Chapter 20

1034 Words
~Minnie~ Maituturing na isang miracle na nakasurvive ako sa forty minute lecture nang hindi na-di-distract. Kadalasan kasing may mga bagay na bigla ko na lamang naiisip sa maling lugar at panahon. "This will be the scope of your midterms." saad ng aking professor. Sa wakas matatapos na rin ako rito. Parang mga laser g*n ang aking mga matang nakatutok sa kanyang mga kamay habang pinagpapatong-patong niya ang tatlong libro sa kanyang desk. Sa panahong wala nang masyadong gumagamit ng libro ay masasabi kong napaka-traditional ng ibang mga professors. Sunod namang napunta ang aking atensiyon sa kanyang laptop. Nang siya'y makatayo ay doon lang ako nag-unat ng aking mga buto. Midterms. Kung siguro'y hindi pa ako parte ng kahit anong school related clubs ay hindi ko na iintindihin kung average lang grades ko kasi 'yun naman talaga ang gawain ko dati pa. Why give a hundred percent kung puwede namang thirty percent lang yet we'll still graduate at the end of the day? Kaso, isa sa mga conditions ni Uncle ay huwag pabayaan ang academic life ko. On top of that, I need to get more than the average. He was the expert talaga pagdating sa pagbibigay ng unrealistic expectations. "Minnie!" Napalingon ako sa sigaw ni Yuzu. Kahit na palagi niyang binabasag ang eardrums ko ay gusto ko pa rin siyang kasama. Siguro dahil sa parangka siya at confident ako na hindi niya gagawin 'yung ginawa ni... "Okay ka lang, bakit ka umiiling ayaw mong ilibre kita?" "Ha? Saan?" Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat at inalog ako hanggang sa pigilan siya ni Ash. "Let go of her, you crazy woman!" Ash slighty tapped my cheeks while asking me if I'm alright. Kahit malabo pa ang aking paningin sa pagkahilo, alam kong napakalapad ng ngiti ni Erin samahan pa ng mapanukso niyang tono. "Oh, yes. Ayaw pala na nasasaktan ni Ash ang XLB niya." Ang just like that, bigla na lang nawala ang aking pagkahilo kahit hindi ko pa naman kinalkal sa bag ko ang maliit na bote ng yellow flower oil. Ibinaon ko ko ang aking mga kuko sa braso niya. "Bakit mo sinabi sa kanila?" Sa umpisa'y napapikit siya ngunit marahan niyang inalis ang aking kaliwang kamay at ipinatong ito sa desk. Sumunod niyang ginawa ay isinukbit ang aking backpack at inutusan si Sage na bitbitin ang laptop ko. "It doesn't matter now. Nahihilo ka pa rin ba? Let's go to the clinic." I snatched my laptop and bag from them and walked straight to the door. "Oh, ano pang hinihintay ninyo? Illiibre niyo ba ako o ano?" Erin sprinted and clung her arms on mine. "Let's go!" Nang malapit na kaming makalabas ng school grounds ay doon namin natanaw ang basketball team na bumibili ng fifty peso ice cream na pinapalaman sa tinapay. Mas mabilis pa sa kidlat na tinabihan ako ni Ash sabay sukbit ng backpack ko at pulupot ng kanyang niyang kamay sa akin. "You're incredibly fast," papuri ko sa kanya. "You're incredibly slow." Kung wala lang sanang makakakita ay sinipa ko na ang kanyang ibon ngunit pinili ko na lang na ngumiti nang malapad at nang alam kung napapansin na ako ng mga kaibigan ni Roger ay nag-tiptoe ako at hinalikan sa pisngi si Ash. At hindi pa ako nakuntento, sinabayan ko pa ng pabebe voice at tinanong kung saan ba kami kakain. Nakita ko kung paano nawala ang lahat ng kulay sa mukha ni Roger. Ito ang naging signal para isakatuparan ko ang ikalawang phase ng plano ko. "Babe, ang sakit ng feet ko." sabay turo sa aking mga paa. Gumilid kami ngunit pinili namin 'yung spot kung saan makikita pa rin kami ng basketball team. Ibinaba ni Ash ang mga backpack namin saka kinuha ang nakatago niyang tsinelas. Kahit na capable naman akong suotin 'yun mag-isa, ay hinayaan ko mag-ala prinsipe at isuot sa akin ang tsinelas. In fairness, A for effort siya dahil I didn't text him to bring any footwear in advance. Nang lingunin ko si Roger, napatingin ako sa tinapay na sobrang napiga dahilan kung bakit nag-overflow 'yung ice cream. That's what you'll get for messing up with me. Hindi man kita mailagay sa rehas ay makukuntento na rin ako kung mabibigyan kita ng heart attack. Lumapad pa ang ngiti ko nang nasaksihan ko kung paano siya asarin ng mga teammates niya. 'Yung iba siniko-siko siya. Nagulat na lamang ang lahat nang bigla na lang nanuntok si Roger tapos nadamay pa 'yung mamang sorbetero nang bigla niyang pinagsisipa ang ice cream cart nito. Aware naman ako na may loose screws sa utak niya, pero hindi ko expected na halos pala lahat ng turnilyo ay maluwag. Nagulat na lamang ako nang may biglang humawak sa kamay ko at walang pasabi ay tumakbo pagtungo sa gate habang busy 'yung isa sa pakikipagbugbugan sa mga kaibigan niya. Nasaan ang mga security guards kung kailan kailangan mo sila? Muntik na akong matumba nang bigla na lang tumigil sa pagtakbo ang fake boyfriend ko. Bubungangaan ko na sana siya nang mapansin ko ang napakatangkad na figure na source ng aking mga sleepless nights at anxiety. "Hey! Bakit hindi mo sinasagot ang mga texts ko?" Umiwas ako ng tingin. Daig ko pa ang tumakbo ng marathon sa tindi ng paghingal ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko siyang harapin at masusuntok ko siya the moment na muli siyang mag-invade sa personal space ko. "I have bottled water here. Do you want some?" Tumango lang ako then Ash wiggled to brush the stalker's hand. Iaabot na sana niya ang bottled water ngunit bigla na lang siyang sinuntok ni Roger. "Hindi ka ba tinuruan ng manners, 'bro? Hindi ka dapat sumasabat sa usapan ng iba." I gasped at his audacity. Siya pa talaga ang may ganang mag-preach about manners? Kinuwelyuhan niya pa si Ash at pinagsusuntok at pinagsisipa ito ng ilang beses. At kahit ilang beses na siyang pinagsisipa ay he even managed to stand up although natutumba rin siya. Ang pinagtataka ko lang is kung bakit hindi siya lumalaban. Sa maikling panahon na magkasama kami ay alam kong siya 'yung tipo ng tao na kapag sinugatan mo siya at susugatan ka niya pagbalik. Anong nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD