Chapter 14

1004 Words
Ewan ko ba kung bakit lahat sila nakaabang sa sasabihin ko kasi wala ni isang ngumunguya. Even ang mga maids naming may pagka-Marites ay nanglalaki na ang mga Tenga. "Ate, I'll answer it. Yes, I have a girlfriend." Alam niyo ba yung natuyong clay tapos nagsimulang mag-c***k? Ako 'yun. Bakit Wala man lang siyang kahit anong signal na binigay sa akin? Mga mata ko na lang ang gumalaw nang biglang ipinatong ni Ash ang kanyang kanang kamay sa aking namamawis na katawan. Nakakabahala dahil tutok pa sa akin 'yung split type AC. "Everyone, I'm sorry for the sudden announcement. Me and Minnie started dating." Gusto ko nang kalmutin si Ash nang mga panahon iyon ngunit nang biglang nagsalita si Uncle ay biglang nanlambot ang aking mga tuhod. Dapat ba nag-evacuate na ako sa ibang planeta habang maaga pa? He maintained his calm demeanor, but the twitching of his eyebrows told a different story. "Since when?" Tinusok-tusok niya ng tinidor 'yung steak. For sure, ini-imagine niya kaming dalawa 'yun. "Since today." Hinimas ni Ate Yuzu ang likod ni Uncle. Then binulungan niya ito. At dahil diyan, payag na akong maging Auntie siya kung sakaling napakalma niya nga ang torong katabi niya. "I'm sorry. I was just shocked. Clementine didn't tell me she had a suitor." Napapikit na lamang ako. Clementine ba naman ang tinawag sa akin at hindi "Minnie". Mag-e-empake na talaga ako pagkatapos nito. "Alright. Can we talk after dinner?" "Sure, Kuya." Siyrmpre, hindi lang siya ang best actor sa pamilyar namin. Dapat may pambato rin na best actress. Pagkatapos niyon, ay bumalik ang topic sa nalalapit na kasal. Ewan ko nga kung bakit nila ako tinatanong 'kung saan ang magandang venue samantalang dapat i-consider nila 'yung groom and bride. Habang busy sa pagdadaldalan ang mga elders, hinila ko sa isang gilid si Ash. "Hey, huwag tayong pumunta sa pinakasulok. Baka isipin nila na may ginagawa tayong milagro." At doon ko na simula pingutin ang kanyang tainga kulang na lang maalis ito sa kanya ulo. "Nabaliw ka na?" he asked while massaging his red ear. Did I lose a screw in my head? Probably. Was I planning to attack for that reason? Definitely. "Iyan din ang tanong ko. Anong nangyari sa strategy natin ha?" Subukan niya kaya na mag-coach ng makulit na swimmer? Tingnan lang natin kung hindi siya mabaliw. "I just helped you." Tumaas ang kilay ko sa aking narinig at sinigurado 'kong napansin niya iyon. Napabuntung-hininga na lamang siya. "Help? You'll get me killed!" Nagkikiskisan na mga ngipin ko sa gigil. "I don't think so. You're uncle loves you so much." Bigla ko na lang siyang tinalikuran.Alam ko naman kailangan naming ipaalam eventually pero 'yung mind and heart ko hindi pa prepared. Sigurado akong isang libong tanong ang aabutin ko nito. Malakas lang loob ni Ash dahil hindi siya 'yung pupunta sa lions den mamaya. Kahit hindi ako tumingin sa salamin alam kong daig ko pa ang naglagay ng one hundred layers ng blush sa sobrang pula ng mukha ko. Nakikita ko kasi ang aking maliit na repleksiyon sa kanyang mga mata. Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. "I apologize if I hugged you without permission. Para ka na kasing iiyak." How did he know? Todo pigil nga ako Ng aking mga luha. "It's okay to cry, my lil steamed bun." Nag-vibrate talaga yung huling tatlong salita sa tainga ko. Nagpumiglas ako sa pagkakayakap sa manyak na ito. Okay na sana, pero nadismaya ako bigla. "What did you say? 'Lil steamed bun?" "Yeah. You don't like my endearment?" Hinampas ko ang braso niya kaso umiwas naman siya. Ang special trait talaga ng mga lalaking ay inisin nang bongga kaming mga babae. Dapat may Olympic event na dedicated sa sport na iyan dahil siguradong magkaka-silver medal ang mokong na ito. "Hey, what's happening to you?" At naningkit pa talaga ang mga mata niya ha? Wala akong idea kung he was bluffing or he was innocent, pero walang magbabago sa nararamdaman ko. Hindi ako siopao! "Sa lahat ng itatawag mo sa akin, bakit siopao pa?!" Kumunot ang noo niya na para bang nagsalita ako ng foreign language. He even pursed his lips in confusion. "Kung ayaw mo ng lil steamed bun, XLB na lang." "XLB?" Halos lumabas na ang ugat sa gilid noo para lang ma-realize na tinawag niya akong xialongbao! What a downgrade! Muli ko siya pinaghahampas habang tumatawa pa siya. Tumigil lang ako nang marinig ko ang boses ni Ate Yuzu. Naku, sana Hindi niya isipin na papatayin ko na ang kapatid niya. "I told you. They're not making out." Gusto kong masuka sa comment ni Ate pero pinigilan ko lang. Why would I make out with him? Tingin ba ng adults sa amin ay sobra na akong daring? Ate Yuzu patted Uncle's back and said, "Go easy on my lil brother." Pagkatapos ay basta na lang niya ako hinila papunta kina Mama. "What do you think about the night swim?" Kitang-kita ko ang paglapad ng kanyang ngiti. "It's my pleasure." he said. Napailing na lamang ako. Ano ang mangyayari kapag pinagsama mo ang dalawang competitive swimmers? Others would see it as an exciting event. For me, it was chaos. "I hope di pa kayo nangangalawang." Gusto ko nang matunaw na parang ice cream sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung saan hinuhugot ni Ash ang self-confidence niya. "I like your ambition. However, I wasn't convinced about your skill." "Let them be." Niyaya ako ni Ate Yuzu na maglaro ng board games at i-style ang hair ko. "Sorry, matagal ko na talagang gustong gawin to kasi 'yung bunso namin is ayaw magpagalaw ng buhok niya. Kinakalmot ako." Pareho kaming napatawa. "Okay lang po kaysa naman si Uncle na halos pagbuhol-buhulin 'yung hair. Never na akong nagpa-ayos sa kanya." "Hulaan ko. Siya pa ang galit di' ba?" "Opo." "So, tell me..." Para pa siyang nangangasim sa tanong niya. "Ano pong sasabihin ko sa inyo?" "'Yung lovestory niyo ni Ash." Mukhang dito ko malalaman kung isa talaga akong magaling na webtoon creator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD