Chapter 11

703 Words
Pinalibutan namin si Blake. Nakalapit na ang mga tainga namin sa kanya. "Sabihin mo na Dali!" Saad ni Yves. "Kailangan mo ng boyfriend." I gasped at what I heard. The word "boyfriend" vibrated in my head a couple of times. "Paki-explain kung bakit 'yan ang best solution," utos ni Sage. Ipinaliwanag ni Blake na nagkaroon ng sigalot sa basketball team noon dahil inagaw ni Roger ang girlfriend ng vice captain. Sa sobrang galit ay nag-transfer ng school ang vice captain. Dahil isa sa mga star players ang dating vice captain ay labis na nagalit ang coach. Big shots at may mga connections ang kamag-anak niya ni Roger Kung kaya't hindi niya ito matanggal. Ngunit sinuntok ito sa panghihinayang. Nagkaroon ng resolusyon si Roger at ang coach kung saan hindi na mauulit ang nangyari. "Isa pa, gusto niyang maging Olympic player. Hindi niya gugustuhing mabiktima ng cancel culture," dagdag ni Blake. Paglingon ko kay Erin, nakita kong nag-scroll siya ng phone. May ipinakita siyang mga pictures ng halos limang lalaki. Mga pinsan niya pala iyon. Pinapili niya pa ako kung sino sa kanila ang pinakagwapo para raw maging boyfriend ko. "Erin, sa tingin ko hindi tamang manggamit ng ibang tao para tantanan niya ako. Ayaw kong matulad Kay Roger na pinaglalaruan ang feelings ng iba." Ipinasok niya ang phone sa kanyang maliit na duffel bag. Pagkatapos ay naglabas siya ng nail file ang pinaikot-ikot ito sa kanyang palad. "You're right. Bakit hindi ko na lang siya abangan sa kanto at saksakin?" Inagaw ni Sage ang nail file mula sa kanya. "Erin, gusto mo ba talagang mag-stay sa kulungan?" "Why not? I don't need to study at may libreng pagkain." Napainom na lang ng tubig si Sage. When Ash cleared his throat, it was complete silence. Iba talaga ang aura ng mga team captains. "Everyone. Usually, I don't allow this personal crap to affect the team." I knew it. Kung nakamamatay ang tingin, baka nasa punerarya na ako. Hindi ko ginustong idamay ang iba sa problema ko. Umiwas na lang ako ng tingin. "However, I think the solution was simple. We have to report him to the police." Umalma naman si Blake. Tinanong niya ako kung may ebidensiya ba. Siyempre wala. Kapag nakikita ko siyang papalapi, ssa lang ang naiisip ko. Gusto kong mawala siya na parang bula o di kaya. Minsan, I would gaslight myself. Sinasabi ko na kamukha lang ni Roger 'yung sumusunod sa akin. "Roger's family is influential. His cousin is our city councilor." "Hunter Balaguer's also influential." This time, Hindi na ako nakikinig sa pinaguusapan nila. This stalking topic was a stressor. Nakita ko 'yung shadow bodyguard ko sa di kalayuan na may hawak na mouse trap. Napakamot ako ng ulo. Sa pagkakaalam ko, wala namang daga dito sa campus. Wait... Mouse trap... Tama! I raised my hand. "May naisip kang idea?" tanong ni Ash. Tumango ako. "What if I use myself as bait to gather evidence?" Napapikit si Ash at saka minasahe ang kanyang ulo. "I wouldn't allow it. That's too risky." "Pero..." "Let's stick to the first plan, then. I'll be your boyfriend starting today." "That's right!" My facial muscles froze. Erin shook Ash's shoulders. Pailing-iling lang si Sage. "Bro, I don't think it's a good idea. You're already in a spider's web!" "Pareho nating kilala ang uncle ni Clem. Sa palagay ko ay papayag siya sa idea." "Ash, paano tayo magiging kapani-paniwala kung lagi tayong nagbabadargulan?" "Then, we'll be an interesting couple don't you think?" Ang sarap pingutin ng pisngi niya. Pangisi-ngisi lang siya. Bandang huli ay pumayag na rin ako. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Habang naghihintay kay Kuya Clint ay nagpatuloy ang swimming team sa pag-practice. Although may pagka-strict, Hindi nakalimutan ni Ash na purihin sina Blake at Yves. Ngunit, sinasabi niya rin ang mga paraan kung paano sila magiging effective swimmer. May kasama pang demonstration iyon. "Wow, nice sketch." Napabitaw ako sa pen at papel. Hindi ko namalayan na gumalaw na pala ang aking mga kamay. Akala ko ay gumihit lang ako ng random shapes and lines kaso hindi ko namang inakala na full sketch na pala iyon. "It happened for the second time." Bakit ba lagi na lang si Sage ang nakakapansin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD