Chapter 7 -Ang plano ni Diana-

2008 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maraming buwan na rin ang lumipas mula ng nilisan ni Diana ang Pilipinas. Mula nuon ay hindi na siya nagpakita pa ulit kay Nato. Focus siya ngayon sa kanyang sarili at hindi na niya inaalala pa ang mga nakaraan niya. Ang huling pagkikita nila ni Nato ay nuong kasal pa ni Maricris but that was a year ago. Then inimbitahan siya ni Julian sa marriage proposal nito kay Nimfa, hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla na lamang siyang naalalang imbitahan ng kaibigan ni Nato. That night, ipinamukha niya kay Nato na balewala na ito sa kanya. Then kinabukasan ay nagmamadali siyang bumalik ng America na hindi na niya pinaalam pa kay Arquiz. Si Arquiz ay ang boyfriend ni Diana, pero hindi naman ganuon kaseryoso ang relasyon nilang dalawa lalo pa at hindi naman malalim ang pagmamahal ni Diana kay Arquiz. Hindi nga niya alam kung hanggang saan aabot ang kanilang relasyon. Sinagot nya lang naman ito para makalimutan na niya ng tuluyan si Nato, upang maipakita niya kay Nato na ganuon lang niya kadali itong makalimutan. Alam niyang magagalit si Arquiz dahil hindi nya nagawa pang magpaalam sa kanya. Kung minsan ay hindi niya nagugustuhan ang ugali ni Arquiz pero mabait naman ito. May pagka possessive lang. Nagtapos siya bilang isang doktor pero hindi naman siya nagtatrabaho bilang isang doktor dahil pinahawak sa kanya ng kanyang mga magulang ang isa sa kumpanya nila sa America. "Diana, the reports are needed as soon as possible. You just need to sign them. It was on your table. Can you carry that out for me?" Alfred said. "Yes, I am aware. Can you hold off till I finish solving this issue? You are aware that I just left a meeting. I am unable to handle everything at once. Geez!" Diana expressed her displeasure. "Okay. Finish what you're doing, and then go over the report I handed in earlier in your office. I require those to be signed." Alfred said. Diana shook her head, irritated with her cousin, who had been bothering her ever since she arrived at his office. Pagkatapos ng mga ginawa ni Diana sa opisina ni Alfred ay dumiretso naman siya sa kanyang opisina. Pagdating niya duon ay nagulat pa siya ng makita niya si Arquiz na nakaupo sa sofa at may hawak na isang bungkos na mamahaling bulaklak. "There she is! I've been looking all over for you. Your secretary informed me that you were at Alfred's office resolving some problems. Are you done?" Arquiz said. "No, not yet. I need to look at some of the reports my cousin sent here. I don't have time to go out with you. I'm sorry if I can't join you for lunch," Diana explained. Diana had always been a woman of ambition. From a young age, she dreamt of making a mark for herself in her parents' corporate world. Now, as the CEO of their successful company, she has achieved her goal. But amidst the hustle and bustle of the office, there was a void in her heart that she couldn't ignore. "Diana, this has been planned for a week. You said you'd give me some of your time today. You promised to go out with me for lunch," Arquiz replied, disappointed and upset. "I know. Please try to comprehend what I am going through. I have a lot on my plate. I don't have time for a date, Arquiz, and I apologize." She made an effort to make her explanations understandable. "Fine! Oorder na lang ako ng lunch natin. Uutusan ko na lang ang sekretarya mo sa labas," he said at lumabas na agad siya ng opisina upang mag-utos sa sekretarya ni Diana. Pagkalabas ni Arquiz ay biglang napasandal si Diana sa swivel chair niya. Nakatitig lamang siya sa pintuan na tila ba lumilipad ang kanyang isipan. Bigla na lamang pumasok sa isipan niya ang mukha ni Nato kaya napatungo ang ulo niya sa table at humugot siya ng malalim na paghinga. "Are you okay, baby? Kailangan mo yatang magpahinga muna. Mukhang napapagod ka na sa dami ng ginagawa mo dito. Sabi ko naman sa iyo na magpakasal na tayo para naman natutulungan na kita," ani ni Arquiz kaya napa-angat ng mukha si Diana at napangiti ng pilit sa kanyang kasintahan. "Hindi pa ako ready sa pag-aasawa. Marami pa akong dapat na unahin bago ang sarili ko," sagot niya. "Marami kang dapat asikasuhin o ang lintik na Nato pa rin na 'yan ang nasa utak mo? Akala mo ba hindi ko alam na siya pa rin hanggang ngayon ang mahal mo? Akin ka Diana at sisiguraduhin ko sa iyo na hindi ka maaagaw sa akin ng Nato na 'yon!" galit na ani ni Arquiz kay Diana. "Huwag mo akong tinatakot Arquiz! And for your information, trabaho ang iniintindi ko ngayon at hindi lalake! Huwag kang magpalamon diyan sa selos mo," inis na sagot ni Diana. "I'm so sorry baby, masyado lang akong naaapektuhan ng pagiging cold mo sa akin. Sa tuwing may lakad tayo lagi na lang na mas inuuna mo ang trabaho mo," aniya. "Dahil ipinagkatiwala sa akin ng mga magulang ko ang negosyo naming ito. Kung hindi mo ako nauunawaan ay mas mabuti pa na maghiwalay na lang tayo," inis na sabi ni Diana. "Sorry na baby, hindi na mauulit. Nagselos lang naman ako," sagot naman agad ni Arquiz pero makikita sa mukha nito ang galit sa mga mata niya. Isang bagay na hindi nagugustuhan ni Diana. "May problema ba dito?" Boses ni Alfred ang nagpalingon kay Arquiz. "Wala bro, nag-uusap lang kami ng girlfriend ko," sagot ni Arquiz. "Parang hindi naman yata simpleng pag-uusap lang ang nangyayari dito. Naririnig ng mga empleyado sa labas ang lakas ng boses mo. Sa susunod kung gagawa ka ng eksena sa opisina ng pinsan ko, siguraduhin mo na nakasara ang pinto para hindi naman nakakahiya," ani ni Alfred. Hindi naman kumibo si Arquiz. Ayaw ni Alfred kay Arquiz, para kay Alfred ay pera lamang ang habol nito sa kanyang pinsan lalo pa at ito na ang may hawak ng isa sa kumpanya nila. Nalaman din ni Alfred na balak mag file ng bankruptcy ng mga magulang nito ngunit sa ngayon ay gumagawa ang mga ito ng paraan upang isalba ang natitira nilang negosyo mula sa pagkalugi. Nagdududa siya na ginagamit ni Arquiz si Diana upang maisalba nito ang negosyo ng kanyang mga magulang. "Huwag mong dadalhin dito ang ugali mo Arquiz. Baka nakakalimutan mo kung sino si Diana sa loob ng building na ito." Hindi naman nakakibo si Arquiz at hindi rin siya makatingin kay Alfred. "I'm okay Kuya Alfred, nagkaroon lang kami ng maliit na argument pero wala naman sa amin 'yon," sabi ni Diana. "Sumabay na kayo sa akin na mag-lunch. Mamaya mo na lang basahin at pirmahan ang mga reports na ipinadala ko dito. Alam ko namang gutom ka na at mas importante pa rin ang kalusugan kaysa sa mga trabaho mo," sabi ni Alfred. Hindi naman kumikibo si Arquiz. Tumayo lamang ito at nagpaalam na sa kanila at hindi na raw ito sasabay sa kanilang kumain. Iniwanan lamang ng binata ang isang bungkos ng bulaklak sa coffee table at naglakad na palabas. "Arquiz, wait!" tawag ni Diana sa kanyang kasintahan. Napahinto naman sa paglalakad si Arquiz at nilingon ang kanyang girlfriend na papalapit na sa kanya. "Tara na, kakain na lang tayong dalawa ng lunch. Ituloy na lang natin 'yung date natin pero kailangan kong bumalik after lunch. Okay na ba 'yon?" ani ni Diana. Isang malaking ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Arquiz at napatingin pa ito kay Alfred. Nagkibit balikat naman si Alfred at napabuntong hininga naman na napatango na lamang sa kanila. "Okay, mag-iingat kayong dalawa. Ingatan mo 'yang pinsan ko dahil mahal na mahal ko 'yan," sabi nito kaya mabilis na kinuha ni Diana ang kanyang bag at lumabas na silang dalawa ng opisina niya. Batid ni Diana na may pagkukulang din siya kay Arquiz. Wala naman siyang magawa dahil iba naman talaga ang itinitibok ng puso niya. Hindi tuloy niya maunawaan kung paano niya tatapusin ang lahat sa kanila ni Arquiz. Naaawa siya dito kaya hanggang ngayon ay nananatili pa rin na may relasyon sila. Pagkarating nila ng parking lot ay sumakay agad sila ng sasakyan. Tinangkang halikan ni Arquiz sa labi si Diana ngunit mabilis naman itong umiwas. "Ano ba ang problema mo ha? Magkasintahan naman tayo pero bakit hanggang ngayon kahit halik sa labi mo ay hindi ko magawa sayo?" galit na ani ng binata sa kanya. "Saka na lang, wala ako sa mood dahil pagod ako," aniya. "Pagod? Wala sa mood? Ang tagal na nating may relasyon pero bakit hanggang ngayon hanggang holding hands lang ako sayo at halik sa pisngi? Si Nato pa rin ba ha? Naibigay mo na ba sa kanya ang katawan mong 'yan?" malakas na sabi nito. Dahil sa narinig ni Diana ay isang malakas na sampal ang ginawa niya sa mukha ng kanyang nobyo. "Oh my god! I'm so sorry baby," aniya habang niyayakap niya si Diana. Puno naman ng luha ang mukha ng dalaga habang itinutulak niya palayo ang kanyang kasintahan. "Please I'm sorry," sabi niya kaya wala na ring nagawa si Diana kung hindi ang hayaan itong mayakap siya at makahingi ng paumanhin. Buo na ang pasya ni Diana. Babalik muna siya ng Pilipinas at hahayaan muna niya sa Kuya Alfred niya ang pamamahala ng kumpanya. Sa Pilipinas na muna siya maglalagi at kakausapin na lamang niya ang kanyang mga magulang na siya na lang muna ang mamahala ng shipping lines company nila na nasa Pilipinas. Gusto muna niyang mapalayo kay Arquiz. Hindi niya sasabihin sa binata ang plano niya. Mas makakabuti kung makasama niya ang mga kaibigan niya upang mapayuhan siya ng dapat niyang gawin. "Huwag ka ng magalit sa akin mahal ko, hindi na mauulit," aniya. Hindi na nagsalita pa si Diana. Umalis na rin sila sa parking lot at nagtungo na sila sa isang restaurant na lagi nilang kinakainan. Hindi rin mawala sa kanya ang mga sinabi ng nobyo niya. Ganito na lang lagi ang nangyayari sa tuwing magkasama sila. Parati na lamang silang nag-aaway at lagi na lamang siyang pinaparatangan ng kung ano-ano ni Arquiz. Minsan niyang sinubukang makipag-hiwalay dito pero tinangka nitong magpakamatay kaya hindi na niya ulit iyon ginawa. Oo aaminin niya. Hanggang ngayon ay si Nato pa rin ang mahal niya pero ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan nila. Ayaw na niyang maalala pa ang mga sinabi nito sa kanya na kalimutan na lamang niya ang damdamin niya para sa kanya dahil kahit na ano ang gawin niya ay hindi siya mamahalin nito dahil sa ibang babae. Masakit 'yon para sa kanya dahil nag-eeffort siya upang mapansin at mahalin din siya nito. Pagkatapos isang araw ay sasabihin na lamang nito sa kanya na kalimutan na nito ang damdamin niya dahil may iba na siyang pakakasalan. Ni Hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon ni Nato, basta na lamang siyang itinaboy nito at gustong kalimutan ng ganuon na lang. Napakasakit nuon para sa kanya dahil minahal niya si Nato at alam niya na minahal din siya nito. Nang malaman niya sa mga magulang niya na totoo ang sinabi ni Nato na siya ang ipinagkasundo ay hindi pa rin nabago nito ang pagkamuhi niya sa binata. Para sa kanya, hindi dapat sinabi ni Nato 'yon sa kanya. Para sa kanya, dapat ay binigyan siya ni Nato ng pagkakataon para malaman nila kung karapat-dapat ba silang magmahalan. Pero hindi, dahil simula pa lang ay itinaboy na siya nito, at hinding-hindi niya makakalimutan ang mga sinabi nito sa kanya. Napatingin sa kanya si Arquiz. Napangiti siya ng matamis dahil ayaw niyang isipin nito na si Nato ang iniisip niya ngayon. Ayaw niyang mahalata nito na may pinaplano siya na bumalik ng Pilipinas upang malayo muna siya kay Arquiz kahit panandalian lang. "Okay ka lang?" tanong nito sa kanya. Isang ngiti muli ang pinakawalan ni Diana at tumango ito sa lalaking titig na titig sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD