Chapter 17

1253 Words
"You're telling me that you pretended a ghost and scared them?" tanong ni Ash kay Minnie. Gusto sana niyang pisilin ang pisngi nito ngunit hindi niya pa gustong mamatay. "Sinabihan ba naman ako na ang landi ko raw kaya deserve ko raw lahat ng nangyayari.Hindi puwede na ako lang nagdurusa. Dapat sila rin!" Napailing lang siya. "You're a formidable one." "Nang makita ko silang nagtutulakan palabas ng CR sobrang lapad ng ngiti ko." Na-imagine ni Ash ang isang batang may pink na buhok na karakter sa paborito niyang anime kung saan ngumiti ito ng sobarang lapad. "What's your plan now?" "Gusto ko sanang sabihing ipakulam silang lahat but I'll guess I'll just move on with my life." "Pagkatapos mong mag-drama kagabi, 'yan lang sasabihin mo?" Ash crossed his arms while Minnie fidgeted her teddy bear's legs. "I don't know. Gusto ko lang naman ng buhay na walang drama, matatapos ko ang webtoon project ko at hindi nag-e-exist si Roger." "You're being unrealistic." Winagayway ni Minnie ang kanyang mga kamay. "Nope! It's called dreaming." "Your choice of words baffles me." "Your pessimistic tendencies irks me." Nagtitigan lang sila nang ilang minuto. Hanggang sa basagin ni Ash ang katahimikan. "We're not enemies. Kakampi mo ako." Iniabot ni Minnie ang nag-iisang granola bar na hindi niya ba nabubuksan. "Thanks for hearing me out. I'm sorry, napagbuntungan ko kayo." Mabilis na hinablot ni Ash ang granola bar saka ginulo-g**o ang buhok ni Minnie. "Apology accepted!" Nag-pout lang si Minnie saka bumulong ngunit nang tanungin siya ni Ash ay nagtalukbong lang siya ng kumot. "Hey. Sa palagay ko, hindi ka lang dapat mag-apologize sa akin." "I know. Nakakahiya rin kay Ate Yu." "She was not a shallow person. Baka nga bumilib pa siya sa iyo." Napakurap si Minnie dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ang may kakaibang sigla sa boses ni Ash. Muli siyang kumurap nang bigla na lang binuksan ni Ash ang kanyang bintana at gumapang sa pinakamalapit na sanga ng punong mangga. "Hoy, anong ginagawa mo? Lumuwag ba lahat ng turinilyo sa ulo mo?" "They're coming." "Ano?" Napagtanto niya lang na tama si Ash nang marinig ang marahang pagkatok. Dali-daling isinara ni Minnie ang bintana at inayos ang kanyang kama. Mabilis rin niyang itinapon ang mga plastik wrappers na nagkalat sa sahig. Akala niya'y aalis ang taga-katok ngunit muli itong kumatok nang tatlong beses. Napagdesisyunan na niyang pagbuksan kung sino man ito. Kunwari'y kinusot-kusot niya ang kanyang mata. "Look, natutulog pa pamangkin mo." "Was she?" Kaagad na tumapak papasok ng kanyang kwarto ang kanyang Uncle. Una nitong ginawa ay buksan ang bintana. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Paano na lang kung makita ng Uncle niya si Ash? Ngunit hindi siya lumingon sa bintana para hindi mabuko. "Did he come to your room?" "Who?" Sinigurado niyang pabulong ang kanyang boses habang nakapikit ang kanyang mga mata. "Ash." "Yeah. He brought me here last night." "What I meant was did he come here for the second time?" "Yes." "I knew it." Dahil sa sobrang pagka-istrikto ng kanyang tiyuhin ay nakaimbento si Minnie na isang "lying strategy". Ito ay ang paghahalo ng katotohanan sa kasinungalinan. "For how long did he stay here?" "0 seconds. He didn't even step inside my room unlike a certain someone." Hindi na nakapagpigil sa Yuzu at sinabing, "My brother knows how to respect women. Ako na nagsasabi sa iyo love, pag may hindi siya magandang ginawa kay Minnie, ako mismo ang mambubugbog sa kanya!" "Fine. I won't accuse your brother, anymore." Gusto na niyang magsasayaw nang mga panahon na iyon dahil nadiskubre na niya ang kahinaan ng kanyang tiyuhin. Ngunit pinigil niya ang kanyang sarili. Ni ang pagngisi ay kanyang sinupil. Ayaw niyang magisa nang wala sa oras. Wala siyang nagawa nang tanungin siya ng dalawa sa dahilan ng kanyang pag-da-drama. Muntik nang masira ni Yuzu ang isa sa mga throw pillow sa sobrang gigil pagkatapos marinig ang istorya. "Minnie, gusto mo bang kalbuhin ko silang lahat?" "Ang face jail time?" "Pero..." Ipinaliwanag ni Hunter na kakilala niya ang mga magulang ng mga babaeng iyon at lahat sila ay hinihikayat na mag-invest ang kanyang tiyuhin sa kanilang mga negosyo. "Are you flexing your money again?" "Money does wonders. Trust me on this one." Sa pagkakataong ito, totoong inantok si Minnie. Hindi na niya mapigilan ang pagtawag ng kanyang kama. Bumibigat na rin ang talukap ng kanyang mga mata. Hindi na niya maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. *** "Yeah, I think tama na ito." Napalingon siya sa kanyang likuran at sinimangutan ang nagnakaw ng kanyang sketch. "If hindi lang kita girlfriend, kakasuhan kita." "Ha. Ha. Buti na lang boyfriend kita." Nagbigay ng mala-robot na pagtawa si Minnie. Hindi na siya nag-aksaya ng enerhiya para kunin ang kanyang sketch. Umupo siyang muli sa bench at nagsimulang gumihit ng sisiw na may sombrero. Umupo naman sa tabi niya si Ash habang pinagmamasdan ang kanyang pagguhit. Mayamaya pa'y narinig nila ang pagbusina ng ambulansiya. Nanlaki ang mga mata ni Minnie nang makita na isa sa mga babaeng pinag-uusapan siya ay dinala sa stretcher. "Ash, tinangnan mo." Sabay turo ni Minnie sa ambulansiya. "Anong meron?" "Nakikita mo 'yung babae na kulay brown ang buhok na nasa stretcher?" "What?" saad nito na para bang walang pakialam. "Member siya ng cheering squad at isa siya sa mga girls na pinagtsismisan ako." Kita ang pagningning ng kanyang mga mata. "That's bad. I think she will be in the hospital for the couple of days." "Oh no." "Don't mind her. Let's go to our favorite coffee shop." Hindi lang doon natapos ang kalbaryo ng kaibigan ng dati niyang bestfriend. Kinabukasan, napabalitang sinugod rin sa hospital ang isa sa kanila dahil aksidente nitong nagamit ang super glue sa halip na wig glue. Nang sumunod na mga araw ay halos lahat ng nasa cheering squad ay napahamak. Hindi mapigilang isipin ni Minnie na hindi lang nagkataon ang mga pangyayaring ito. Napagdesisyunan niyang bisitahin ang kanyang tiyuhin upang maliwanagan siya. "What a pleasant day. Everything's going on according to my plan at binisita pa ako ng aking pamangkin." "Siyempre naman Uncle! Namiss kita eh!" Kasing talas ng espada ang mga titig ng kanyang tiyuhin. "What exactly do you need? I have meeting in fifteen minutes." "Did you to something to the girls?" "What girls?" Saka niya ipinaliwanag ang kanyang obserbasyon sa mga nakalipas na mga araw. Walang ibang ginawa si Hunter kung hindi ang tumawa. "That's the chaos that I love!" Saad nito sabay punas sa luha. "Uncle, umamin ka na!" Alam ni Hunter na ayaw ng kanyang pamangkin ng mga delays kung kaya't ipinatawag niya ang kanyang sekretarya at tinanong kung nakarating na ba ang kanilang kliyente. Nagkikiskisan na ang kanyang mga ngipin sa pagkainis ngunit walang magawa si Minnie. "My dear niece, I'm so disappointed in you." Napakurap siya sa narinig. Hindi ba siya ang dapat ang maging dismayado? "Do you ever think I will resort to those kind of t*****e? Hindi mo pa pala ako kilala." Natigilan si Minnie. Ngayo'y pinag-isipan niya ang sinabi ng kanyang tiyuhin at may katwiran ito. Natauhan na lamang siya nang bigla pumasok ang sekretarya. Tumayo na rin siya nang sabihin ng kanyang tiyuhin na pupunta na siya sa meeting. Ngunit bago sila maghiwalay ay binigyan siya ng kanyang tiyuhin ng clue. "Ano sa palagay mo ang gift na magugustuhan ni Ash?" "'Di ko alam bakit ako ang tinanong mo?" "Dahil Ikaw ang girlfriend niya?" Napatigil siya sa paglalakad. Napagdugtong-dugtong niya ang lahat. Kaya pala natatawa siya. Kaya pala parang hindi siya nagugulat sa nangyayaring kaguluhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD