❀⊱┄┄┄┄┄┄┄┄┄⊰❀
Katulad nga ng sinabi ni Diana ay tuluyan na niyang nilisan ang Pilipinas kinabukasan at kasama ang kaniyang pinsan na si Alfred na pabalik na rin ng America. Sa isang business class sila sasakay since hindi naman afford ng pamilya nila ang magkaroon ng isang private jet. Mayaman din ang pamilyang pinanggalingan ni Diana pero hindi naman sila kasing yaman nila Roxanne na talagang kilalang multi-billionaire ang pamilyang pinanggalingan at idagdag pa na napangasawa nito ang multi-billionaire na si Hanz Andrew Dux.
"Pinsan bakit ba naisipan mong bumalik ng America? Akala ko ba gusto mo ng manatili ng Pilipinas para nakakasama mo mga kaibigan mo? Ano nangyari at biglaan naman yata ang pagdedesisyon mo?" Tanong ni Alfred sa kanya.
Hindi agad nakakibo si Diana. Hawak lamang nito ang plane ticket niya habang patuloy lamang silang naglalakad upang pumunta na sa gate nila.
Panay ang tingin ni Diana sa paligid dahil pakiramdam niya ay may mga matang nagmamasid sa kanila pero ang lahat naman ng tao ay busy sa kani-kanilang mga ginagawa. Nagkibit balikat na lamang ito at pagkatapos ay iniabot sa pinsan niya ang kanyang plane ticket upang ayusin ang sintas ng kanyang sapatos.
"Hindi mo ako masagot, si Nato ba ang problema mo? Akala ko ba wala ka namang interes sa kanya pero bakit affected ka?" ani nito ngunit hindi pa rin siya sinasagot ni Diana.
Pagkatapos itali ni Diana ang kanyang sapatos ay humarap siya sa kanyang pinsan at kinuha ang kanyang passport at plane ticket. Naglakad na sila na halos takbuhin na nila ang kanilang gate number ng marinig nila ang last call ng kanilang flight number.
Pagkapasok nila ng eroplano ay isinandig ni Diana ang kanyang upuan upang makahiga siya ng maayos ng tuluyan ng lumipad ang kanilang sinasakyan. Isang flight attendant ang lumapit sa kanila at tinanong agad sila ng maiinom.
"Whisky," ani ni Alfred.
"Red wine please," sabi naman ni Diana. Agad naman silang inasikaso at ibinigay agad sa kanila ang kanilang mga alak na nasa wine glass na. Tinungga agad ito ni Diana at ibinalik ang baso sa flight attendant at tumingin sa gawing bintana.
Natahimik naman si Alfred at hinayaan lamang nito ang pananahimik ng kanyang pinsan. Gustuhin man niyang tanungin ito ng kung ano ba ang bumabagabag dito ay hindi na lang niya ginawa.
"Minahal ko siya, tapos itinaboy niya ako. Nuong hindi ko na siya pinansin saka naman siya nangungulit. Gustuhin ko man na magalit sa kanya pero hindi ko magawa dahil alam ko na may kasalanan din ako," wika ni Diana kaya napalingon sa kanya ang kanyang pinsan.
"Ano ang ibig mong sabihin na may kasalanan ka din? Ipaliwanag mo nga sa akin," ani nito sa kanyang pinsan.
"Nuong nalaman niya mula sa kanyang mga magulang na ako pala ang ipinagkasundo sa kanya ay ginawa niya ang lahat upang mapansin ko siya. Lagi niya rin akong sinusundan at pinupuntahan sa condo ko pero itinataboy ko siya. Hinahampas ko pa siya ng bar para lang mapahiya siya sa mga tao upang layuan na niya ako pero hindi naman siya tumitigil. Kaso nagbalik na ang alaala niya at bumalik na ang dating cold na Nato kaya ayun, iniwasan na niya ako at puro na siya pambababae. Hindi na niya ako pinapansin at para lang siyang malaking bloke ng yelo na nakatayo at nakatingin sa akin. Tapos maririnig ko pa sa mga babaeng naikakama niya ang mga ginagawa nila. Ayoko na talaga, masyado na akong nasasaktan kaya hahayaan ko na lang siya sa mga ginagawa niya. Ito ang dahilan kung bakit babalik na ako ng America, dahil gusto ko na siyang kalimutan, at maghahanap ako ng isang lalake na ipapalit ko sa kanya." wika nito kaya natawa ng mahina si Alfred sa tinuran ni Diana.
"Hindi naman nakakatawa ang nangyayari sa akin noh! Nakakainis ka talaga Kuya Alfred," inis na ani nito kaya inakbayan lamang siya ng kanyang pinsan.
"Ikaw ang bahala, kung gusto mo siyang palitan diyan sa puso mo ay ikaw naman ang masusunod at hindi ako. Basta tandaan mo lang, hindi ganuon kadali ang sinasabi mo." Humugot lamang ng malalim na paghinga si Diana at inihilig lang niya ang kaniyang ulo sa kanyang pinsan.
◄Nato's POV►
Alam ko na ngayon ang flight ni Diana pabalik ng America. Hindi ko naman siya pinigilan at hinayaan ko lang siyang makaalis. Kahit saan naman kasi siya magpunta ay hindi niya ako matatakasan.
Inutusan ko ang mga tauhan ko na sundan sila hanggang sa airport at ibalita na lang sa akin kung nakaalis na ang mga ito. Kasama niya ang kanyang pinsan na si Alfred kaya naman kampante ako na magiging safe ang pag-alis niya.
"Ang tahimik mo naman yata?" Napatingin ako kay Diego pero hindi ko naman siya pinansin.
"Iniisip mo ang pag-alis ni Diana?" tanong niyang muli pero hindi ko pa rin siya pinapansin dahil naghihintay ako ng tawag mula sa mga tauhan ko.
Hindi nagtagal ay tumunog din ang telepono ko kaya mabilis ko itong sinagot upang malaman ko kung ano ang balita.
"Nakaalis na ho sila, lumipad na ang eroplano," ani ng tauhan ko mula sa kabilang linya.
"Okay," tangi kong sagot at tinapos ko na agad ang aming pag-uusap.
"Alam mo ba na bumili ka ng singsing na mumurahin tapos sinabi mo sa amin nila Marcus na mag-aalok ka ng kasal kay Diana? Itinapon nga ni Marcus ang singsing, nasa bar tayo ng gabing 'yon. Galit na galit ka pero wala kang nagawa dahil si Marcus 'yun eh!" wika niya pero hindi ko siya pinapansin.
"Naalala mo din ba na nagpanggap kang macho dancer para lamang ma-stalk mo siya. Nakakatakot ka palang ma-in love. Nagiging stalker ka. Kinuwento lang 'yan sa amin ni Marcus. Parang hindi mo naman kilala ang best friend mo." wika pa niyang muli pero hindi ko talaga siya pinapansin at hinahayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita.
"Gusto mo ngang pikutin si Diana, tapos inambaan mo siya ng patalim sa leeg niya," napakunot noo ako dahil sa sinabi niya. Kailan nangyari 'yon samantalang wala naman akong naaalalang ganuon.
Bigla akong napatingin sa kanya na salubong ang dalawang makakapal kong kilay dahil sa tinuran niya. Tatanungin ko sana siya kung kailan 'yon nangyari pero malakas na tawa ang pinakawalan niya kaya lalo ng naging isa ang dalawa kong kilay.
"Sabi ko na nga ba! Naaalala mo na ang mga nangyari sa iyo. Nagpapanggap ka na lang na kunwari hindi mo pa rin naaalala ang dalawang taong nakaraan ninyo ni Diana." Bigla kong tinakpan ang kanyang bibig at napatingin ako sa pintuan ng aking opisina. Baka mamaya dumarating sila Marcus at marinig pa siya.
"Last week lang, unti-unting nanunumbalik ang lahat ng alaala sa akin. Pero walang ganuong nangyari gago ka!" inis kong sabi sa kanya pero natawa lamang siya at tinapik ako sa balikat.
"I know, sinubukan ko lang kung totoo nga ang pakiramdam ko na naaalala mo na ang lahat ng nakalimutan mong alaala," sabi niya kaya natawa ako at napapailing ako sa kalokohan niya.
"Bakit mo siya hinayaang umalis kung naaalala mo na naman pala ang lahat?" tanong niya sa akin.
"Para ano pa? Ilang beses ko siyang sinusuyo pero itinataboy niya ako. Napapahiya ako sa mga tao kapag hinahampas niya ako ng bag niya at itinutulak palayo sa kanya. Nuong nanumbalik ang lahat ng alaala ko ay hindi na ako nagtangka pa na suyuin siya. Sapat na sa akin na ilang beses niya akong itinaboy at ipinahiya sa mga tao. Hindi naman niya ako matatakasan dahil kahit saan siya magpunta, malalaman at malalaman ko. Kung hahanap siya ng kapalit ko, nasa sa kanya na 'yon basta huwag lang niyang pakakasalan dahil ako papayag. Sa akin siya ipinagkasundo kaya sa akin din ang bagsak niya sa ayaw at sa gusto niya," wika ko kaya natawa siya.
"Okay, kung 'yan ang style mo ay wala na akong magagawa diyan. Hindi mo ba sasabihin kila Marcus na naaalala mo na ang lahat?" tanong niya. Umiling ako. Hindi pa ngayon dahil uunti-untiin ko lang sila para hindi naman niya ako kulitin tungkol kay Diana.
"So, ano ang plano mo kay Diana ngayong bumalik na siya sa America?" tanong muli niya.
"Wala akong plano, hahayaan ko lang siya. Kung magkakaroon siya ng kasintahan ay hahayaan ko lang din siya. Bahala siya sa gusto niyang gawin sa ngayon pero isa lang ang masasabi ko sa iyo. Kahit na ano pa ang gawin niya at kahit sino pa ang maging kasintahan niya, sa akin pa rin ang bagsak niya. Mark my word, bro!" wika ko sabay tungga ko sa kopitang may lamang alak.
"Okay, sinabi mo eh!" wika nito kaya nagkibit balikat na lamang ako.
Natahimik naman kaming pareho. Hindi rin mawala sa isip ko si Diana. Sinubukan ko naman nuon pero siya ang may ayaw kaya ako na ngayon ang lumalayo sa kanya. Pero huwag siyang pakampante dahil kapag ninais ko ng mabawi ang kung ano ang akin ay wala na siyang magagawa pa. Itinakda siya sa akin. Anuman ang mangyari ay sa akin pa rin ang bagsak niya sa ayaw man niya at sa gusto.