Chapter 13

1008 Words
"Why? What's with my home? Huwag mong sabihing member ka ng akyat bahay?" "Wait for me here." Grabe talaga ang pagtaas ng aking mga kilay tapos nakapameywang pa ako. Hindi siya sumagot pero napatingin siya sa direksiyon ni Kuya Echo na papalapit sa amin. Isa talaga ito sa mga kinaiinis ko 'yung binibitin ako lalo't na excited akong malaman ang sagot. Dadakmain ko na sana braso niya ngunit nakatakbo na siya. Wala akong sinabi. Naghihinala pa rin ako sa kanya. "Oh, saan 'yun papunta?" "Malay ko ba?" I said with my arms crossed. "Hmmm... May LQ ba kayo?" Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos ay gumawa ako ng 'x sign' gamit ang aking braso. Sa halip na sagutin ang tanong ni Kuya Echo, umupo na lang ako sa bleachers. Kung hindi lang ako dedicated na mapaniwala ang aking stalker at kung hindi lang nakapangako si Ash na ihahatid ako, iniwanan ko na siya. Pagkatapos nang ilang minuto ay bumalik siya na may dalang tatlong cups ng iced coffee. Sa tingin niya ba ay mawawala ang inis ko kapag binigyan niya ako ng kape? "I'm sorry but Hindi ako tumatanggap ng suhol from suspicious people." "Hindi ka ba nauuhaw?" Sa totoo lang nakaka-tempt tanggapin. Medyo nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Saka mahirap tumanggi sa libre. "Ako. Nauuhaw na." Iniabot ni Ash 'yung para kay Kuya Echo. Saka siya tumingin pabalik sa akin at talagang yumuko pa siya. "How about you?" "I guess, I need a cold beverage." Ang lapad ng ngiti niya. Nakakainis. Pero when I sipped at my coffee, the irritation subsided. "Huy, sasabihin mo?" Muntik ko nang mabitawan yung cup kasi bigla na lang akong siniko ni Kuya Echo. "Thank you." Pumalakpak si Kuya Echo Saka naglakad palabas ng school. Sinundan namin siya. "Saan naka-park ang kotse mo?" "Ako na lang po ang kukuha." Tumango na lamang siya at itunuro ang waiting shed sa di kalayuan. "Kung ako sa iyo, papakinggan mo siya kung gusto mong malaman ang sagot sa tanong mo." Napanganga ako. Sinasabi ko na nga ba. Bakit kasi napaka-gullible mo Clementine? "Pero sa susunod huwag kang basta-basta magpapasok ng sinuman sa kwarto mo." "Akala ko naman panaginip kasi." "It doesn't hurt to be careful even in your dreams." Ang tunog ng pagsipsip ko sa iced coffee kasabay ng pag-ihip ng hangin ang aking narinig. "Yes po. I'll keep that in mind." Kuya Jericho patted my head and gave me a smile of approval. However, I still disagree a hundred percent. These adults in my life weren't completely wrong. However, it was my dream. Sa panaginip ko na nga lang nararandaman na para ako isang ibong malayang nakakalipad tapos magiging rigid pa ako? Mayamaya pa'y narinig ko ang pagbusina ng kotse ni Ash. "You didn't have to honk." "Nakatulala ka kasi. Hindi mo nga napansin na tatlong minuto na akong nakaparada sa harapan mo." Wala na akong energy para sagutin siya kaya dumiretso na lang akong pumasok sa sasakyan. During the whole ride, nagkwentuhan lang ang dalawa tungkol sa mga sasakyan. And I couldn't believe na pati ang sasakyan ay pinapangalanan na rin. Nagmadali akong pumasok sa bahay. Buti nga hindi ako natapilok. Kaagad kong napansin si Uncle at ang babae katabi niya sa sala. May iba pang mga bisita ngunit busy na ako sa pag-iisip kung saan ko ba na-meet 'yung babae. "She's our school psychologist." Nababasa niya ba kung ano ang nasa isip ko? "Anong gusto kong ulamin today?" Kumunot ang kanyang noo. Tinitigan niya ako na para bang isa akong alien. "I don't know. Just eat anything." Marahan kong hinampas ang kanyang balikat. "Nababasa mo kung anong nasa isip ko?" "How I wish. Mas madali ko sanang malalaman kung paano mapapasunod si Yves." "At kung anong prank ang pinaplano niya." "That too." Napalingon ako sa boses ni Mama. "Mabuti't nandito na kayo. Just change clothes and we'll eat dinner." "Iyan ba ang pamangkin mo Hunter? Natutuwa naman ako at close sila ni Ash." "Yes. She's the new assistant manager of the swimming team." Napapalakpak pa ang babae. Nagmano ako at ipinakilala ang aking sarili. Then, pagkatapos ay ipinakilala ni Uncle si Ms. Yuzu. Nanlaki ang aking mga mata dahil siya na ang pangalawang tao na ipinangalan sa citrus fruit na na-meet ko. Pagkatapos ay patakbo akong nagtungo sa kwarto. Anong nangyayari? And the way na nakalingkis 'yung girl Kay Uncle meant... "Sa wakas! Mag-aasawa na siya! Mahahati na ang atensiyon na. Pero bakit parang kilala ng family ng girl si Ash?" Ayaw kong masermonan sa harap ng mga bisita kung kaya't pagkabukas ko ng drawer ay aking isinuot ang unang dress na nadampot ng aking kamay. I also braided my hair para mukhang presentable tayo. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina upang tulungan sina Ate Jaja at Nanay Puring na i-set ang table. Sa umpisa, tinaboy nila ako na parang aso,kaso nagmakulit ako at pumayag na rin sila. "That's admirable. Your daughter's helping the housemaids." "Thank you, Balae. Naku iyan naman ang itunuro namin ni Hunter sa kanya. Hindi porke't may mga katulong kami ay mag-aasta siyang prinsesa." Mabagal kong hinila ang upuan at naupo. "Sigurado kung nakikita ka niya ay magiging proud siya sa iyo." Di rin nagtagal ay nagdasal kami at habang kumakain ay napag-usapan na nila ang tungkol sa kasal. Kinabagan akong bigla. Bakit sila nagmamadali? Matagal na bang naging sila at ngayon ko lang nalaman? Dahil nasa kanan ko lang si Ash, sinipa ko ang paa niya ngunit hindi nagbago ang reaksiyon niya. Bakit hindi niya ako pinapansin? Ni isang lingon man lang ay wala. "Why?" "I don't know what's going on." "Then ask them." Todo nguya pa siya sa barbecue na bagong ihaw. Sana kabagin siya nang malala. "Minnie, kamusta naman si Ash? Meron pa ba siyang stalker?" Buti na lang nalunok ko na 'yung cake. "So far, wala naman po akong napapansin pa." Ningitian ako ni Ate Yuzu at nagpasalamat. Akala ko doon na matatapos ang interrogation ngunit may follow-up question pa pala siya. "How about a girlfriend?" At doon na nagsimula ang g**o.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD