Chapter 8

1192 Words
My mouth froze I couldn't utter a word. Nang tanungin ako ni Erin kung ano ba ang sinabi ko, noong una'y hindi ko siya maintidihan ngunit para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang aking sarili. "I like Ash." Sinabi ko ba talaga 'yan? Dapat talaga hindi na ako uminom ng soju kanina. I shook my head. Sinampal ko ang aking mga pisngi. Kailangan kong magising sa kabaliwang ito. "What I meant was I like Ash's honesty. Unlike Roger, who acted like a meek sheep, but he was honestly a wolf." Nagpaikot-ikot ako na parang pusa habang naghihintay sa kung anong sasabihin ni Erin. "Thank God! Akala ko natulad ka na sa mga previous asisstant managers." Napatalon pa ako sa tuwa. Buti na lang, she didn't interpret it in a bad way. "Why? What's wrong with them?" Nang sabihin sa akin ni Erin ang mga kabaliwang nangyari sa swimming team, saka ko lang naunawaan kung bakit ganoon na lang ka-cautious si Ash sa akin. Pasukin ka ba naman sa fitting room at pagyayakapan ay hindi ka ma-trauma? Then, muntik na rin silang magayuma? Kahit ako magkakaroon ng trust issues. "Well, we need our beauty rest, girl. See you tomorrow." "Good night, Erin." I lied on my back. Kailangan ko rin sigurong humingi ng tawad. Yup. That's what I'll do. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog ngunit nagising na lamang ako sa kalabog at kaluskos. Noong una'y binalewala ko ito. Baka insekto o hayop lamang iyon ngunit naulit pa ito ng apat na beses. Dahil sa nawala na ang aking antok ay bumangon ako upang tingan ang pinagmumulan ng tunog at nakita ko siya. He stood on the windowsill. What the f**k was he doing here? How did he know I lived here? Was I dreaming? Yup. This must be it. Kinusot ko ang aking mga mata. He's still there. Binuksan ko ang bintana upang makapasok siya. "What are you doing here?" "I was doing my early morning jog." Napatingin naman ako sa wall clock. Alas tres na ng umaga. "Alas nuwebe pa ang practice natin ha?" "I know. It's been part of my routine. But it's a weekend. Matulog ka pa nga." "I had difficulty sleeping." Humiga ako at nagtalukbong. "Hey. what are you doing?" "Kung ayaw mong matulog, eh 'di magpatulog ka." Bakit siya suminghal? Ano na namang nagawa kong pagkakamali? "Ang himbing ng tulog mo samantalang nandito ako sa kwarto mo?" "Kung gusto mo, maglatag ka diyan sa sahig, may air matress ko rito, ikaw nang bahalang mag-pump." When I looked at him, his eyes twitched. "Are you aware that I'm a man, right?" Tumango ako. "You're uncle is overprotective of you." Muli akong tumango sa ikalawang pagkakataon. "And yet, you opened the window for me. Not only that, you'll let me sleep here?" Kailangan ko na bang kumuha ng sphygmomanometer para i-check ang blood pressure ko? Para kasing tumataas na naman. "What's wrong with that?" Napabuntong-hininga na lamang siya. Ano ba naman itong lalaking ito? Pati ba naman sa panaganip ay pinagalitan ako. Try niya kayang maging mabait. "Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako napunta rito?" "Nope. I'll tell my uncle to tighten the security in our house. Thanks to you." I got the air mattress from my drawer and some blankets. Should I try practicing it? "I apologize for what I said. Pero, kailangan mong malaman na sincere talaga ako this time. When I saw the lack of members, I had a new goal. I wanted to protect my Uncle's legacy." "I'm sorry if I accused you. I should have worded it nicely." We shook hands, and I started humming. "Oh bakit hindi ka pa humihiga?" "What?" Since, panaginip lamang ito, puwede naman siguro akong maging wild kahit paano? I pumped the air mattress at ibinalot ko siya na parang burrito gamit ang kumot. "What kind of nonsense is this?" "Ssshh... I'll help you fall asleep." "Nonsense. Even sleeping pills didn't work." I glared at him. Why didn't he shout his mouth for once? Tinakot ko siya na kung hindi siya hihiga sa air mattress ay sisigaw ako. Guess, what? He followed my order! Napapabungisngis pa ako kasi para siyang higad when he wiggled papunta sa air mattress. What a great dream I had! Looking up close, he looked like my doll when I was young. I patted his head, tousled his hair, and sang a lullaby. Ito yung palaging kinakanta sa akin ni Mommy noong bata pa ako. Pagmasdan mga tala. Hindi mo ba nakikita? Kahit ang araw at buwan ay namamahinga O aking sinta, Ipikit iyong mga mata Mga problema ay iyo munang limutin Ang pahingang ito ay iyong sulitin Mahimbing mahimbing Bukas mo'y, magniningning Salamat naman at nakatulog na siya dahil sa composed lullaby ni Daddy. Pansin ko lang, ang haba pala ng mga pilik mata niya. At anong skincare routine niya? He's exposed to chlorine kaso kasing kinis ng salamin ang mukha ng lalaking ito. Ito ba ang epekto ng nasa panaginip ka? Bumalik na ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata. Goodbye, dream world. Makalipas ng ilang oras ay muntik ko nang maibato ang aking phone. Pagbangon ko ay wala niya sa. Natawa naman ako sa aking ginawa. Bakit ko siya hinanap samantalang alam ko na panahinip naman ang lahat? Pagkahilamos ko ng aking mukha ay bumaba ako para magtimpla ng hot choco. Muntikan na akong madulas nang matanaw ko ang aking uncle na nagbabasa habang nagkakape. For sure he's reading news about economy, stocks or crypto. Hindi 'yan mawawala sa early morning routine niya. Hmm... Himala at umuwi siya rito. "Good Morning Uncle." bati ko pagkakuha ko ng tubig. Umupo ako sa tabi niya. "Morning. How's school?" tanong niya nang hindi man lang inaalis ang kanyang mga mata sa kanyang binabasa. "I'm fine." "Are you sure?" "Yes. Why wouldn't I be fine?" Pangiti-ngiti lamang ako upang hindi niya mahalata na kinakabahan na ako. Inilapag niya ang kanyang tablet at tumingin sa akin. Napalunok na lamang ako ng laway. "Don't you think I didn't have eyes and ears at your school? What's with the basketball team's player?" "Uncle..." "Hindi na uubra pag-pa-pa-cute mo sa akin Clementine Sybil Balaguer." "I'm not trying to make excuses. Do you promise you'll respect my wishes after you hear my version of the story?" I trust you but not those guys." "Please uncle, you have to." "Sure. But if something happened you know what I'll do." Pagkatapos kong maikuwento ang lahat, nakatulala lang si Uncle. Kahit Anong pag-alog ko sa kanya at walang epekto. Mayamaya pa'y nagsalita na siya. "You still need a bodyguard." Iniuntog ko ang aking ulo sa lamesa. Sabi ko na nga ba. "How about I give you a shadow bodyguard?" Bigla akong nabuhayan at tumango. Shadow boyguard ang term na ginagamit namin ni Uncle. Isa ito type ng boyguard na parang anino lang. Mahirap mo siyang makita o mapansin dahil hindi halata na nagmamanman ito. I gave him a two thumbs up. "Good. And I like that you've been working on your new webcomic again." My eyes landed on the tablet. He's using mine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD