Chapter 12

1107 Words
Hindi ko alam kung bakit bigla kong pinilas ang page na iyon at saka nilukot ang pinagpaguran ko nang halos kalahating oras. Bakit palagi na lamang si Ash ang aking naguguhit at bakit bumibilis ang t***k ng pusok ko kapag nahuhuli ako ni Sage? "Bakit hindi mo siya tanungin kung gusto niya bang maging model mo? He'll like it." Umiling-iling ako. "I don't want to be a burden to him." "Mas maigi nang tanungin mo siya kaysa magulat na lang siya isang araw." Napahawak ako sa aking dibdib pagkatapos ay niyakap ko nang mahigpit ang aking sketchbook nang mapansin kong nasa likuran na pala namin si Ash. "Did he bully you?" "Nope. May tinanong lang siya sa akin. Do you need anything?" "Your shadow bodyguard. Kailangan natin siyang patahimikin." Napatakip ako ng aking bibig gamit ang aking kamay. "Artists have wild imagination. Babayaran lang natin siya." Napahalakhak naman si Sage habang tinuturo ako. Napatahimik lamang siya nang lumapit na sa amin si Erin. "So... mag-aambagan ba tayo?" tanong ko. "Don't worry, I got this," sagot ni Ash. "Captain kung may pera ka, baka naman." paghirit ni Yves. Ngumisi lamang siya saka tumango. Napakusot nang mata si Blake dahil kadalasan ay palaging "No" ang natatanggap ni Yves mula sa team captain. "I want to see improvements in your grades and performance." Tinapik ni Blake si Yves. "It's a deal Kuya. Wala nang bawian." Nag-thumbsup lang si Ash Saka nagtuloy-tuloy maglakad patungo sa bleachers kung saan nagwawalis ang aking shadow bodyguard. Bilib nga ako sa nakuha ni Uncle dahil sobrang sipag at in-character talaga. Ewan ko ba kung na-bored siya o di kaya ayaw niya lang akong mailang. Ngunit hindi ito ang panahon upang humanga. Hinila ko si Ash saka binulungan siya na hintayin ako. "Good Morning po," pagbati ni Ash. Nang ibaba ng aking shadow bodyguard ang kanyang shades ay napakamot na lamang ako ng ulo. "Kuya Jericho? What are you doing here?!" Just like Kuya Clint, he was a former Olympian na nakatanggap siya ng maraming gold medals. Bakit siya ang shadow bodyguard ko? "No, I didn't file for bankruptcy." sagot ni Kuya Echo pagkatapos niya pulutin ang bumagsak na walis tingting. "Then why?" "Sawa na akong umupo buong maghapon kakatingin sa trading charts." Nakapamaywang ako at pinagmamasdan siyang magwalis. "Bad trade day?" "Nope. And huwag kayong mag-alala, akong bahala sa Uncle mo. Isa lang ang masasabi ko. I didn't regret my decision. I can't wait to witness the drama before my eyes." Then he hummed a song I didn't know "Hindi mo ba ipapakilala sa akin ang boyfriend mo?" Ash introduced himself pagkatapos ay nagbalik ito sa pagwawalis. Nang makabalik si Kuya Clint ay sinabi niyang malapit na ang annual Sports Festival. And to make things interesting, may makakalaban ang bawat sports team mula sa kalapit na schools. "So pagkatapos nating magdusa, magparty-party na tayo!" "This is a serious matter. Nakasalalay rito ang scholarship niyo." Napayuko na lamang si Yves. Expected ko na minsan may pagka-strict talaga si Kuya Clint dahil sa training na pinagdaraanan nila noon. Tinapik ko na lamang ang balikat niya I think they all needed it for their growth. "After final exam, ay magkakaroon tayo ng swimming boot camp. But before that, I wish you all good grades in your exams.Any questions?" "Sir, kailangan paano po 'pag hindi ako makakasama sa boot camp?" "Dahil ba ito sa side gigs mo?" "Yes po. Kailangan kong kumayod para sa mga kapatid ko." "Nangangailangan kami ng staff sa itatayong cafe ng Ate ko. I-recommend kita." Napalagay ng palad sa kanyang batok si Yves. May binulong siya habang nakayuko ngunit hindi ko ito narinig nang maayos. "Ano ka ba, huwag ka nang mahiya." Bigla namang lumuha si Yves kung kaya't nag-group hug kami. Hindi ko inaasahan na ang pinakabata at may pinakamalapad na ngiti sa swimming team ay may matinding pinagdaraanan. "That's settled. See you on Monday." Hinatak naman ako ni Kuya Clint sa isang tabi at nag-sorry dahil hindi niya raw maihahatid. "That's alright, Kuya, nandiyan namin 'yung bodyguard ko. Huwag kang mag-alala." "Hey," sabay lapit ni Kuya sa aking tainga. "Parang sus 'yung bodyguard mo 'ha." Napakurap naman ako. Ganoon ba kagaling mag-disguise si Kuya Echo at hindi niya namukhaan ito kahit na magkakasama silang nag-train? "Bakit naman Po?" "Nakakailang iling at middle finger na binibigay sa akin ng isang 'yan. Malapit ko nang masuntok." Itinago ko ang aking kaba sa aking pilit na pagtawa. "Baka hindi Naman ganun?" "Sure ka bang hindi si Echo 'yan?" Napalunok ako ng laway. Napatayo si Kuya Clint saka umiling-iling. "Bakit siya pa pinadala?" "Siguro po dahil martial artist din siya?" He ensured Kuya Echo was looking in our direction saka siya nagbigay ng middle finger. "It's fine. As long as hindi siya mangingialam sa decisions ko. And also could you please wait for me? May pinapagawa sa akin si Dean." "Kuya, Hindi ako kindergarten student para ihatid sundo." "Don't worry, magiging safe siya." Napalingon na lang ako kay Kuya Echo nang may kamay na dumampi sa aking balikat. Ang gusto ko lang naman ay makauwi nang payapa. "Paano po kaya kung ako na lang ang maghatid sa kanya?" Bumingisngis si Kuya Echo. "That's much better. I trust this man." "Siguraduhin mo na makakauwi siya in one piece. No wounds, injury or scratches." Tumango lang si Ash. Nang nagtungo si Kuya Clint sa Dean's office at si Kuya Echo naman ay umihi, kaming dalawa na lang ang natira. Sa sobrang stressed ko sa bardagulan ng dalawa, hindi ko napansin na umuwi na rin sila Erin. "Thanks for helping me back there." "Don't worry. Kulang na lang kagatin mo 'yung lapis na nasa bulsa mo." "Pareho silang competitive pero ayaw kong pumagitna sa kanila." "It's also my thanks for your hospitality last night." Naningkit ang aking mga mata. Paulit-ulit kong narinig ang huling sentence na kanyang sinabi. Hospitality? Kailan ko siya pinatuloy sa bahay namin? Last night daw. Teka.. I gasped at the realization. "Don't tell me that wasn't a dream?!" Now, it was his turn para maningkit ang kanyang mga mata. "You thought it was all a dream?" Inilagay niya ang kanyang palad sa kanyang noo. "That explains why napaka-impulsive mo." Tumaas ang aking kilay. "How the heck would I know? Inisturbo mo ang tulog ko." "I'm sorry." Hindi na ako nakahirit pa. "Anong ginagawa mo sa bahay ko? Bakit ka kumatok sa bintana ko? Huwag mong sabihing..." Napaatras ako sa kanya. He grunted then inutusan niya akong huwag umatras dahil baka mahulog ako sa pool. Hindi nga ako nagkakamali dahil ilang atras pa ay mababasa na ako. "I'll explain to you once we get to your house."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD