sa loob ng banyo...
Nagmamadaling lumabas sa shower area si Bryan saka tinungo ang pinto. Nilock iyon. Napasandal siya sa likod, napabuntong-hininga.
“Hay! Hindi ko pala siya na-lock,” sabi ni Bryan sa sarili. “Tanga! tanga! tanga!” sabi pa nito bilang paninisi sa sarili with matching pagpalo pa ng mahina sa ulo ng paulit-ulit.
Napabuntong-hininga si Bryan.
“Hay! Tapusin ko na nga ang pagligo,” sabi nito saka muling bumalik sa shower area at nagmamadaling tinapos na ang pagligo.
Natapos na maligo si Bryan. Muli siyang lumabas sa shower area saka kinuha ang twalya. Nagpunas ng buhok at katawan pagkatapos ay tinapis iyon sa bewang niya.
“Teka, paano kung nasa labas pa siya? Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito,” sabi ni Bryan sabay tingin sa sarili.
Nilagay ni Bryan ang hintuturong daliri niya sa labi niya. Nag-isip.
“Ah... silipin ko muna kung nandyan pa siya tapos kapag wala, doon na ako lalabas at magmamadaling pumunta sa kwarto.”
Napabuntong-hininga si Bryan. Lumapit siya sa pinto. Pinihit nang dahan-dahan ang doorknob. Bahagyang binuksan ang pinto.
Sumilip si Bryan sa labas. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala ng tao. Wala na si Eros.
“Hay salamat!”
Lumabas na ng banyo si Bryan at nagmamadaling maglakad na parang daga na takot mahuli ng pusa. Nakatakip pa ang braso at kamay niya sa kanyang dibdib.