Chapter 9

1030 Words
Pinaypayan ko ang aking sarili kahit na naka-aircon naman kami. "Do you want me to adjust the AC?" tanong ni Uncle. "No need. By the way, why did you use my tablet?" "Naka-charge 'yung sa akin. Is there a problem?" Umiling na lang ako. Sana hindi niya nakita 'yung recent drawing ko. I even crossed my fingers. He got up and poured me a cold glass of chocolate milk. "Here." Sabay lapag niya ng baso sa tapat ko. Nang mahawakan ko na ang baso ay saka niya ako tinanong kung nag-hire ba ako ng model this time. "No. I didn't. Bakit po?" Bumulong siya ngunit hindi ko maiintindihan kung ano ba 'yun. "Is that so? The man with cats... he looked familiar." Mabuti na lamang hindi ako nasamid. "Talaga? Sino pong kamukha niya? Dapat ko bang baguhin character design ko? Ano pong sa palagay niyo? Siyempre painosente tayo para hindi mapaghinalaan. He shook his head. "Hindi na kailangan. Gawin mo kung anong sa tingin mo na makakabuti para sa story," Mayamaya pa'y tinawag na kami ni Mommy upang mag-almusal. Alas otso na nang makaalis ako sa bahay. Dahil alam kong maaga pa at nagpunta muna ako sa convenience store. I will buy a refreshing drink for the team.Paglabas ko ng convenience store ay nagkabanggaan kami nina Yves at Erin. Sumabay na ako sa kanila papunta sa school.Pagdating namin ay naka-lock pa rin ang gate papuntang swimming pool ngunit naabutan namin sina Sage, Blake at Ash na nakaupo sa bench malapit sa entrance. "Good Morning!" pagbati ko sa tatlo. Binati naman nila ako pabalik at ganoon rin ang ginawa nila nang mapansin ang aking mga kasama. "Ash, check kaya natin kung nandiyan na si Kuya?" Saad ni Sage. Tumango naman siya. "Clem, pakisamahan mo nga siya," sabi ni Erin. Pansin ko kaagad ang pagtaas ng kaliwa niyang kilay. "Hindi na ako bata para pasamahan pa." "Pero hindi pa po niya nakikilala si Kuya," sabi ni Yves. Tinapik-tapik ni Sage ang ulo ni Yves saka pinuri ito. "Fine. Let's go Clem." Tahimik lamang sila habang naglalakad patungo sa Admin's Office. Takot sila na baka mauwi na naman sa bargadulan ang dapat sanay paghahanap nila kay Manong. It took three minutes bago namin nakasakubong si Manong Danny. Siya ang may hawak ng susi sa swimming area at sa kanya din sila nanghihiram ng cleaning tools. He was in his sixties, ngunit kahit na ganoon ay napakamasiyahin niyang tao. Malayo pa lang ay maririg mo na ang boses niya. Kahit sino ay kanyang binabati. "Nice! Girlfriend mo?" nakangisi niyang tanong. "Hindi po. Siya ang bago naming assistant manager." Nakipag-kamay ako sa kanya at sinabi ang aking pangalan. Napadukot siya sa kanyang bulsa at ibinigay ang susi kay Ash. Siguraduhin daw namin na ibabalik namin ito. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang dalawang skimming net. Mukhang may idea na ako para sa first task ko for today. Pagkabukas namin ng pool area ay tinanong ko kung nasaan ba ang locker room. Dali-dali kong ipinasok ang aking bag at kaagad na nagtrabaho. Inilubog ko ang skimming net upang malinis ang pool bago sila lumangoy. I know the staff clean this pool ngunit ayaw kong may masabi si Mister Sungit. "Wow, you're fast and have an initiative I give you that." Sasagot na sana ako nang muli ako mapatalikod dahil ako'y nasilaw sa katawan ng akin kaaway. "Ok. I will continue." Bakit hindi ko siya masungitan? Subukan ko kayang tingnan ang ibang members? "Nice one! Nakita mo ba si Erin?" I shrugged my shoulders. "Baka nasa CR?" Alright. Normal ang heartbeat ko kapag kausap ko si Sage. Subukan ko namang kausapin sina Blake. "Ang sipag mo naman Ate." "Hala huwag mo akong tawaging Ate. Magkasing-edad lang tayo." "Pero mas matanda ka ng apat na buwan sa akin!" Nangingilid na ang kanyang mga luha kung kaya't pumayag na ako. Mukhang tatanda yata ako ng ilang taon sa pagiging assistant manager. Muli ako napasulyap kay Ash. Bakit sa kanya lang ako na-intimidate? Lahat naman sila nakasuot ng swimming jammers pero bakit ganoon? Ah, ito ba 'yung tinatawag nilang crab mentality. Kaya ba nasisilaw ako sa kanyang dibdib kung kaya't iniisip ko na sana Hindi na lang siya ganoong ka-fit? Hmm... Baka nga. Nag-focus na lang ako sa aking task. May gusto pabilhin si Sir? Taas kaagad ako ng kamay. May kailangan kunin sa kanilang building, nag-volunteer na ako. I even asked Kuya Clint if he wanted his usual drink from a nearby coffee shop, ngunit pinaupo niya ako sa bleachers. "Hoy! Masyado ka nang nagsisipag. Baka sabihin ng uncle mo inaalipin ka namin." "I agree! Bakit mo ginawa pati mga tasks ko? Ano nang gagawin ko?!" "Hindi ba maganda 'yun? Chill ka na lang dito." "You won't be doing any tasks for today. I want you to observe the swimming team. They're doing medley relay," Kuya Clint said. I sulked. Wala yata akong kawala sa kanila. I think I would just play games in my phone. Kaso nang makita niya na nilabas ko ang aking phone ay hindi na niya ako nilubayan ng tingin. "Didn't you hear what I just said?" "Sorry." I returned my phone in my purse at doon lamang siya pumito. Maybe it wasn't bad to look at their swimming skills. Napakamot ako noo nang pagmasdan ko sila. Bakit mali-mali ang order tapos 'di ko pa gusto performance nila? They forgot the basics of swimming. Tapos bakit maling klase ng shorts ang suot nila? Prank ba ito? Kasi kung oo, they successfully made my head hurt. "Ang galing nila 'no?" Napaatras ako nang marinig ko si Coach Clint. Lumingon ako kay Erin at ganoon rin ang naging reaksiyon niya. Pumalapak pa nga siya. Nasa tamang lugar ba ako? Napatingin ako sa stopwatch ni Kuya Clint. "The time was 6:20:15. Good job!" Nanlambot ang aking mga tuhod. Where is the strict Kuya Clint? Was this man his doppelgänger or something? Sinampal-sampal ko pa ang aking sarili. Baka kasi ongoing pa talaga ang panaginip ko at part two lang lahat ng nangyari ngayon? This would explain why I acted so weird. Tinapik ako ni Ash kung kaya't iniabot ko sa kanya 'yung towels. "Ok ka lang ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD