Chapter 21

1045 Words
~Clemetine~ Sa bawat sipa at suntok na pinapakawalan ni Roger ay nanginig ang aking buong katawan. I can't bear this anymore. Hindi ako papayag na may masaktan pa siya dahil sa kabaliwang ito. At para bang isang pagkakataon na nakakita ako ng bato sa di kalayuan. Sinamantala ko ang pagka-busy niya sa pagiging isang toxic alpha male at tahimik na pinulot ang bato ngunit nabitawan ko rin ito pagkalipas ng ilang segundo. Walang kwenta ang second attempt ko dahil bigla na lamang akong napabitaw sa pagtapik ni Sage sa aking balikat. "Do you seriously think makakatulong 'yan? Don't make anything harder than it is." "Pero nabubugbog si..." Nang makita ko silang nangunguha ng video, na-realize ko kung ano ba ang foolish plan ni Ash. Awktomatikong gumalaw ang aking mga paa patungo sa center of the crime. Kahit ano pang pagtawag ng mga kaibigan ko ay hindi tumalab. My late father once told me na ako ang dapat na tumapos sa labang aking sinimulan. Dad, sana maging proud ka sa gagawin kong ito. "Roger, how rude of you. Hindi ba nag-usap na tayo?" Siguro, kung wala akong idea kung gaano ka-unhinged ang lalaking ito ay baka nga napapayag niya akong i-date siya. Kitang-kita sa mga batak niya braso at binti ang pagiging isang atleta. But having this wishful thinking would not solve everything. "Minnie!" Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang aking sarili na nakakulong sa braso ng stalker ko. "Get away from my girlfriend!" sigaw ni Ash. Pilit akong nagpumiglas ngunit sa bawat galaw, mas lalong humihigpit ang pagkayakap niya sa akin. Para akong daga na nasa trap ng isang ahas. "Why do you love him? I'm better than him!" I rolled my eyes at the audacity. "Maybe because he's not possessive unlike you." Nakahinga ako nang maluwag nang bitawan niya ako. "Then I will eradicate the problem." Napalunok na lamang ako nang makita kung anong makinang na bagay ang kinapa niya mula sa kanyang pockets. Paano niya naipuslit 'yan sa vicinity ng campus? Tumakbo ako patungo kay Ash para i-shield siya mula sa deadly attack. Bago pa siya makapanaksak ay binalian na siya ng buto ng mga pulis at habang busy siya sa pagpupumiglas ay may itinurok sila sa kanya. "You'll pay for this! Everyone of you!" Naramdaman ko na lamang na ligtas na kami when they put handcuffs on him. Sunod kong narinig ay ang pagbigkas ng isa sa mga pulis ng Miranda Rights bago siya isakay sa police car. "Are you dumb?" napalingon ako kay Ash. Hindi ba siya titigil kakasermon sa akin kahit na injured na siya? I stuck out my tongue to annoy him. And mukhang effective nga kasi nanlaki ang butas ng kanyang ilong. I even chuckled nang mapagalitan siya ng medics dahil napakagalaw niya. Wala siyang nagawa kundi ang umiling at mapapikit na lamang. Nang makita ko na ipinapasok na nila ang stretcher sa ambulansiya, ay napatalon kaming tatlo nina Erin ngunit sinabihan kami ng medic na isang tao lang ang puwedeng sumama. "Minnie, ikaw na lang sumama. We'll drive to the hospital." Tumango na lamang ako. Wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa ospital. Sinabihan ako na maghintay na lamang muna kaya't umupo muna ako sa bench malapit sa may lobby para madali akong makita nina Erin. Pagtingin ko nang phone ko ay may 30 missed calls na ako galing kay Uncle, lima galing kay Ate Yuzu, sampu mula kay Mama at dalawa from Tita Esther. Gumawa ako ng group chat at nagsimula akong mag-type para ipaalam sa kanila ang nangyari ngunit hindi ko pa nai-se-send ang message nang biglang nag-request ng video call si Uncle. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-ta-type dahil alam kong isang milyong tanong ang aking sasagutin. Bahala nang mapagalitan. Ang mahalaga'y sinabi ko sa kanila kung nasaang hospital kami. "Minnie!" Nasa tabi ko na pala itong dalawa hindi man lang nagsalita. Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumating ang sila Ate Yuzu. Two weeks later... Nagtagal lamang ng tatlong araw si Ash sa hospital dahil wala namang nakita ang mga doktor na dapat naming ikabahala ngunit kahit na ganoon ay sinabihan pa rin kami ni Uncle na dapat magsampa kami ng serious physical injury laban kay Roger na siya namang sinang-ayunan ni Ash. Nang una'y tinanong ko sila if that was necessary ngunit napapayag ako ni Ash nang tanungin niya ako. "Hindi ba gusto mo siyang mapakulong? This is your chance." Tama naman siya. Kahit sabihin nating isang taon lamang siyang makukulong ay sobrang tuwa ko na. Besides, alam kung hindi matatahimik si Uncle hangga't hindi siya nakakaganti kay Roger. And now, we're here at Ash's room. Bakit ba ako pumayag na mag-review kasama siya? May itinuro siya sa libro gamit ang lapis."Try to solve this problem," "Why?" "I wanna know if you understood what i taught you." Dahil ayaw kung makarinig ng sermon mula sa taong kalalabas lamang mula sa hospital ay sinubukan kong i-solve ang Math problem. Kung alam ko lang na marami akong i-so-solve na Math problems sa kursong ito, dapat sana nag-culinary school na lang ako. Nang wala na talaga akong maisulat ay binilugan ko ang aking sagot. "Right answer but wrong process." "Does it matter, though?" "You can't always rely on luck, my dear XLB." Normally, dapat maiinis ako dahil tinawag na naman niya akong XLB. But, there's a revelation infront of me. "Alright, could you please tell me how to solve it again?" Napabitaw siya sa lapis at saka umiling. "You're a hopeless case." "Let's have a deal! Kapag na-solve ko itong 10 Math problems, hindi mo ako tatawaging XLB for a month!" "Two weeks!" Nakapameywang na ako. Bakit ba siya nakikipagtawaran eh sobrang dali lang naman ng kundisyon ko? "One month." "One month if you scored ninety on the exam." Napahawak ako sa aking baba. If pagbabasehan ko ang previous Math scores ko, never pa akong naka-ninety over a hundred sa exam. Is he a devil because why was he good at playing on my weakness and insecurity? "And what if I didn't?" "If you got a perfect scored in the mock exam I made plus you got at least 85, then let's make it one week." "Deal." I was focused on his explanation nang bigla na lamang bumukas ang pintuan.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD