Chapter 18

1222 Words
Kahit hindi naman niya ugaliing kagatin ang kanyang mga kuko ay bigla na lang niya itong nagawa. Hindi na siya makapaghintay na puntahan si Ash at gisahin ito. Sinubukan niyang ibigay ang isang daang porsyento ng kanyang atensiyon sa kanyang propesor. Ayaw naman niyang bumagsak dahil iyon na rin ang magiging araw ng kanyang kamatayan. Kahit pa sabihin na isang minor subject lang ang kanyang binagsak. "Hey, may partner ka na ba?" Napalingon siya sa kanyang katabi. Naningkit ang kanyang mga mata habang inaalala kung ano ang kanyang pangalan. "Uhm. Wala pa." Tumango na lamang siya. Sa sobrang stressed niya ay wala na siyang panahon para mag-inarte kung sino man ang kapart-ner niya sa project. Ang mahalaga sa kanya ay hindi ito pabigat. "Gusto mo i-discuss natin later 'yung distribution of labor?" "Wait, i-check ko lang schedule ko 'ha." "Sure! Give me your username para ma-DM kita." She typed her username sa SNS accounts at pagkatapos niyon ay naghiwalay na sila para pumasok sa susunod na klase. Mga ala-una na nang makatanggap ng sagot si Minnie mula kay Ash. Mag-re-reply na sana siya nang bigla siyang napamura nang makatanggap ng magkakasunod na messages mula sa kanyang project partner. Napa-irap na lamang ito. "Ano ba naman ito? Bakit parang atat na atat siyang pag-usapan namin 'yung distribution of labor eh may two months pa kami para matapos 'yung project." Ipinaalam niya kay Ash na medyo ma-la-late siya sa pagpunta sa practice dahil sa meeting niya sa classmate niyang excited. Hindi na niya hinintay ang reply ni Ash at ipinaalam sa project partner niya na magkikita sila sa isang restaurant sa tapat ng school nila ng mga alas tres. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay parang gusto niyang i-gatekeep ang recently discovered niyang coffeeshop. Mga sampung minuto pagkatapos mag-alas -tres ay nakarating din siya sa meeting place nila. "I'm sorry, Pia. Nag-extend kasi 'yung prop namin. Did you wait long?" "Naku, ano ka ba! I've been here three minutes ago kaya huwag kang mag-alala." Inilapag niya ang kanyang bag saka tiningnan ang menu. Nang makapag-decide na sila ng orders ay pinag-usapan na nila ang kanilang plano. Hindi naman tumagal ang meeting dahil na-plano na lahat ni Pia ang execution. Ang ginawa lang ni Minnie ay sumang-ayon at klaruhin ang duties niya. Papaalis na sana siya nang matapunan siya ng kape ng isa sa mga customers. Mabuti na lamang at iced coffee ito kung hindi ay baka dumiretso na siya sa emergency room. Mas malala pa riyan ay baka kasuhan ng Uncle niya kung sino man ang careless na nakatapon sa kanya ng kape. "Omg. You're soaked. Do you want me to help you?" Umiling si Minnie. "Thanks Pia. But i have my change of clothes here." "Sure ka ba?" "Yup. I can manage." "Ok. Magkita na lang tayo next week. I have to go. And the I think the bathrooms are that way." She waved her hands at umupo lang siya sa table nila para mag-update kay Ash. Nang i-check niya ang messages niya ang tanging reply lang ni Ash ay "K". Nag-send siya ng message na papunta na siya. Pagtayo ay tinanong niya ang isa sa mga waiters kung nasaan ang bathroom dahil nakalimutan niya kaagad kung saang direksiyon ang itinuro ni Pia. Nang matapos na siyang makapagbihis ay nagtataka siya kung bakit ayaw mapihit ang doorknob ni mabuksan ang cubicle. Ayaw naman niyang sipain ang pintuan at baka makasira pa siya. Mabuti na lamang at may kaunting espasyo at siya'y gumapang palabas. Akala niya'y doon na natatapos ang weirdong pangyayari sa araw na iyon. Paulit-ulig niyang inikot ang door knob ngunit naka-lock pa rin ito. Ilang beses niyang kinalabog ang pintuan para may makarinig ngunit walang pagbabago. Hinagilap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at napaluhod siya nang malaman na 20 percent na lang ang battery life at wala ang hina pa ng signal. Gayunpaman ay sinubukan niyang tumawag sa kanyang mga kaibigan ngunit dahil sa hina ng signal ay bigo siyang makontak sila. At para bang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil nang muli niyang i-check ang battery life niya ay limang porsiyento na lamang ito. Nag-send siya ng huling mensahe bago niya i-turn off ang kanyang cellphone. Mabuti na lamang at kakakain niya pa lamang at hindi niya pa ramdam ang pagkagutom. Sa sobrang pagkabagot ay napasandal siya sa pader ay nakatulog. Nagising siya ng maramdaman ang marahang pagdampi ng kamay sa kanyang pisngi. "XLB, tell me you're alive." Inialis niya ang kanyang kamay at sinabing "Hindi ako XLB." Napaluha at napayakap si Erin at ang ibang members naman ng swimming team ay parang nabunutan ng tinik nang makitang nakikipag-asaran ang kanilang assistant manager sa kanilang Captain. Tinulungan nilang makatayo si Minnie at tinanong ng manager ng restaurant kung kailangan ba niyang dahil sa ospital ngunit nag-insist si Minnie na hindi na ito kailangan. Sa opisina ng manager ng restaurant ay ipinaliwanag ni Minnie ang nangyari sa kanya. At kaagad siyang nag-demand na kung sino man ang may kagagawan nito ay nais niyang makausap. "Ma'am patawarin niyo po kami!" "Matindi 'ho ang aming pangangailangan kung kaya't nakagawa kami ng pagkakasali sa inyo." "Please po huwag niyo kaming ipakulong." Nakaluhod ang dalawang waiters at habang maiyak-iyak ang mga ito. Ang isa sa kanila ay nakahawak pa sa kanyang paa na kulang na lang ay mahalikan nito ang kanyang sapatos. "Tama na po. Sabihin niyo na lang Po sa akin kung sino ang nag-utos sa inyo." Ibinigay ng dalawang waiters and social media account ng nag-utos sa kanila at sinubukang i-message ang misteryosong persona. Sa takot na baka kasuhan ni Minnie ang restaurant ay nag-offer ang restaurant na puwede siyang kumain ng libre sa loob ng sampung taon. Nagpasalamat si Minnie at pumunta sa coffee shop na paborito nilang tambayan. "Ate, sino kaya ang nag-lock sa iyo?" "Ay naku! Sigurado akong si Roger 'yan! saad ni Erin sabay kagat niya sa hamburger. "Pero hindi naman tayo puwedeng mambintang nang wala tayong ebidensiya." "Mas kinakampihan mo ba yung stalker kaysa sa kaibigan natin?" Inayos ni Blake ang kanyang salamin. "Hindi naman sa may kinakampihan kaso baka tayo pa ang kasuhan kung wala tayong proof." "Hindi ba kayo titigil? May nangyari na ngang masama tapos nag-aaway pa kayo." Gusto na sana nilang magsabunutan nang titigan lang sila ni Ash. Lahat sila ay natigilan nang magsalita si Minnie. "Sorry kung pinag-alala ko kayo. I disrupted the practice." "We understood how scary was it for you." Umiling si Minnie. "Nope. Hindi ako natakot. Ang tanging kalaban ko lang talaga kanina is boredom. Kaya nakatulog na ako." "Are you for real?" Tumango lang si Minnie. "Ang tahimik nga sa loob eh. At saka isipin niyo, kung gusto talaga nila akong mapahamak bakit sa CR lang nila ako ikinulong? Bakit hindi sa freezer since nasa restaurant kami?" "Oh my gosh! Huwag mong bibigyan ng ideas ang kalaban mo girl!" "Minnie, this case won't be solved until you narrate everything to us. Could you please tell me what happened? We will listen." Tumango lang si Minnie at nagsimulang ikuwento ang mga pangyayaring humantong sa pagkakakulong niya sa kubeta. Lahat ay nakinig. Walang sumasabat habang siya nagsasalita. Nang matapos na siyang magkuwento, ang tanging nasambit lang ni Ash ay kung nakakapaglakad ba siya. "Saan tayo pupunta?" "I just have to confirm something. I think I know who did this."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD