Chapter 19

1076 Words
Napalingon si Ash sa kanilang mga kaibigan na nakasunod sa kanila na parang mga tuta. "What did I say?" "Captain, curious din kami kung sino ba talaga ang baliw na gumawa nito kay Ate." sabi ni Blake. "You're right. Baliw lang ang gagawa nito kay Minnie," sagot ni Ash. "Captain, pero bakit kayo magka-holding hands ni Ate?" Nagkatitigan sina Minnie at Ash. Sa sobrang rattled niya, hindi niya napansin na magkahawak-kamay pala sila. Kung gaano katagal na sila sa ganoong posisyon ay hindi nila alam. "I'm making sure, she won't fall." Medyo nabubulol na siya ngunit pinalalim niya ang kanyang boses upang maalerto ang kanyang mapang-asar na mga kaibigan. "Ah ganoon po ba?" pasarkastikong tanong ni Yves. "Is there something wrong?" "Wala po. Sige po lakad na po kayo nasa likuran lang po kami." Pinagpawisan ang binata sa tanong. Siniko naman siya ni Blake hudyat na dapat na itong tigilan ang iniisip. "Guys, I said we don't need an entourage." Ang tanging sagot lang ni Erin ay isang malapad na ngiti. Napailing na lang si Ash sa kabaliwan ng kaibigan. "Ash, bakit tayo papunta rito? Akala ko ba hindi na tayo magsusumbong?" "You'll see." Pagkatok nila sa faculty room ay tumambad sa kanila ang isa sa mga professors. "Good Evening po. Is Mr. Gonzales there?" Tumango lang ang propesora at pinapasok sila sa loob. Agad nilang nahanap ang propesor sa kanyang desk. "Anong kailangan natin?" tanong ng propesor habang nakatingin sa binabasa nitong libro. "Good Evening po. Sir, Itatanong lang po snaa namin kung may student kayo na ang pangalan ay Pia Trinidad?" "Course code?" "ITNL459" Pagkatapos mag-type sa kanyang laptop ang professor ay umiling ito. "Walang student ang may pangalang ganyan." "Sir, siya po 'yung ka-partner ko sa project." "Are you sure, hija?" "Yes Sir, naalala niyo po na nag-submit po kami sa inyo ng team name namin at ang proposed subject namin?" "Regarding that, napansin ko na wala kang pinasa na proposal." "Sir sabi ni..." "Sir, wala naman po bang problema if she will send her proposal tonight?" "Don't worry about your girlfriend. As long as she passed the requirements I won't give her a hard time." "Thank you po Sir." magkasabay na sagot ng dalawa. Nang makalabas ng faculty room ang dalawa ang nanlambot ang mga tuhod ni Minnie. Mabuti na lamang at nandiyan si Ash para alalayan siya. "Guys, she doesn't need questions and won't enertain one." "Why? What's going on?" tanong ni Sage. "Kumilos na naman siya." "Huwag mong sabihing..." Nanigas si Erin sa kinatatayuan. Napansin ito ni Minnie kung kaya't tinanong niya si Ash kung ano ang nangyayari. Nagulat na lamang si Minnie nang biglang lumuhod si Ash. "Hoy, anong ginagawa mo?" "Okay lang kahit sampalin mo ako at pagsisipain. Matatanggap ko." Lumingon siya kina Erin ngunit nakabusangot silang lahat. "My stalker... She harmed you." Naningkit ang kanyang mga mata. "Nabibingi na 'yata ako." "Ate, hindi mo kailangan ng hearing aid. Totoo iyon." "May stalker ka rin?" sabay turo niya kay Ash. "I'm sorry, I didn't tell you earlier." "Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad? Nasampal ko sana siya para sa iyo. At dahil diyan, you'll help me with my proposal." Tumayo si Ash at kinuha ang kanyang backpack na nakasukbit sa kanyang likuran. Maraming katanungan si Minnie ngunit mas iniisip niya ang deadline ng proposal para sa kanilang project. Pagkagaling sa bahay, ay mabilisan siyang kumain at naligo. Pagkatapos ay nag-video call sila ni Ash. -Ash- "Paano mo nagawa ito sa amin ng anak mo?" Kahit wala pang masyadong naiintindihan si Ash ay isa lang ang nasa isip niya. Ayaw niyang makitang nag-aaway ang kanyang mga magulang. Natutulig siya kapag naririnig ang kanilang mga sigawan at sumasakit ang kanyang dibdib. Pakiramdan niya rin na parang nahihirapan siyang huminga. Gusto niyang pumagitna sa kanilang dalawa ngunit nanigas ang kanyang katawan. Wala siyang magawa kundi ang isiksik ang sarili sa ilalim ng lamesa. Hiniling niya na sana'y bangungungot lang ang lahat. Ngunit masakit malaman ang totoo. Isang araw bigla na lang umalis ang kanyang ama bitbit ang kanyang mga bagahe samantalang ang kanyang ina ay humihikbi. Lumuhod siya sa harapan ng kanyang tatay ngunit nagpatuloy pa rin ito sa kanyang pinaplano. Simula nang araw na iyon ay nangako siyang hindi tutulad sa kanyang ama. Hindi siya mananakit ng babae. Subalit sa huling taon niya sa highschool ay may nagpakilala sa kanyang isang babae. Isa siya sa mga popular na estudyante sa kanilang paaralan. Halos lahat ng mga lalaki ay nagkakandarapa na ligawan siya. Ang mga babae nama'y ginagaya kung paano siya manamit. Ngunit naiiba si Ash. Ang nasa isip niya ay bigyan ng karangalan ang bansa sa pamamagitan ng paglangoy. "Wait, so wala ka man lang crush sa kanya? She's pretty!" Umiling lang si Ash. "I can't believe you're praising someone who hurt you." Napahawak sa kanyang baba si Minnie. "Don't tell me you're thinking ridiculous things." "RIdiculous agad?!" Dinampot ni Ash ang flask sa kanyang study table ay mabilisang uminom ng tubig. Muntik na itong masamid nang itinanong ng dalaga kung bakla ba siya. "Pamangkin ka ba talaga ni Kuya Hunter?" "Anong masama sa tanong ko? Tatanggapin naman kita kung sakali." "I'm a man who likes girls. Except girls that stalk me and the girls whose brain is the size of a mung bean." Nakapamaywang na si Minnie at ang butas ng kanyang mga ilong ay lumaki. Hindi mapigilan ni Ash na mapatawa sa reaksiyon ng kanyang fake girlfriend. "What makes you think na nakakatawa ka?" "Hey, is your brain as big as a mung bean?" "Of course not!" "Then bakit ka nagagalit?" Wala nang maisagot si Minnie kung kaya't iniba niya ang usapan. Gusto niya sanang itanong ang mga pinaggagawa ni Pia sa kanya ngunit nagpigil siya dahil alam niyang sensitive topic ito para kay Ash. "Sa palagay mo galit siya sa akin kasi akala niya naging tayo?" "I didn't know. But prepared for her tactics." "Huwag kang mag-alala. Igaganti kita Ash. Itaga mo 'yan sa bato!" Hindi na mabilang ni Ash kung ilang beses siyang napatawa ni Minnie. Ang alam lang nito'y walang dull moments pag kasama niya ang dalaga. "Now that you've had closure, shall we continue working with your proposal?" Biglang nanlambot si Minnie ngunit wala siyang magawa dahil ayaw niyang magalit si Ash. Samantala, sa labas ng kanyang tahanan ay may isang lalaki na nakatanaw sa kanyang bintana. "Minnie, magbabago rin ang isip mo. Ma-re-realize mo na mas mabuti akong tao kaysa sa iyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD