Chapter 16

1157 Words
Habang papalapit nang papalapit ang kanyang paghakbang ay siya namang pag-atras ko. Sa sobrang panic ay ipinalupot ko sa leeg niya ang kumot ko. "Sige, isang lapit mo sa akin at hihigpitan ko 'to!" pagbabanta ko. "Wow, I've never seen a bold woman like you. So, papatayin mo na ako ngayon?" I only hissed at him. "Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot." I rolled my eyes as I tightened my grip on the blankets. This time, ramdam na niya 'yung restriction kung kaya't napahawak siya sa leeg niya. Itinaas niya ang kanyang kamay na parang isang sumukong kriminal. "I'm sorry." I gave him a side-eye. "For what?!" This time, unti-unti naman siya umatras kung kaya't binitawan ko na yung kumot at sabay hawak sa lampshade sa side table. "What are you doing?" "Precautionary measures." Napabunting-hininga siya at saka umupo sa wooden chair malapit sa study table ko. "Let's maintain this distance." "Deal." Mahigpit pa rin ang hawak ko sa lampshade ngunit wala na siyang comment tungkol dito. Tumango-tango siya saka sinabing, "Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari." Why does he sound like a therapist? "At please lang, puwede ba tigilan mo na 'yang lampshade na iyan? Hindi ba sapat na sinakal mo ako ngayon?" Inirapan ko siya. "Eh bakit ka concern sa akin?" "'Coz we are friends." "Friends?" May bago na bang definition ang friendship ngayon? Kasi kung iisipin mo, except sa part na nagpapanggap kami, wala siyang ibang ginawa kundi ang sungitan ako. Ganoon ba ang mga friends? "Bakit parang hindi ka naniniwala?" This time, napabitaw na ako sa lampshade at niyakap ang nag-iisang teddy bear na natira sa akin since tinapon ni Mommy lahat ng stuffed animals ko when I was 15. "Wala ka kasing ibang ginawa kundi ang sungitan ako." "Because you do dumb things." "Aren't we all?" "But you do it all the time." Napakamot ako sa ulo. "Nandito ka ba para i-comfort ako or manglait?" "I'm sorry, I'll be back." I rolled my eyes when the door shut. Ni-lock ko ang pinto saka ko siya tinulugan. Since he was the smartest of all creatures, he would figure it out. Bahala na kung magalit siya basta't wala akong ganang mag-open up ngayon. When I opened my eyes, it was still three in the morning. Parang may tinik sa lalamunan ko dahil sa sobrang tuyo nito kung kaya't napagpasiyahan kong bumaba. Sobrang ingat ko sa pagtapak para hindi ko mabulabog ang buong bahay. Nang marating ko na ang kusina ay napagpasiyahan kong huwag nang buksan ang ilaw dahil nasa ground floor natutulog ang dalawa naming maids. Laking dismaya ko nang makita ang pitsel sa ref na walang tubig. I can't help myself but to stomp my feet. Siguradong si Uncle na naman 'to. Ugali niyang maglagay ng pitsel sa ref nang hindi nag-re-refill! The milk carton next to the pitcher got my attention. Kinuha ko ito at inalog-alog at buti naman at may laman pa. Drinking cold milk is also satisfying. "Hey." At ayun na nga nasamid ako at hindi ko na mapigilang umubo. Paglingon ko ay naningkit ang aking mga mata nang makita ang bwisita. Pinunasan ko ang aking labi gamit ang T-shirt ko at sinarado ang pintuan ng ref. Baka mapagsabihan ako na nangsasayang ng kuryente. Dahil medyo nasasamid-samid pa rin ako, ay inubos ko na ang laman ng milk carton. Hindi na ako kumuha ng baso at basta na lamang akong uminom straight from the milk carton. Kung tungkol naman sa bisita namin, nagpanggap ako na invisible siya. Mabuti naman at hindi rin siya nagsasalita nang mapansin niyang iniiwasan ko siya. Kaso lang, sinundan niya ako. I shut my room's door as fast as possible, kaso he locked his hand. "Please, do not resist anymore. Masisira lang pintuan mo." Akala ba niya susuko na lang ako basta-basta I tried still tried to close the door kahit na I won't stand a chance to an athlete. Hindi na kinaya nang buong katawan ko at napaluhod na lang ako after ten minutes.Pagkasara niya ng pinto ng kwarto ko ay lumuhod rin siya sa tabi ko "Are you alright?" pabulong niyang tanong. "What do you want?" "Sinabi ko naman sa iyo na babalik ako." "I apologize for that." "Kaya mo bang tumayo?" Tumango lang ako at umupo sa kama. Sumunod naman siya. "Shall we settle the unfinished business we have?" I smirked and shook my head. "Isa ka na rin ba sa spies ng Uncle ko? Bakit ko pa tinatanong? It's obvious naman na isa ka sa mga worshippers niya." "Is it your strength to drive away people that care for you?" "Do you really care for me?" "Of course, I do. We do. Ever since we left you alone earlier." "How did you?" "'Daig mo pa ang may sakit nang makita kita kanina na papalabas sa CR. Did those girls bully you?" Did he notice those changes? Nangangalawang na ba ang acting skills ko? Usually, I was very good at it. Winagayway niya ang kamay niya kung kaya't tinapik ko ito. "Ano ba?" "Huwag mo na akong pahirapan, please?" Bumunot siya ng granola bars at isang bungkos ng chocolate balls sa bulsa niya at ipinatong ito sa aking kama. Dahil alam kong hindi siya titigil ay nagsimula na akong magkwento. Pagkatapos ng practice ay tumungo muna ako sa CR. Sa umpisa ay ako lamang ang nag-iisang tao roon. Ngunit nang marinig ko ang pamilyar na boses ay awktomatiko akong pumasok sa pinakamalapit na cubicle. Bukod diyan ay ipinatong ko ang aking mga paa sa toilet bowl para akalain nilang sila lang ang nasa loob. Nang umpisa lang ay nagtatawanan sila kaya inakala ko na para akong tanga na nagtatago sa isang sulok. "Cara, kamusta na 'yung backstabber mong friend?" "Ahh. Si Minnie? Hindi na kami nag-uusap. Huy, pahiram naman ng lip tint." Biglang sumikip ang aking dibdib sa aking narinig. Paano ako naging backstabber? At kailan pa siya nhilig sa liptint? "She thinks highly of herself. I don't even understand why Roger likes her. Mas maganda pa ako sa kanya no!" Hindi ba lilipas ang mga araw na hindi ko naririnig ang pangalan ng creepy guy na iyon? "I don't know. Pero, there's this weird thing she told me." "Spill the tea!" "Sabi niya, stalker daw si Roger." Halos dumagundong na 'yung buong women's bathroom dahil sa tawanan nila. "That friend of yours is delusional! What makes her think na pag-aaksayahan siya ng panahon ni Roger?!" Ilang beses kong pinakalma ang aking sarili. Gusto ko na silang sigawan at pasakan ng tissue paper sa kanilang mga bibig. Mga ate, alam kong kating-kati na kayong landiin ang isang narcissistic psycho. How would I hoard something I didn't have to begin with? "Girls, huwag na natin siyang pag-aksiyahan panahon. She's not worth it," tugon ni Cara. "Yup, good thing she's stuck with the losers!" Mabuti na lamang at nag-retouch lang sila ng makeup. I didn't want to be in an awkward situation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD