Chapter 8 -Babalik na ng Pilipinas-

1709 Words
❀⊱Diana's POV⊰❀ "Totoo ba? Sige darating ako, aasikasuhin ko lang ang mga dapat kong gawin sa opisina at pagkatapos ay magpapaalam na ako kila daddy para bumalik dyan sa Pinas. Nakakatuwa naman na ako pa ang napili mong ninang sa baby mo Ate Claire. Excited na tuloy akong makabalik diyan," aniko habang kausap ko ang pinsan ko sa telepono. "Hay naku Dianara! Bilisan mo at namimiss ka na namin dito," sagot naman niya. "Sige Ate Claire, mamaya ay kakausapin ko sila daddy tapos kakausapin ko din si Kuya Alfred dahil sa kanya ko muna ibibilin ang kumpanya," sagot ko. "Si Arquiz ba ay isasama mo?" "Hindi na siguro ate, mas gusto ko munang mapag-isa ngayon at saka gusto ko rin muna sanang hawakan ang shipping lines ni daddy na nandiyan sa Pilipinas," "Mas mabuti pa nga. Sige at hihintayin ka namin dito. Saan ka ba tutuloy niyan pagdating mo dito, sa condo mo ba o sa mansyon ng mga magulang mo?" "Hindi ko pa alam, baka sa condo ko na lang para naman mapag-isa ako," "Okay magkita na lang tayo kapag dumating ka na. Ipaalam mo sa akin ang araw at oras ng dating mo sa airport para ako na lang ang susundo sa iyo," aniya kaya naman tuwang-tuwa ako. Pagkatapos naming mag-usap ay humarap akong muli sa aking laptop. Mahihinang katok ang nagpaangat ng mukha ko at muli kong ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. "Hindi ka pa ba kakain? Sumabay ka na sa akin bago pa dumating 'yang Arquiz na 'yan at sirain ang mood mo. Bakit ba kasi ayaw mo pang makipag break sa lalaking 'yan samantalang naipagkasundo ka na naman kay Donato Montari. Kung kay Arquiz lang, di-hamak na magandang lalake si Donato at isang totoong mayaman. Hindi katulad ng iba diyan, kunwari mayaman pa rin pero sa tingin ko nanggagamit na lang," "Kuya Alfred ang bibig mo nga! Hindi naman ganuon klase ng tao si Arquiz. Oo madalas bugnutin siya pero dahil 'yon sa dami ng problemang nakaatang sa balikat nya. Maging mabait ka naman sa boyfriend ko," sagot ko sa kanya. "Boyfriend ba talaga ang turing mo sa kanya?" tanong niya na hindi ako nakasagot. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Naupo siya sa tapat ng aking office desk at tinitigan ako. Pilit akong ngumiti sa kanya kasi ayoko ng pag-usapan pa si Arquiz lalo pa at wala namang ginagawang masama 'yung tao sa kanya. "Halika na at gutom na ako. Treat kita ng lunch. Sabi mo ay may pag-uusapan tayo kaya ito na ang chance mo para makausap mo ako ng medyo mas matagal," aniya kaya napangiti ako. Tama siya, ito na ang chance ko para makausap ko siya tungkol sa pagbalik ko ng Pilipinas. Kinuha ko ang pouch ko at isinuot ko naman ang blazer ko na nakapatong sa sandalan ng aking swivel chair. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko kahit hindi ko naman ito dadalhin. Nilagay ko ito sa pouch ko at pinatay ko na ang laptop ko. "Let's go Kuya Alfred," aniko sabay palupot ko ng aking kamay sa kanyang braso. Pagkarating namin sa isang sikat na mall ay naghanap muna kami ng makakainan. Nakakita kami ng isang Filipino restaurant kaya nagmamadali namin itong pinasok. "Kuya may special pinakbet at daing na bangus," sabi ko habang namimilog ang aking mga mata. Sobrang namimiss ko na rin kasi ang pagkain ng Filipino food. "May halo-halo din sila for dessert," sagot niya kaya tuwang-tuwa kami. Mukhang bago lang ang restaurant na ito. Huling punta namin dito ay wala pa naman ito. Ibang restaurant ang nakatayo dito pero ngayon ay isa na itong Filipino restaurant. Ang nakakatuwa pa, halos lahat yata ng paborito kong pagkain ay nasa menu. Maging ang halo-halo na maraming ube sa ibabaw ay nandito din. Sino kaya ang may ari ng restaurant na ito at mukhang mahahalikan ko ito. "Tignan mo ang laman ng menu nila, maging ang buttered mussels ay nandito sa menu. Parang lahat yata ng paborito mong pagkain ay lamang ng menu nila, 'yung gulaman mo na weird sa panlasa ko dahil may slice lemon. Nandyan din oh!" Bigla naman akong napatingin sa mga beverages at sa mga desserts. Totoo ang sinasabi ni Kuya Alfred, parang ako yata ang may ari ng restaurant na ito dahil puro gustong pagkain ko ang laman ng menu nila. "Baka 'yung may-ari ng restaurant na ito ay parehas ng taste ko pagdating sa pagkain," sabi ko. "Pati 'yung gulaman na may slice ng lemon? Dianara, ikaw lang ang may ganyang taste sa inumin," aniya na ikinatawa ko. Napatingin tuloy ako sa paligid ng restaurant. Mukhang hindi simpleng tao lang ang may ari ng restaurant na ito dahil puro naman mamahalin ang mga dekorasyon dito sa loob at ang mga silya at lamesa nila ay hindi basta-basta ang presyo nito. "Tanungin mo kaya Kuya Alfred kung sino ang may-ari nito para kaibiganin ko," sabi ko sabay bungisngis ko. "Bakit ako? Ikaw na lang." Sinibangutan ko naman siya at naghintay na lang ako sa unang waiter na lalapit sa amin. Hindi naman nagtagal ay inaasikaso na kami. Nagtanong din ako kung sino ang may ari ng restaurant pero ang sabi nila ay ang namamahala lang daw ang kilala nila hindi ang tunay na may-ari. Hindi naman ako nangulit na, umorder na lang kami dahil natatakam na ako sa mga pagkaing nakikita ko sa menu. "Gusto kong umorder mamaya kapag nakauwi na ako sa condo ko. Kukuhanin ko na lang ang delivery contact number nila para oorder na lang lagi ako at magpapadeliver," aniko kaya natawa sa akin si Kuya Alfred. "Simulan mo na," aniya. Napakunot noo naman ako. Alin ang sisimulan ko? Ang kumain? Wala pa naman ang mga pagkaing inorder namin at tanging 'yung drinks ko pa lang ang nandito, kaya alin ang sisimulan ko, ang uminom? Napatingin ako kay Kuya Alfred na may malaking tanong sa aking mga mata. Natawa siya ng mahina at biglang ininom ang gulaman ko na inorder ko na may slice na lemon. Bigla siyang ngumiwi at hindi malaman kung iluluwa ba niya ito o lulunukin. Sa inis ko ay hinampas ko siya ng malakas kaya bigla niya itong nalunok. "Ang pangit ng panlasa mo sa inumin!" aniya habang pinupunasan ng table napkin ang kanyang bibig. "Hindi naman kasi 'yan para sayo! Bakit mo ba kasi ininom ang drinks ko eh alak naman ang inorder mo?" naiinis kong sabi. "Yan kasi ang nakatabi sa plato ko. Sinadya mo 'yan noh?" Natawa na lamang ako sa kanya at tinanong ko na lang ulit kung ano ang ibig niyang sabihin na simulan ko na. "Ano 'yun gusto mong sabihin sa akin kagabi na naudlot," aniya. "Yun ba? Gusto ko kasing umuwi muna ng Pilipinas. Pwede ba na ikaw na muna ang mamahala ng kumpanya? Acting CEO ka muna Kuya Alfred. Gusto ko lang munang mapag-isa at makasama ang mga kaibigan ko," sabi ko. Natigilan naman siya at napatitig sa mukha mo. "Paano si Arquiz?" tanong niya. "Please kuya, huwag mo na lang munang sabihin sa kanya ang tungkol dito. Gusto ko lang munang mapag-isa na walang Arquiz sa paligid ko," aniko. Napapailing na lamang siya ng ulo sa akin. "Kasi naman, bakit ayaw mo pa makipag hiwalay sa lalakeng 'yan kung hindi naman ganuon kalalim ang pagmamahal mo sa kanya? Huwag mong ikulong ang sarili mo sa isang relasyon na ikaw rin ang nahihirapan. Kung hindi mo talaga siya mahal, kausapin mo siya." Hindi naman ako kumibo. Ginawa ko na 'yon dati ng hindi nila alam pero nagtutok ng baril sa ulo si Arquiz. Hindi raw niya kayang mawala ako sa buhay niya kaya mas mabuti pa raw na magpakamatay na lang siya. Natakot ako nuon kaya binawi ko ang sinabi ko sa kanya. Lumuhod siya sa harapan ko at nakiusap siya na huwag ko siyang iiwanan. Ayokong maging kargo ng konsensya ko kung tototohanin niya ang pagpapakamatay niya. "Bakit natahimik kang bigla? Tinatakot ka ba ng gagong 'yon? Pinagbabantaan ka ba niya?" galit niyang tanong at nakikita ko sa mga mata ng pinsan ko na handa siyang pumatay kung sakaling may mananakit sa akin. "Ang OA ha! Hindi niya ako tinatakot at lalong hindi niya ako pinagbabantaan. Gusto ko lang talagang magkaroon ng pagkakataon na magpahinga. Hindi naman kasi ako kasing yaman ng mga asawa nila Roxanne na may mga acting CEO sila sa tuwing hindi sila sumisipot sa mga opisina nila. Ako wala, ikaw lang katuwang ko tapos ang laki pa ng obligasyon mo dito. Nahihiya na nga ako lalo pa at nakikiusap ako ngayon sa iyo na mag-acting CEO ka muna." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at napasandal pa sa upuan niya. Tinitigan niya akong mabuti habang ako naman ay nagpapa-cute na sa pinsan ko. "For how long?" "I don't know yet. Ibig ba sabihin ay pumapayag ka na?" tuwang-tuwa kong ani habang nakatitig ako sa mukha niya. "Well, may magagawa ba ako. Kelan mo gustong umalis para maipahanda ko ang private jet ng mga Morris," aniya pero mabilis akong umiling. "Ayokong sumakay ng private jet ng family natin Kuya Alfred. Malalaman kasi ni Arquiz. Kung maaari sana ay magpapa schedule na lang ako ng business class. Ikaw na ang gumawa para hindi malaman ni Arquiz at ikaw na rin ang maghatid sa akin sa airport. Gusto ko sana ay 12:00 am ang oras ng flight ko para naman gabi ako aalis at walang makakaalam lalo na si Arquiz." "Hay naku! Pasaway ka talaga! Okay, ako na ang bahala sa lahat. Kapag may problema ka sa Pilipinas ay tawagan mo agad ako upang lumipad ako at puntahan ka. Alam na ba nila tito ang plano mong ito?" aniya. "Hindi pa, pero mamaya ay sasabihin ko. Isa pa ay mag-aanak ako sa binyag. 'Yung anak ni Ate Claire ay bibinyagan sa Sunday kaya kailangan kong makabalik as soon as possible," sabi ko kaya napatango siya. "Bibili ako ng regalo at ikaw na ang bahalang mag-abot para sa kanila." Tumango na lamang ako at hindi na ako nakapag salita pa dahil dumating na ang pagkain namin. Tuwang-tuwa ako ng makita ko ang mga ito. Ang daming pagkain at lahat ng nakahain ay paborito ko. Sino nga kaya ang may-ari ng restaurant na ito at pareho pa kami ng taste sa pagkain?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD