Chapter 5 -Kabisado daw ang amoy?-

1622 Words
Diana's POV Ilang linggo ng hindi na nagpakita pa sa akin si Nato. Naiinis ako dahil madalas kong marinig sa ibang tao na may kasama si Nato na ibang babae, actually iba't ibang babae ang araw-araw daw nitong kasama. Bumalik lang ang ala-ala niya ay sinadya na niya akong kalimutan. Hindi ako naniniwala na hindi niya naaalala ang dalawang taon na nakaraang nangyari sa buhay niya, maging ang pagkakakilala namin sa hacienda ni Isaac. "Bestie, tahimik mo naman." ani sa akin ni Ariana. Papunta kami ngayon sa mall dahil may bibilhin daw siya para sa asawa niya. Ayoko talagang sumama pero hindi naman available si Roxanne kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya. Habang naglalakad kami sa mall ay makakasalubong namin sila Marcus. Katabi niya si Hugo at sa kabila naman ay si Nato. Hindi ko alam kung magpapatuloy ako sa paglalakad dahil halos mangatog na ang mga binti ko habang pinagmamasdan ko ang kagwapuhan niyang taglay. "Okay ka lang?" Tanong sa akin ng mga kaibigan ko. Tumango lamang ako sa kanila at napatungo ako ng aking ulo. Patuloy lang sana kaming maglalakad at lalagpasan lang sana namin sila ng huminto sa harapan namin si Marcus. "Hello, hindi ba ninyo kami nakita?" ani nito. Hindi naman ako nagsasalita at hinahayaan ko lamang sila. Napatingin ako kay Nato pero diretso lamang ang tingin niya at hindi man lamang ako tinatapunan ng tingin. "Hindi eh, buti binati ninyo kami," ani ni Ariana kaya natawa si Marcus. "Let's go, ayokong masayang ang oras natin dito. marami pa tayong gagawin at naiistorbo nila tayo," ani ni Nato kaya napataas ang isang kilay ko. "FYI, si Marcus ang huminto para batiin kami, at least siya maganda ang ugali hindi katulad ng iba diyan, bastos na, pangit pa ang ugali." Biglang napalingon sa akin si Nato. Tinitigan niya lamang ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Wala akong panahon makipag plastikan sayo," ani nito kaya sinibangutan ko siya. Magsasalita pa sana ako pero inawat na kami ni Marcus at humingi na rin ito ng pasensya dahil sa inasal ni Nato sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Bakit pakiramdam ko ay apektado ako ng mga nangyayari sa aming dalawa? "Okay ka lang ba talaga friend?" ani ni Ariana kaya napalingon ako sa kanya at halos maluha na ako dahil aaminin ko na nasasaktan pa rin ako. "Yan na nga ba ang sinasabi ko. Ilang beses ka niyang kinulit-kulit pero paulit-ulit mo naman siyang itinataboy. Ngayon ay nakalimutan niya ang dalawang taong ala-ala niya at kasama ka duon," ani ni Roxanne. "Naniniwala ba kayo na nakalimot siya at hindi niya naaalala ang dalawang taon na nagkaroon siya ng amnesia? Hindi ako naniniwala at alam kong ginagawa lamang niya 'yan upang paghigantihan ako," ani ko. "Hindi naman siguro magsisinungaling si Nato tungkol sa mga bagay na 'yan. Dapat nga alam mo ang tungkol diyan hindi ba?" ani ni Roxanne sa akin. Hindi na ako kumibo pa pero aaminin ko na apektado ako sa malamig niyang trato sa akin. Nakarating kami ng boutique at nagsimula na kaming tumingin ng mga dress. May naulinigan kaming nag-uusap sa kabila lamang ng mga dress na naka hanger at hindi ko nakikita ang mga mukha nila. "Nakita mo ba kanina si Nato? Ako ang kasama niya kagabi at magdamag niya akong kinabayo. Sobrang galing niya sa kama at maniwala kayo sa akin, sobrang laki ng alaga niya at talagang mapapa-halinghing ka sa sarap sa tuwing kumakabayo siya." Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Parang sinaksak ang puso ko ng marinig ko ang sinabi ng kung sino man ang babaeng 'yon. "Bakit hindi ka magpabuntis sa kanya para masarili mo na siya?" ani ng kausap niya. Ang sakit sa puso, akala ko ay tuluyan ko na siyang nakalimutan pero ngayon na naririnig ko ang mga sinasabi ng babaeng 'yon, para akong sinasaksak sa puso. "Maingat, laging may baong lobo," sagot nito sabay hagikgik pa nito. Naglakad ako palayo at nagsimula ng magtuluan ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sakit na nararanasan nito ngayon. "Umuwi na tayo, wala na ako sa mood mamili ng mga damit," ani ko at naglakad na ako palabas ng boutique habang masaganang tumutulo ang aking mga luha. Wala akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko kahit pinagtitinginan nila ako. Nasasaktan ako at hindi ko ito itatago, pero alam ko naman na kaya ko naman siyang kalimutan. "Aalis ako bukas, babalik ako ng America at duon ko na ipagpapatuloy ang aking pag-aaral. Hindi na muna ako babalik ng Pilipinas unless naka move on na ako kay Nato. Sa pagbabalik ko ay sisiguraduhin ko na iba na ang itinitibok ng aking puso," ani ko habang patuloy lamang ako sa paglalakad. "Seryoso ka na ba diyan sa sinasabi mo?" Tanong ni Ariana. Tumango ako sa kanya. Ipinakita ko sa kanya na sigurado na ako sa desisyon ko. Gusto kong patunayan kay Nato na kaya ko siyang kalimutan. Kung kaya niyang magpakasarap sa piling ng iba't-ibang babae, gawin na niya dahil ito na talaga ang huling beses na iiyakan ko ang Nato na 'yan. "Hala! Affected naman ako. Mamimiss ka namin nila Roxanne bestie," ani ni Ariana. Tumingin ako sa kanila at natawa ako ng mahina. "Parang hindi ko naman kayo kilala, saka makakasama ko naman duon si Maricris, hindi ba? Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko, then babalik na rin ako dito at sa pagbabalik ko, sisiguraduhin ko na wala na sa sistema ko ang lalaking 'yon." Hindi na sila kumibo pa. Umuwi na lang din ako at bukas na lang kami magkikita-kita para ihatid nila ako sa airport. Sa condo ko ako umuwi. Wala naman kasi dito sila mommy, bumalik sila ng America upang asikasuhin ang ilang negosyo namin duon. Pagkahiga ko sa aking kama ay saka ko na inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Akala ko ay tuluyan ko ng nakalimutan si Nato pero ng makita ko kung gaano kalamig ang pakikitungo niya sa akin ay duon ko naman naramdaman na apektado pa rin pala ako. Pinapasunod naman ako nila Mommy at Daddy sa America kaya 'yon na lang ang magiging dahilan ko sa mga magulang ko kung bakit hadalian ang pag-alis ko dito. "I hate you so much, Nato!" Malakas kong sigaw sabay hagis ko ng aking unan. Nato's POV "Bakit naman ganuon ang pakikitungo mo kay Diana kanina? Hindi mo ba naaalala kung paano mo siya sinusuyo?" Napatingin ako kay Marcus sa sinabi niya. Wala naman akong naaalalang sinuyo ko siya kaya natawa ako ng pagak. "Wala naman akong sinabing masama. Totoo lang ang sinabi ko kanina na naaabala na nila tayo. Hindi ba at importante ang lakad natin kanina at muntikan pa tayong ma-late? Masyado lang silang sensitive kaya kahit simpleng salita, naaapektuhan sila," ani ko. "Mabait naman si Diana, siya ang babaeng ipinagkasundo sa iyo ng inyong mga magulang. Sabi mo nuon gusto mo siya, bakit ngayon nagkakaganyan ka?" Natawa naman ako kay Marcus. Kailan pa niya ipinagtanggol si Diana laban sa akin? "Ayokong pag-usapan si Diana. Nandito tayo sa club para mag-enjoy. Magpapakasawa ako sa babae katulad ng dati at walang Diana na makakapigil sa akin," ani ko. Sinalinan ko ng alak ang hawak kong kopita at iniisang lagok ko lamang ito habang nakatitig ako sa mga babaeng sumasayaw sa stage. Hindi ko talaga nauunawaan ang sinasabi nila na nagkaroon ako ng amnesia at nawala ako ng dalawang taon. Hindi ko 'yon naaalala at hindi ko rin naaalala na nagustuhan ako ni Diana. Pero nakapagtataka ay ang pilat sa aking tagiliran. Tama ito ng bala at sigurado ako duon. Marahil ay nakuha ko ito nuong nakikipag labanan ako sa karagatan at 'yon lamang talaga ang naaalala ko, nagising na lang ako ay nasa hospital na ako. Nagulat na lamang ako na dalawang taon na pala na skip ko. "Natahimik ka?" Tanong ni Hugo. "Sabi ninyo ay nanirahan ako ng Batangas bilang isang empleyado ng hacienda ni Isaac. Kayo na rin ang nagsabi sa akin na nung mahanap ninyo ako ay malapit na kami sa isa't-isa. Ano ang nangyari at hindi kami ang nagkatuluyan?" Tanong ko. "Itinaboy mo siya dahil nalaman mo na ikakasal ka na pero hindi mo maalala kung sino ang babaeng pakakasalan mo. Kinausap mo siya na layuan ka na niya at huwag na siyang umasa na magkakaroon ng karugtong ang pagkakamabutihan ninyo dahil ikakasal ka na at hindi siya 'yon. Itinaboy mo siya bro kaya nagalit siya sa iyo. Umuwi tayo ng Manila at ng malaman mo na siya pala ang babaeng ipinagkasundo sa iyo, ayun nabaliw ka at lahat ng klase ng panunuyo ay ginawa mo sa kanya. Kaya lang ayaw na niya sa iyo at ikaw naman ang itinataboy niya. Sabi mo pa ay ipinapahiya ka na niya sa harapan ng maraming tao kaya ayaw mo ng ituloy ang panunuyo mo. Ganuon ang nangyari hanggang sa bumalik na nga ang ala-ala mo, kaso nakalimutan ng isipan mo ang dalawang taon na nagkaroon ka ng amnesia. Sabi naman ng doktor ay temporary memory loss lang naman 'yan hindi ba? Ibig sabihin ay unti-unti ring babalik sa iyo ang lahat ng ala-ala mo." Mahabang paliwanag ni Marcus. "So, pinapahiya pala niya ako? Kung gayon, wala siyang aasahan sa akin," ani ko at muli kong nilagok ang alak na isinalin naman ni Lucio sa kopita ko. Diana, naaalala ko na pinangakuan kita ng kasal nuong paslit ka pa lamang, hindi ko alam kung natatandaan mo 'yon dahil apat na taong gulang ka pa lamang nuon. Hindi ko rin alam kung saan tayo dadalhin ng galit mo sa akin, pero isa lang ang masasabi ko. Kahit saan ka magpunta o magtago, kabisado ko ang amoy ng panty mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD